Chapter 33

5.2K 223 14
                                    

Jaze POV

Exam na sa susunod na araw pero wala paring Rain akong nakikita kaya hindi ko na naman maoigilan ang malungkot dahil umasa na naman ako.

Pagdating ko ng parkinglot ay wala parin ang kotse nila sa usual na pwesto na pina-parkinggan nila. Kaya wala namang buhay akong naglalakad sa hallway at hindi pinapansin ang mga estudyanteng tumitili kapag dumadaan ako.

Maaga ako ngayong pumasok dahil may ipapasa pa akong requirements sa subject teacher namin sa Biology. Kaya pagkatapos ko itong maipasa ay diretso akong pumunta ng classroom.

At halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Rain na nakaupo sa mesa niya habang matiim na nakatinggin sakin.

Ngingiti sana ako rito at kakaway nang maalala ko ang nangyari sakin kahapon. Na naghahallucinate ako na narito na si Rain, ganyan din ang pwesto niya. Kaya malakas akong napabuntong-hininga at walang buhay na umupo sa tabing upuan ni Rain.

Bumuntong-hininga na naman ako. " Nagha-hallucinate na naman ako. Bakit ba kasi ang tagal mo asan kana ba?!" pagmamaktol ko at yumuko sa mesa. Nang bigla nalang akong nakarinig ng pag "tsk" kaya agad akong napaangat ng ulo at gulat na tiningnan ang taong katabi ko.

Fuck. Am I dreaming or what? Is she for real? Am I not hallucinating again? But I just hear her voice?!

Sunod-sunod na tanong ng isip ko. Baka kasi nababaliw na naman ako kaya kung ano-anong inisip ko at kung ano-anong nakikita ko. There's only one way to find out.

" R-rain?" sambit ko sa pangalan niya. Pero mas ikinagukat ko nung magsalita siya.

" Tsk. Natulala ka yata!" nakangising sambit niya.

God I miss her so much.

Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at agad siyang niyakap nang mahigpit. Akala ko itutulak niya ko at sisinghalan pero pinabayaan lang niya ko sa pagkakayakap sa kanya na ikinangiti ko at mas hinigoitan pa ang yakap ko sa kanya.

" I miss you" bulong ko sa kanya

Tsk lang ang naging tugon niya pero ramdam ko na napangiti ito dahil magkadikit lang ang mukha ko sa pisngi niya.

Sobrang saya ko ngayon walang mapagsidlan ang kasayahang nararamdaman ko ngayon. Halos twi weeks in a half days silang nawala kaya sobrang natutuwa ako at nandito na siya ngayon sa harapan ko, ng ligtas. At ngayong nandito ka na hinding-hindi na kita pakakawalan pa dahil mula ngayon akin kana.

Nakayakap parin ako sa kanya ng bigla itong tumikhim kaya agad akong dumestansiya ng kunti para harapin siya.

" Ahm,hindi ako makahinga. Paoatayin mo ba ako o ano?" sambit nito sa iritadong boses. Mahina lang akong natawa at napakamot sa batok ko.

" Masaya lang kasi talaga ako" ani ko rito. Ilang segundong hindi nagsalita si Rain at ng tingnan ko ito ay nagtama lang ang mga mata namin. Dahil matiim lang itong nakatitig sakin na minememorya namin ang mukha ng isa't-isa.

" Hindi ko alam kung bakit pero parang na-miss din kita" ani nito sa medyo malumanay na boses.

Kaya agad naman akong napangiti dahil sa sinabi niya at agad na naman itong niyakap pero sandali lang baka kasi hindi na naman ito makahinga pag napasobra ako sa pang-gigigil.

" Ang OA mo ha. Umamin ka nga, binabae ka ba? Kung umakto ka kasi daig mo pa ko kung kiligin" ani nito na ng aasar.

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya pero agad din iyong napawi dahil sa naisip ko.

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon