Chapter 9 :

7.4K 257 2
                                    

Habang hinihintay namin ang order namin , isang malakas na kalabog ng tray ng pagkain ang narinig namin. Kaya napunta ang paningin ko sa pinanggalingan ng ingay na yun. At don ko nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa sahig at basang-basa ang damit dahil sa juice.

"Hala,kawawa naman ang babaeng yun siya pa talaga ang napagtripan ng grupo nila nila Erika at Tricia"rinig kung usap usapan ng ibang estudyante.

" Oo nga e. Pupusta ako hindi tatagal ang babaeng yan dito"

" Poor her. Let's go"sabi ng mga toh at nagsialisan na.

At nang tiningnan ko ulit ang babaeng nasa sahig ay nakayuko parin ito habang humihikbi habang ang ang mga babaeng nasa harapan niya ay pinagtatawanan lang siya na para bang isa siyang uri ng basura dahil sa baba ng tingin ng mga toh sa kanya.

Parang agad akong nakaramdam ng inis ng makita kong binuhusan na naman ito ng spaghetti. Kaya medyo may napahiyaw pa sa pagkabigla at ang iba ay nakitawa sa mga punyetang toh. Mga isip bata.

" Yan ang bagay sayo haharang-harang kasi eh"sabi nung isang babaeng may makapal na mukha. I mean make up pala

" The moment na makita mo kaming paparating you should make way you idiot. Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo?!"taas kilay na ani nito at tinignan ito mula ulo hanggang paa at binigyan ng nakakadiring tingin. At wala naman magawa ang babaeng toh kundi ang umiyak lang ng umiyak. Pinauna ko na yung mga kasama ko na dalhin ang mga pagkain na inorder namin.

Lalapitan ko na sana yung babae nang bigla may pumigil sakin.

" Wag kang lalapit kung ayaw mong madamay"sabi nito nang hindi man lang tumitingin sa akin. Kaya tumahimik lang ako at nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.

"Masyadong makapangyarihan ang dalawang yan para patulan mo baksa mapatalsik ka sa school na toh.Anak ng mga makapangyarihang politiko ang mga magulang niyan. Kaya malakas ang kapit sa school."sabi nito at humarap na siya sakin at mataman akong tinitigan.

"Mas mabuti kong wag mo nalang pansinin ang mga yan,mapapasama ka lang"sabi ulit nito at tumingin ulit sa babaeng nakaupo sa sahig at umiiyak.

"Hi I'm Charissa Martinez "ani nito at inabot ang kamay sa akin. Mukha naman itong mabait kaya tinanggap ko ito."Class President?"ani nito.

"Ah-ahm..hi"bati ko rito. Class president ba talaga namin toh di ko yata siya napapansin sa klase. At bakit parang ngayon ko lang siya nakita? O talagang wala lang akong pakialam sa mga tao sa paligid ko?

"Di mo ko kilala noh?"sabi nito. Napayuko nalang ako dahil nahihiya akong sabihin ang totoo." Ok lang,unang beses ko pa lang kitang nakita alam kong  iba ka"agad akong napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya." Lapitan mo nalang siya kapag wala na ang dalawang yan"tukoy niya sa dalawang maldita." Sige tuloy muna ako,bye. See you later Rainy!"sigaw nito habang papalayo at kumakaway pa sakin.

"Lapitan mo na "biglang sulpot ng isang boses kaya nung paglingon ko ay nakita ko si pakialamero na si Jaze.

" Anong pinagsasabi mo?"sabi ko. Iiwasan ko na sana siya ng biglang nahagip ng paninhin ko ang babaeng nakaupo lang sa sahig. Napabuntong hinga nalang ako at lalagpasan na sana ito ng nigla akong hinila ni Jaze at iniharap ako sa babae.

" Aish...nahiya ka pa sakin. Alam ko namang kanina mo pa siya gustong lapitan"wow talagang sa kanya pa ko nahiya ah. Kapal niya din noh?

Muli kong tiningnan ang babae at umiiyak parin ito. Inabot ko sa kanya ang panyo ko kaya sandali itong natigilan at tiningnan ako. Pero umiwas ako ng tingin kasi bigla akong nakaramdam ng konting hiya.

" Kukunin mo ba nangangalay nako"agad din naman niya itong kinuha at umayos ng tayo.

" S-salamat"sabi nito at vo-maw ng konti. Habang tinitingnan ko siya agad kong napansin ang maganda nitong mukha na natatakpan ng malaki niyang salamin at magulo niyang kulot na buhok.

"Anong pangalan mo?"singit nitong pakialamerong si Jaze.

"A-ahm..ako si Camille Davalos"nakatungong ani nito,nahihiya yata kang pakialamero. Mukhang crush siya nito kasi ang pula na ng pisngi nito.

Tss...mga babae nga naman. Pero Don't Me!

"Bakit nila ginawa yun sayo?"agad kong tanong. Nagdadalawang isip pa ito kong sasabihin niya ba o hindi.

" Hindi ko kasi ginawa ang gusto nila kaya nila ko ginugulo,"bumuntong hininga muna ito bago magpatuloy sa kwento." Gusto kasi nilang gumawa ako ng kodigo para sa exam namin kanina. Pero hindi ko sila sinunod kaya binubully nila ko ngayon"paliwanag nito.

Parang gusto ko tuloy silang masapak dahil sa nalaman ko. Puro kasi pagpapaganda ang nalalaman hindi nag aaral kaya hangin lang ang laman.

" Halika na tumayo kana dyan at magbihis ka,sasamahan kita at ijaw umalis kana di ka kailangan dito"sabi ko at parang nagulat pa ang loko sa pagpapaalis ko sa kanya.

Kung napapansin nyo madaldal ako kapag nagmomonologue . Hindi naman talaga ako ganito dati sadyang nagbabago lang talaga ang tao.

"Hindi mo ba ko pakikiusapan na i-expelled ang mga yun o kaya ipa disciplinary action?"takang tanong nito.

'Problema niya'

" Bakit ko naman gagawin yun hindi ko naman gulo yun. At kung mangyari man yun di ko kailangan ng tulong mo"sabi ko at iginiya na si Camille.

Ipinahiram ko sa kanya ang extra uniform long dala kasi masyado na siyang madungis. Pagkatapos ay inihatid ko siya sa labas ng room nila.

"Salamat Rain"nahihiyang ani nito." Wala kasi akong mga kaibigan kaya masaya ako na may tumulong sakin ngayon. Kaya nagpapasalamat talaga ako sayo"nakangiting nito.

Pinapasok ko na siya sa room nila kasi nagiging madrama na siya. Para siya kasing bata.

Pagdating ko sa room agad akong timungo at natulog para kasing pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa, idagdag mo pang wala akong kain. Hindi na kasi ako nakakain kasi sinamahan ko si Camille para magpalit.

"Hoy Okay kalang"tanong ni Cloud pero tango lang ang naging sagot ko. Tumayo nalang ako at sumenyas sa kanila na punta lang akong banyo maghihilamos ako para magising ang diwa ko.

Habang nasa banyo ako ay talagang ramdam ko na ang gutom. Palabas nako ng banyo ng bigla nalang bumungad sa akin ang bwesit na pakialamero na to.

"Kailangan moh?"walang gana kong tanong. Pero ngumiti lang ito at inabutan ako ng isang plastik ng tinapay at juice.

Medyo nagulat ako dahil sa ginawa niya. Bakit niya naman kasi ako bibigyan ng pagkain? At pano niya nalaman na hindi pa ko kumakain?

"A-ano yan?"tanong ko. Pero hindi ito nagsalita at pilit inaabot sakin ang plastik.

"Kainin mo yan, alam kong gutom ka na"ani nito at iniwan nako don. Anong nakain non? At nung tingnan ko ang laman ay bigla nalang akong napangiti nang makita kong ang paborito kong ensaymada ang laman non at Pineapple juice.

Hala pano niya nalaman ang mga paborito ko o baka coincedence lang talaga toh.

At dahil gutom na talaga ako ay kinain ko na yung bigay ni Jaze. Tatawagan ko na siya sa pangalan niya kasi binigyan niya ko ng pagkain.heheehe... At pagdating kong room ay ubos na ang tinapay ko at inubos ko nalang ang juice ko. At agad na hagip ng mga mata ko ang ngiting ngiting si Jaze na nakatingin sakin.

"Kumain ka pala sana sinama mo ko!"pagmamaktol ni Cyra pero hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa bangko ko.

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon