Rain POV
Late na kaming nakarating ng school kasi pumunta pa kami sa palasyo upang iparating ang pagbabalik ng grupo namin. Pero kinakailangan munang makipaglaban ang leader ng grupo sa ibang mga grupo upang maitalaga ang pagbabalik namin. Kaya heto medyo nabangasan ang mukha ko,nadaplisan eh. Wala na sana kaming balak na pumasok kaso bigla nalang tumawag sakin si Raunzel na papunta siya ngayon sa bagong school na pinapasukan ko. Halos paliparin na nga namin ang mga motor at kotse namin makarating lang agad sa school.
Bwesit bakit kasi ngayon pa naisipan nito na bumisita at talagang sa school pa talaga ah. Aishh...at paano naman niya nalaman kong saan ako nag aaral e wala naman akong pinag sabihan maski-isa.
Sa likod na kami ng school dumaan kasi alam naman namin na di kami papasukin kong sa harap kami dadaan. Todo takbo ang ginawa nami ng mag text si Raunzel na nasa Dean's Office na siya. Hindi ko na pinansin na may sugat ako kailangan ko siyang maunahan. Hindi niya pwedeng malaman na nagka- cutting class ako para lang makipagbasag ulo,patay ako nito kang lolo tanda.
Pagdating sa room ay nagtaka ang mga kaklase namin dahil sa mga itsura namin kakatakbo. Pero wala kaming pake at dire-diretso lang kami sa pagpasok at agad naman na nag ayos ang mga kasama ko. Agad namang lumapit sakin si Evie para gamutin ang sugat ko sa may labi. Agad na lumapit si Aki sa amin at puno ng pag aalala ang mga mata niya pero nanatili nalang itong tahimik kahit ang mga kaklase namin nagtataka na sa kinikilos namin.
Agad akong napatingin sa pinto ng makarinig ako ng mga yabag ng paa. Pero hindi si Raunzel ang nakita ko kundi si Jaze na matamang nakatitig sakin, nakakailang ang mga tingin niya pero di magawang ibaling sa iba ang mga mata ko.
Nang bigla nalang isang pamilyar na boses ang tumawag sakin na nakapagbaling sa atensyon ko.
" Hey Rainy!"tawag nito sakin. Nang bigla nalang magtilian ang mga babae sa room.
" Waaahhh.... Grabe ang gwapo nya"
" Kyaaahhh... Sino kaya siya?! New student din kaya siya?! Ang wafu wafu niya!!
"Kyaahh...ang wafu ni papa pero why kilala niya si Rain?!"
" Wala na kong pake basta ang wafu niya!! Kyaahh...akin ka nalang papa"
Tili ng mga kaklase ko at todo lang naman ngiti tong Raunzel na toh na may pakaway-kaway pang nalalaman.
Kaya lumapit nako sa may pinto at hinila siya palayo sa roo. Pero bago ko pa siya mahila ay nahagip ng mga mata ko si Jaze na blangko at seryoso ang mukhang nakatingin samin. Pagkalabas namin ng room ay nakasunod samin ni Raunzel ang apat.
" Anong ginagawa mo dito?"agad kong tanong rito matapos ko siyang dalhin sa may garden ng school.
" Wohh... Rainy relax lang okay"sabi nito na nakataas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko siya. Pero biglang nag iba ang ekspresyon sa mukha nito ng makita nito ang sugat sa may labi niya." Sandali lang...anong nangyari dyan? Bakit may bangas ka na naman?!"galit na sabi nito. Akma niyang hahawakan ang mukha ko pero agad kong inilayo ang mukha ko.
" Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ka nandito,alam na ba nila?" malumanay na ang boses na tanong ko rito. Pero di parin maalis ni Raunzel ang mga mata nito sa sugat ko.
" Mamaya na natin yan pag usapan yan, gamutin muna natin yang sugat mo. Sasabihin ko pagkatapos ang detalye"sabi nito at giniya ako papuntang clinic.
Ang OA kunting sugat lang naman toh eh.
Naglalakad kami ngayon papuntang hallway at dahil walang klase sa susunod na subject dahil nagpatawag ng meeting para sa mga teacher, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Agaw pansin kasi tong kasama ko na kung makaalalay sakin e parang ang lala na ng lagay ko. Pinabayaan ko nalang ito ayaw din namang magpapigil e.
Nagsimula ng magbulong bulungan ang mga tao sa paligid. Na sa sobrang hina ng bulong pati ako rinig na rinig.
" Hala sino yung kasama nila?! Ang gwapo grabe"
" Oo nga swerte nan nung girl "
" Di sila bagay noh! Tingnan mo nga ang girl parang wala lang sa kanya ang ginagawa ni boy "
" Oo nga wala man lang ka emosyon-emosyon ang mukha niya "
" Oo nga. Pero ang gwapo talaga ni boy. Ayiehhhh!"
Ano ba yan. Akala ba nila na jowa ko tong taong toh. Ano ba yan nagkaka-issue na ko dito ah dahil sa lalaking toh. Aishh...kainis! Ano bang pinunta ng taong toh dito?!
Pagdating sa clinic ay agad na ginamot ang sugat ko. Halos hindi na nga maayos ayos ang pagkakagamot sa sakin kasi puro lang tingin tong nurse sa katabi ko. Kaya nabwebwesit ako kasi kong saan saan na dumadating yung bulak na dinadampi niya sa sugat ko.
"Wala kabang balak ayusin yang ginagawa mo?!" inis kong sabi rito kaya agad naman itong umayos.
" So-sorry po... Ito na po ma'am"sabi nito at agad na inayos ang ginagawa nito.
" San ba kasi galing yan?"seryosong tanong ni Raunzel at umiwas nalang ako ng tingin dahil ayokong sagutin ang tanong niya. " Sagutin mo ko Rain paano mo nakuha yang sugat na yan?!" nagtitimping ani nito.
Alam kong gusto niya na akong sigawan pero di niya magawa dahil sa ibang tao narito at dahil sa hindi pa nito alam ang dahilan ko.
Dahil hindi parin ako sumasagot mga kaibigan ko ang tinanong nito. Pero nag aalangan silang sumagot.
" Lumabas muna kayo"utos ko sa kanila na agad din naman nilang sinunod. Magsasalita na sana ako ng mapansin kong nasa loob parin ng clinic yung nurse na parang di narinig yung sinabi ko at nakakatitig lang kang Raunzel.
At nung mapansin nito ang mga matatalim kong titig ay napalingon ito sa gawi ko.
" Alis!"naiirita kong sabi dito. Nag aalangan itong umalis pero umalis lang din pagkatapos tumingin kang Raunzel na nginitian naman nito.
Pagkaalis na pagkaalis nito ay agad kong hinarap si Raunzel.
" Nakabalik na ko sa Antares "agad kong sabi na ikinagulat nito. Pero agad din namang nawala ang gulat niya.
"Alam na ba ni lolo?"tanong nito at napaiwas nalang ako ng tingin. Dahil gusto ko sanang sabihin kay lolo kong ok na ang lahat. Pero alam ko namang malalaman niya parin kahit di ko sabihin kaya useless kong itatago ko parin.
" Hindi pa. Kababalik ko lang kanina kaya di ko pa masabi"ani ko at agad tumayo.
" So kailan mo balak sabihin sa kanya?"tanong na naman nito pero sumeseryoso na ang tono ng pananalita nito. Alam kong big deal para sa kanya ang pagbalik ko sa Antares kaya ganito nalang siya kaseryoso.
"I will but not now"sabi ko at bumuntong hininga. "I'll tell him when he comes back"sabi ko.
" Alam mong malalaman at malalaman ni lolo ang mga pinaggagawa mo dito, lalo na nasa Antares kana"sabi nito at napapabuntong hininga nalang ako.
" Sa mga oras na ito tiyak na alam na nito ang pagbabalik mo at ng Eclipse sa Antares. Alam mong delikado para sayo at sa mga kaibigan mo ang pagbalik niyo-"sabi nito na pinutol ko kaya siya napatigil sa pagsasalita. Alam kong tinutukoy niya ang nangyari sa amin noon. Kaya bigla akong nakaramdam ng galit sa loob ko nang ipaalala nito ang mapait na nakaraan kong yun.
" Hindi na ulit mangyayari yun!"pigil ko rito."Hindi ako papayag naisa na naman sa kanila ang mawala ng dahil sakin! Sisiguraduhin kong mauunahan ko sila bago pa nila magawa ang balak nila!" puno ng galit kong sabi ko rito at agad na lumabas ng clinic. Pagdating ko sa labas ay nagulat ako nang makitang ang daming tao ang nakaabang sa labas ng clinic. Pero hindi ko na sila pinansin at umalis na sa lugar na yun.
Alam kong di tama na sa kang Raunzel ko ibinaling ang galit ko sa gumawa nun kang Kyla. Pero ang mas ikinagalit ko ay yung pagdududahan niya ang kaligtasan ng mga kaibigan ko sa akin. Nawalan na ako ng kaibigan at hindi ako makakapayag na mawalan ako ulit ng kaibigan o kahit isa sa mga taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.