Jaze POV
" Happy Birthday Jaze!" paulit-ulit na bati ng mga bisitang narito para birthday party ko. Ayoko na sanang magpa-party dahil alam ko namang hindi ako magiging masaya dahil alam kong may kulang. Pero ayokong kontrahin ang gusto nila at ayokong makita nila akong malungkot dahil alam kong nahihirapan silang makita akong ganon. Kaya pinipilit kong ngumiti at maging masaya para sa kanila.
Nakatanggap ako ng maraming mamahaling regalo pero wala akong magustuhan sa nga iyon. Iisa lang naman ang gusto ko e, siya lang at magiging masaya na ko.
Nasa may mini stage sina Azi, Cloud, Kazumi at Matt at tumutugtog. May balak yata kasi silang gumawa ng sarili nilang banda. Si Cloud ang vocalist nila si Azi naman sa guitarist, si Kazumi naman ang nasa keyboard at si Matt naman ang drummer. Natatawa nalang ako dahil talagang feel na feel nila ang pagtugtog lalo na si Azi na feeling rockstar.
" Ang pangit mo Azi bumaba ka na nga diyan!" sigaw ni E-un.
" Nakakahiya ka para kang timang!" sigaw din naman ni E-un. Talagang inaasar nila si Azi kaya pati mga bidita ay nakikitawa na sa kanila.
Azi raised his middle finger na siyang mas ikinatawa namain dahil napipikon na siya. At kita pa namin ang pagsusumbong niya kang Cloud pero tinaasan lang ng kamao ni Cloud at ngumisi na parang loko.
Nag-aasaran na sila sa stage ng biglang magsalita si Cloud kaya lahat napatingin sa kanila.
" Ahm... Jaze alam namin na ang dami mong dinadanad ngayon at kahit nakangiti't tumatawa ka sa harap namin ay ramdam parin namin ang lungkot mo. Hindi lang namin sinasabi dahil ayaw naming dagdagan ang dinadala mong lungkot at pangungulila sa kanya" sabi ni Cloud at hindi na mapigilang maging malungkot ang ekspresyon ng mukha ko. Wala na ang ngiti at kita na ang matinding lungkot na halos dalawang taon niya ng tinatago.
" Kaya naghanda kami ng regalo para sayo at sana mawala nito ang lungkot sa puso mo at mapakitan ng liwanag at saya" nakangiting sambit ni Cloud ganin din ng iba pang mga kaibigan ko. At pareho silang nasa may stage na ngayon at nakangiti sa akin.
Naguguluhan ako sa sinabing yun ni Cloud. Ano naman kayang regalo ang inihanda nila? Baka may kalukuhan na naman silang gagawin kaya ganyan ang mga ngiti nila. Pero iba ang nararamdaman ko bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi normal. At sa iisang tao lang nagiging ganito ang puso ko kaya bigla akong napatayo at pinaikot ang paningin ko at hinanap ang taong gusto kong makita. Pero wala akong makita kaya unti-unti na namang nadudurog ang puso ko, umasa na naman ako. Mapait akong napangiti at tumingin sa mga kaibigan ko sa stage.
Iba ang mga ngiti nila kaya hindi ko mapigilang umasa. Nang biglang may itinuro si Evie sa may likuran ko. Kaya lahat napatingin doon.
" There she is!" sambit nito
At isang babaeng nakasuot ng kulay puting off-shoulder na dress ang lumabas sa pinto. Nakatingin lang sakin habang papalapit sa gawi ko.
Napakalakas lalo ng tibok ng puso ko at hindi pa man siya nakakalapit sakin ay mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at mahigpit siyang niyakap. Natatakot na iwanan niya ulit.
" I miss you" mahinang sambit ko rito at naramdaman ko na mas humigpit ang yakap nito sakin.
" Namiss din kita, pasensiya na at natagalan ang pagbalik ko—" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. At hinawakan ang baba nito at siniil ng halik ang mga labi. Nagulat pa ito ng una pero hindi kalaunan ay tumutugon na siya ng halik. At di alintana ang mga tao sa paligid tanging sila lang. Isang halik lang galing sa kanya ay nawala lahat ng lungkot sa puso ko at napalitan ng galak at saya. Hindi matutumbasan ang saya ko ngayon ng kahit na ano mang mamahaling bagay dahil isa lang tao ang kayang magparamdam sa akin ng sobrang saya ngayon.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.