Chapter 8 :

7.9K 269 1
                                    

Rain POV

Pumunta na kami ng mga kaibigan ko sa dean's office para makuha nila ang mga information kung anong section sila papasok. Sa aming lima si Evie lang ang naiba ng section. Grabe nga ang haba na ng nguso nito sa kaka pout.

" Bakit ba kasi sa ibang section ako nilagay ng panget na dean na yun?!"inis na reklamo nito at talagang nagpapadyak pa siya kaya medyo nagsitinginan sa amin ang mga tao.

" Tumahimik ka na nga dyan bitch ,wala ka ng magagawa dahil sa dean na mismo nanggaling. Letse!"asik na naman ni Cloud kang Evie. Ayan nagsta start na naman ang bangayan nila mga boang talaga.

"Hoy letse wala kang pakialam!"singhal din nito pabalik.

"Hahaahaah...wala parin talaga kayong pinagbago noh?!"sabi naman ni Cyra.

Wag nyo ng hintayin na magsalita si Kazumi kasi once in a blue moon lang yan nagsasalita. Kung ako tahimik mas tahimik sya,magsasalita lang yan kung tinanong moh na.

" Ano kayang pwedeng gawin ni Evie para malipat siya sa section natin? Ha Kazumi?"tanong ni Cyra dito.

" Tsk, bayaran mo nalang kung ayaw takutin mo nalang magaling ka naman dyan eh"suhestiyon nito at matipid na ngumisi. At nagliwanag naman ang mukha ni Evie sa sinabi nito. Minsan lang magsalita pero nakakatakot ang lumalabas sa bibig nyan.

"Brilliant Kazumi! Wahhh...thanks.. See you sa room guys!"paalam nito na para bang sure na siya na malilipat siya section namin.

" Kazumi naman eh! Bakit ka nag suggest ng ganon ayaw kong makasama ang babaeng yun!"reklamo ni Cloud.

" Eh sa nagtanong e,sinagot ko lang"sabi nito at nagpasiuna ng maglakad.

Pagpasok namin sa room ay napatingin sa amin ang mga kaklase namin. Pero napansin ko lang wala yata ang limang feeling sikat sabi pa nga ni Cloud. At pumasok naman din ang teacher namin kaya nagsiupuan na kami ni Cloud at ang dalawa naman ay pumunta sa harapan para magpakilala. Nakakatawa lang kasi nung si Kazumi na ang magpapakilala ay bumulong lang ito kang Cyra at si Cyra na ang nagpakilala sa kanya sa harap. Kaya napangiti nalang ako sa ginawa nila habang itong si Cloud naman perti ang tawa. Kaya napagalitan siya ng teacher namin pero naka bungisngis parin ang gaga.

Nag sta-start na ang klase ng biglang pumasok ang apat sa feeling sikat. Kaya biglang natahimik ang klase.

" Good Morning sir. Sorry pinatawag po kasi kami ni dean sa office"sabi nung  Matthew yata ang pangalan non.

" Ok Mr. Gutierrez you may all take your seats"sabi ni sir at nagpatuloy na sa diacussion niya na naputol.

"Hi babe!"magiliw na bati ng kambal ni Aki na si Azi kang Cloud na tinaasan lang nito ng kilay.

" Babe mo your face!"ismid nito. Pero nakangiti parin ito na siyang kinainis ni Cloud." Anong ningiti ngiti mo dyan?! Umupo ka nga!"mahinang sigaw nito para hindi sila marinig ng teacher sa harapan.

" Yes babe!"sabi nito na nakasaludo pa at pa martsang tumungo sa upuan nito. Parang di yata gumagana sa lalaking toh ang pagsusuplada ni Cloud ah. Nakahanap din ito ng katapat niya.

" Aish..nakakainis talaga siya!"inis na bulong nito. At nung tingnan ko yung dalawa nakatingin na pala ang mga ito kang Cloud. At sa tingin palang nang mga toh ay parang binibigyan nila si Cloud ng isang

' What?! Babe?' na look na inismiran lang ni Cloud.

Habang nagdidiscuss ang teacher namin sa harap ay napapansin kung may nakatitig sa kin kaya nung tiningnan ko kung sino ay nakita kong nakatingin sa gawi ko si pakialamero na umiwas din agad.

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon