Chapter 13 :

6.9K 236 0
                                    

Rain POV

Pagpasok namin sa room ay bigla nalang natahimik ang klase ng makita nila kami. Pero hindi namin sila pinansin nang biglang mahagip ng mata ko si Ms. Fake na nakatingin sa kin. Iba ang nakikita ko sa mga tingin niya at nakikita ko ang iritasyon sa mga ito. Walang emosyon ko siyang tiningnan saglit at nagtungo na sa upuan ko.

Agad din namang lumapit sa amin si Aki para kumustahin kami-- ay sila ni Cloud at Evie lang pala na talagang pina ikot ikot pa niya. Pero nung makita nito ang kunting galos sa mukha ni Cloud. Kaya bigla nalang itong nataranta sa pag aalala.

" Ohmygod!"singhap nito na mukhang narinig ng iba dahil napatinginin sa gawi namin." Anong nangyari diyan sa mukha mo?!"nag aalalang tanong nito. Kaya lumapit na ang iba sa mga kaklase namin lalo na yung dalawa sa limang feeling sikat E-un at Jino yata ang pangalan nila.

Ka lalaking tao mga chismoso.

Pero hindi parin muna ito nagsalita at tumingin muna sa amin apat na mukhang nagpapatulong sa kong anobg dapat niyang sabihin. Pero pareho kaming lahat na nag iwas ng tingin at hinayaan siyang gumawa ng kwento, kasalanan din naman yan e at nagpatama siya.

" Hehehehe...nadapa kasi ako kanina tapos una pa ang mukha kaya ganito na gasgasan"palusot nito na mukhang di pinaniwalaan ni Aki pero imbes na magsalita ay tumango nalang ito.

" Babe sa susunod mag ingat ka kasi!"bigla nalang sambit ng kapatid ni Aki na ikinalaki ng mata ni Cloud. Tawagin pa namang  siyang babe." Tingnan mo tuloy na gasgasan pa yung maganda mong mukha. Pero talaga bang nadapa kalang mukha kasing higit pa diyan ang nangyari sayo e" takang tanong ni Azikiel. Pero sa tono ng pagtatanong niya ay parang may iba itong gustong sabihin.

Pero sa imbes na sagutin ito ni Cloud ay tinarayan niya lang ito at inirapan,ngumiti lang naman ang loko. May gusto yata toh kang Cloud,iba kung ngumiti e.

Buti nalang talaga at dumating na agad ang teacher namin kaya di nakatanong yung iba.

Pero habang nagkaklase kami ay talagang di mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.

'Nakita niya kami kanina?' tanong ko sa sarili at palihim na tiningnan si Jaze.

Habang nag uusap kasi kami kanina ay napansin ko ang isang lalaking nakatingin sa gawi namin. Pero agad itong nawala, kaya agad kong inaya silang umalis na don. Tinalon nalang namin ang pader sa likod ng school papasok , di naman yun masyadong kataasan kaya madali kaming nakapasok.

Kung nakita niya man kami o wals kailangan kong masiguro na di niya ipagsasabi sa iba ang mga nakita niya, kon meron man.

Jaze POV

Bago matapos ang klase ay palihim akong tumitingin sa gawi ni Rain at tinitingnan ang bawat expression na ginagawa ng mukha niya na hindi ko alam kong bakit ko ginagawa.

Pero simula kasi ng naramdaman ko yung naramdaman ko kanina habang nakikipag away siya sa mga gangster na yun. Parang bigla akong di makagalaw at di matigil sa pagtibok ang puso ko parang nakikipagkarera ang puso ko sobrang bilis ng tibok nito. At tila ayaw nang ihiwalay ang mga mata ko sa mukha niya.

Pakshet..... Ano toh?! Baliw na yata ako!! Ano bang ginawa mo sakin at nagkakaganito ako ngayon? Pero gusto ko tong nararamdaman ko tong toh. Hehehehehe...

Nagsimula ng magsiayos ng mga gamit nila ang mga kaklase namin at nagsilabasan na din ang iba. Mag isa akong naglalakad ngayon sa hallway papuntang roof top at pinauna muna yung mga kaibigan ko, parang gusto ko munang magpahangin ngayon at mag isip isip muna ng kong ano-ano.

Pero bago pa ko makarating sa rooftop ay parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at nagsimula na namang tumibok ang puso ko. At parang tila biglang bumagal ang oras sa mga oras na yun. Ang ganda niya. Hindi siya ganon kaganda tulad ng ibang babae sa school pero tanging sa kanya lang nagkakaganito ang puso ko. Bwesit baka magkaka heart attack yata ako nito.

"Hoy problema mo?!"pukaw nito sa kin kaya nabalik agad ako sa ulirat ko.

" Ha-ha?!"takang tanong ko dito.

'Ako ba kinakausap niya? Bakit niya ko kinakausap? Nakita niya kaya ko? Magagalit kaya siya sakin? Shit bakit natatakot akong magalit siya sakin?' tanong ng isip ko,mababaliw yata ako nito.

" Mag usap tayo?"sabi nito at nagpasiunang maglakad. Pero ng mapansin nitong hindi ako sumusunod sa kanya ay bumalik  ulit siya hinawakan ang kamay ko at hinila niya pasunod sa kanya. At wala na akong nagawa kundi ang magpasianod sa kanya sa rooftop.

Pero nagulat ako nang bigla niya nalang akong itinulak pasandal sa pader,talagang nanlaki ang mga mata ko sa gana. At nung isinandal niya ang kaliwang kamay niya sa pader ay bigla nalang akong napatiklop sa gulat.

"A-anong gi-ginagawa m-moh?"shit bakit ako nauutal ng ganito, para akong bakla nito.

" Anong nakita moh?"kalmadong tanong nito pero nakakatakot at maawtoridad ito kong magsalita.

" A-anong  nakita ,wala naman akong kailangan makita diba? Meron ba? Hindi naman kita nakitang nakahub-"bigla nalang akong natigilan sa mga pinagsasabi ko ng mapagtanto ko kong ano yung mga sinabi ko.

At dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon ay kong ano-ano nalang ang naiisip ko.

Ano ba yan, baka isipin nito na ang manyak ko.

Pero mas ikinagulat ko ang isang malakas na batok sakin galing lang Rain.

"Ah! ang sakit non ah" inis kong asik dito.

At nung tingnan ko ito ay nagulat ako ng makita kong mamumula ang mukha nito.

Shit bakit ang cute nya bigla.

" Gago hindi yun ang ibig kong sabihin"sabi nito at nag iwas ng tingin.
     
  'Ang cute niya'.

At hindi ko talaga maiwasan na hindi mapangiti sa reaksiyon ng mukha niya.

" Akala ko kasi yun ang tinutukoy mo. Hehehe"sabi ko at napakamot pa ko sa batok ko. Parang bigla nalang akong nakaisip ng kalokohan at parang gusto ko siyang asarin.... Ang cute niya kasi😊

" Gago" mahinang sabi nito pero narinig ko parin.

" Pero hindi ba talaga yun ang gusto mong sabihin?"pang aasar ko at tumingin naman agad ito sakin pero seryoso parin ang mukha nito. Pero alam kong nagtitimpi lang siya. Binigyan niya lang ako ng 'seriously look'.

" Pero kung gusto mong mayron akong makita-"binatukan niya na naman ako. Pero imbes talaga sa mainis ako napangiti nalang ako at nag peace sign sa kanya. Hehehe para kaming couple na nag aaway.

" Ginagago mo ba ko?!! Ang tinatanong ko ay kung-"di niya ma tinuloy ang sasabihin nya tungkol sa pakikipagnasag ulo nila.

" Ang alin?"patay malisyang ani ko

"Wala umalis kana lang"sabi nito at umaktong pinapaalis ako. Pero naatigas ako at nanatili lang sa pwesto ko tiningnan niya lang ako na parang di makapaniwala sa inaakto ko. Kaya siya nalang ang umalis pero sumunod parin ako. Hehehe...

Rain POV

Medyo naiinis nako kasi kanina pa sunod ng sunod sakin tong Jaze nato,ngumingiti lang naman kapag tinitignan mo,parang baliw lang. Pero nanatili paring seryoso ang mukha ko kahit inis na inis na talaga ako sa kanya.

" Rain sige na sabihin mo na kon ano yung sasabihin mo"pangungulit nito. Kanina pa siya nangunguli sabi ng wag nalang e.

" Tsk. Wag na!"timpi kong sabi dito at patuloy lang sa lakad ng bigla itong huminto sa harap ko.

" Ayaw mo talaga?!"pangungulit nito." Edi wag"agad din nitong sabi at umalis sa harap ko.

Napabuga nalang ako ng di makapaniwalang hininga dahil sa inasta niya . Grabe siya pa talaga ang may ganang mag walk out . Punyeta siya. Aish...kainis!

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon