Chapter 47

4.9K 202 9
                                    

Rain POV

Matapos ng naging pagsasalo-salo namin sa mansiyon ni lolo ay hindi ko na ulit nakita si Jaze. Naging busy daw siya sa ibang bagay pero feeling ko iniiwasan niya lang ako. Dapat nga ay may lakad kami ngayon tulad ng sinabi niya pero nag text lang siya sakin kaninang umaga na sa next week nalang daw kami aalis dahil may pinag-aabalahan siya ngayon sa pamilya niya. Hindi ko ugali ang magtanong kay pinabayaan ko lang siya. Pero medyo nakakainis din pala dahil kahit isang text o tawag man lang ay wala akong natanggap sa kanya.

" Hoy! Bakit mas pumanget ang timpla mo ngayon?! Problema moh?!" biglang hampas ni Cloud sa likod ko na nang-aasar.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang panonood ko ng the king of the eternal monarch ni lee min ho sa phone ko.

Kaya halos matapon ko ang phone ko ng bigla itong tumunog at nakita ko ang pangalan ni Jaze sa callers id.

Naiinis kong dinampot ang phone ko at sinagot.

" Hey Rainy baby kamusta ka na? Mahal mo parin ba ko?" malambing na ani nito sa phone.

Hindi parin ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang magsalita. Kahit gisto kong sabihin na. ' Oo mahal parin kita at hindi mawawala yun dahil lang medyo nawawalan ka ng oras sakin. Hindi ako mababaw na tao para maging ganon. Pero naiinis lang ako dahil first time kong maramdaman toh at pilit kong iniintindi ka!'

Malakas itong bumuntong hininga bago magsalita ulit.

" Sorry kung masyado akong naging busy. Pero promise babawi ako pagkatapos nitong inaayos ko at gagawin ko ang lahat para ikaw ang maging pinakamasayang babae pagkatapos nito. Mahal na mahal kita lagi mong tandaan yan. Sige magpahinga ka nalang muna diyan. I love you." sabi nito at pagkatapos ay pinatay na nito ang tawag.

Malakas akong napabuntong hininga. Gusto ko siyang kausapin pero naiinis parin ako. Ano ba kasi ang sinabi ng magaling kong lolo kang Jaze at nagkaganon yun ngayon. Bwesit.

Dumating ang mga ilang araw at ganon parin kaming dalawa pero kinakausap ko na siya ngayon. Pero palaging maikli lang ang time namin kong mag-usap at palaging sa phone lang.

Ngayon na ang araw na aalis kami at susunduin niya ako ngayon dito sa bahay at sobrang excited na ko dahil makikita ko na siya. Ang alam ko kasi ay beach ang pupuntahan naming dalawa pero hindi ko alam kong saang beach ang punta naming dalawa.

Nag-aayos ako ng sarili ko ng makarinig ako ng busina ng kotse sa labas ng bahay. Kaya dali-dali kong kinuha ang dadalhin kong bag na naglalaman ng mga damit ko at iba at nagmadaling bumababa.

Naka ripped denim short lang ako na medyo high waste at naka-white floral na off-shoulder siya na croptop, iwan ko basta ganon yun. Si Evie ang nagpasuot sakin nito at ang nag impake ng mga dadalhin ko dahil wala naman akong kaalam-alam sa fashion-fashion na yan.

Pagkababa ko sa sala ay agad ko siyang nakita. Naka-upo siya sa mahabang sofa sa sala habang diretsong nakatingin at malapad na nakangiti sa akin.

Tumikhim ako bago lumapit sa kanya at isineryoso ko ang mukha. Para di halatang masaya akong makita siya. Swerte na niya noh matapos niyang hindi magpakita sa akin. Syempre si Rain parin toh noh, walang pakialam at malamig makitungo sa iba except sa taong nagngangalang Jaze Zandreix Gray Endrinal.

Seryoso na sana ako pero nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at dinampian ako ng halik sa labi. Kaya biglang nawala ang seryosong mukha ko napalitan na iyong ng gulat. Habang nakangisi lang ang isang toh habang nakatingin sa akin.

Tsk. Talagang alam niya kong paano ako paamuhin. Bwesit isang halik lang yun nawala na lahat agad ng inis ko sa kanya.

" Tsk. Halika na wag ka ng sumimangot dyan at pumapanget ka?" pang-iinis nito pagkatapos ay malakas na tumawa dahil sa reaksiyon ko.

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon