Chapter 42

4.3K 195 12
                                    

Jaze POV

Magdadalawang taon narin simula ng umalis si Rain at hanggang ngayon siya parin talaga. Noong mga panahon nagpaalam si Rain sakin ay may malay na ko non. Kaya rinig na rinig ko lahat nang sinabi niya pero nagpanggap parin akong walang malay.

**FLASHBACK**

" Mahal din naman kita e, sadyang takot lang ako sa magiging consequences ng pagmamahal ko sa yo. At dumating nga ang kinakatakutan ko. Kaya medyo naisip ko, tama ba na mahalin ko ang isang Jaze Zandreix Gray Endrinal? Dahil sobrang magkaiba ang mundong kinagagalawan natin"

" Matagal kong pinag-isipan toh. Kaya sana  maging masaya ka at mamuhay ulit tulad ng dati. Noong wala kapang Kryzel Rain Areiza na nakilala. Aalis ko pero hindi ibig sabihin non mawawala na ko sa tabi mo, hanapin mo lang ako sa puso mo kapag nami-miss mo ko. Dahil yun din ang gagawin ko. Para sa ikabubuti mo at nating dalawa ang paglayong gagawin ko. Masyadong magulo parin ang buhay na meron ako at hindi ko hahayaang muli na madamay ka na naman dahil sa buhay na mayron ako" hinihimas niya ang pisngi ko at nilapatan ng halik ang aking noo. " Pero pinapangako ko sayo babalik ako. At sa pagbalik ko sisiguraduhin kong maayos na ang buhay ko. At sana sa pagbalik ko, ako pa rin ang nilalaman at tinitibok ng puso mo. Mahal na mahal kita Jaze. Paalam. "Narinig ko ang mga yabag niya paalis at doon na nagsimulang mamalisbis ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Siguro sinisisi niya parin sa sarili niya ang nangyari sakin. Kaya niya ko iiwan.

Kaninang umaga pa ko nagising sa pagkakahimlay at plano ko sana siya surpresahin. Pero parang ako yata ang nasurpresa sa kanya. At ang sakit sakit sa dibdib na iiwan ako ng taong mahal ko.

Pero hihintayin kita dahil yung ang sinabi't pinangako mo. At yun ang panghahawakan ko.

**END OF THE FLASHBACK**

Dalawang taon na ang nakakaraan pero wala paring Rain ang nagpaparamdam sa akin. Mag-isa ako ngayon nandito sa isang cafe at hinihintay ang mga kaibigan ko habang nakatingin lang sa mga taong naglalakad sa labas . At nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad ko itong nilingon at nakita kong pumasok doon sina E-un at Matthew kasama sina Evie at Cyra na mga girlfriends na nila ngayon.

Nung umalis kasi si Rain ay hindi kasama ang mga kaibigan niya at pati sila ay nagulat sa pag-alis ni Rain at pare-pareho silang walang alam kung nasaan siya ngayon. At kahit pamilya ay ayaw sabihin samin kung nasaan si Rain. At sinabing bigyan siya ng panahon para ayusin ang buhay niya.

Itinaas ko ang kamay ko at tinawag sila para makita nila kong nasaan ako.

" E-un. Matt. Here!" tawag pansin ko sa mga ito at agad din naman nila akong nakita.

Agad silang umupo sa bakanteng upuan pagkatapos nila akong batiin at ilang sandali lang ay dumating narin sila Jino at Azi kasama ang mga syota nila na si Cloud at Kazumi. Pareho na silang masaya sa piling ng mga babaeng mahal nila pero ako oto parin nag-iisa at hinihintay siya.

Nag-uusap lang kami para sa dadarating kong kaarawan, puro biruan at asaran lang kami habang nag-uusap. Pero kahit ngumingiti at tumatawa ako ngayon sa harapan nila ay sa loob-loob ko ay para akong pinipiraso-piraso at dinurog-durog ng paulit-ulit sa bawat segundong naaalala ko si Rain. At napakasakit isipin na baka wala nang Rain ang babalik sa piling ko.

" So Jaze, ano ang gusto mong regalo?" biglang tanong ni Cloud. Kaya lahat sila napatingin sa akin.

Si Rain lang ang gusto ko

Yun ang gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong sirain ang masayang pagsama-sama namin ngayon dahil sa kadramahan ko.

Tumawa ako bago sila tiningnan. " Alam niyo naman na gwapo na ko. Kaya ano pa bang mahihiling ko masyado na akong binigyan ni Lord ng magandang mukha bilang regalo simula't sinilang ang si gwapong ako," biro ko sa mga ito ikinasimangot at ikinatawa nila. At nang tingnan ko si Cloud ay madama ang titig nito kaya. Nag-peace sign ako sa kanya sabay tawa.

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon