Rain POV
8pm to 11pm ang duty ko sa coffee shop at ganon din si Cloud kasi mga highschoolers pa kami . Hindi masyadong hassle ang trabaho sa coffee shop kaya mas gusto ko rito.
" Rain sandali lang ha,ihing ihi na ko e. Pwedeng pakibantayan mo muna ang counter ko,sandali lang ako pramis"sabi ni Jeannet at "ok" lang ang isinagot ko dito. Hindi naman masyadong marami ang customer namin ngayon.
Nakatayo lang ako dito sa may counter ng biglang tumunog ang phone ko dahil may text.
From: Raunzel
Hey baby naka uwi na ko sa atin bakit wala ka dito. Miss na kita baby. Mwahhh😘
Baliw talaga ang isang toh. Hindi niya pala alam na umalis na ko sa bahay kasi nagpapaka independent daw ako. Pero sa totoo lang ay punishment ko toh.
To: Raunzel
Umalis akong bahay ite text ko nalang ang address ko sayo mamaya na sa trabaho pa kasi ako. Bye
Sabi ko at isinend na sa kanya at ilang sandali lang ay nagreply agad.
From: Raunzel
Ok baby. I miss you . See you soon baby😘
Kahit kailan ang clingy nya parin kahit sa text.
"One espresso please"sabi nung customer kaya isinilid ko agad ang phone ko sa bulsa at hinarao ang customer nakatalikod kasi ako e. Kaya nga hinarap nga diba,bobo lang.
Pero ikinagulat ko ng makita kong sino ang customer na to at mukhang mas gulat siya dahil sa reaksiyon niya.
"Ha?! Its you"sabi nito at nakaduro pa sa akin." Nagtatrabaho ka dito?"tanong nito
"Hindi ba halata"walang ganang sabi ko rito kaya napaayos siya.
" I mean ngayon lang kasi nakita dito e,bago ka rito?"tanong na naman nito.
"Ngayon mo lang nakita diba,edi malamang oo. Ang obvious mo naman magtanong"sabi ko kaya napatikhim ito bigla mukhang napahiya siya. Sorry may pagka prangka lang talaga ako.
Ginawa ko na ang order niya at ibinigay sa kanya.
"Here's your order sir. Its 175 pesos sir"sabi ko rito at inabot sa akin ang isang gold card.
"Sa susunod wag kasing magtanong ng obvious,nakakabobo kasi e"sabi ko na ikinabigla niya at napapatitig siya sa akin." Pasensya na din sa inasal ko ngayon,ganito talaga ako"sabi ko na mukhang mas ikinagulat niya.
"Ah-Ahm... Heehehe...sorry"nakahawak sa batok na ani nito.
"Don't be sorry you've done nothing wrong I'm just correcting you. Thank you for ordering sir"sambit ko para matapos na ang usapan dahil kapag pinagpatuloy namin ang usapan tiyak hahaba lang ito.
" Sige thank you. Bye Rain!"kumaway pa ito bago umalis.
Ang feeling close naman non.
" Uy Rain kilala mo yun?"tanong ni Jeannet . Punyeta parang kabute tobg si Jeannet ah bigla nalang sumusulpot. Tinanguan ko lang siya tinatamad akong magsalita.
" Si Jino Klein Mendes yun diba?"manghang sambit nito habang nakatingin sa likod ng paalis na si Jino Klein. " Grabe ang gwapo niya. Aish..ang swerte ng babaeng toh at pinansin siya,hmp"sabi nito sabay irap.
Tsk anong problema ng babaeng toh. Tsk at hindi kami magkakilala. Buti pa nga siya alam yung buong pangalan ako hindi. Kaya nga hindi ko binanggit ang pangalan ni Jino Klein kahit isang beses kanina kasi di ko alam. Tsk.
Nang matapos ang duty ko ay dinaanan ko na si Cloud sa shop nila para sabay na kaming umuwi. At nung makita ko ito ay agad naman itong lumapit sakin na todo ang ngiti sa labi. Anong nangyari dito?
"Problema moh?"tanong ko rito.
"Nothing. Tanggap na daw ako sa modelling sabi ni Evie and.."sabi nito at talagang binibitin ako sa kwento nya kaya tinaasan ko nalang siya ng kilay na sign na naiirita na ko sa kanya." Nakita ko sila ni Kazumi at Cyra kanina. Wala parin silang pinagbago"sambit nito. At medyo nalungkot ako ang nanyari kaya nabuwag ang grupo namin.
"Anong sabi nila?"tanong ko rito. Nagsimula na kaming maglakad habang siya naman nag kukwento sa mga oinag usapan nila kanina.
" Ayon mag aaral daw sila ulit kaso wala pa daw silang mahanap na eskwelahan kasi dine decline daw kasi sila kasi sa mga record nila sa dati nating school"sabi nito at bumuntong hininga naang ako ng malalim dahil sa nalaman ko." Kaya sinabi ko sa kanila na magenroll nalang sila sa school natin"sambit niti na ikibagulat ko.
"Ano?!"gulat na asik ko.
"Ano kaba Rain relax lang. Ano naman ang masama kong magsama ulit tayong lima? Wala na naman ang grupo diba pero magkakaibigan parin naman tayo diba"sabi nito na kaya natahimik ako .
" Sige na alis na tayo"sabi ko at nagpasiuna na sa paglakad. Natatakot lang naman ako baka kasi galit parin sila sa pagbuwag ko sa grupo namin. Alam ko kung gaano nila ka mahal ang grupo pero binaliwala ko iyon.
" Wag kang mag alala Rain alam kong hindi na sila galit sayo kaya wag ka nang malungkot dyan di bagay sayo!LETSE!"sigaw nito. Kahit kailan talaga ang hilig niya sa word na "letse".
Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Sana nga Cloud hindi na dahil hindi ko alam kong anong gagawin ko. At hindi ko rin alam kong kaya ko silang harapin matapos ng ginawa ko. Sana mapatawad pa nila ko.
Papasok na kami ni Cloud sa school si Evie naman iniwan na namin kasi kakagising lang nito at ang dami pa nitong arte sa buhay may kotse naman yun, kaya na non ang sarili nya.
Pagdating namin sa parkinglot ng school ay bigla akong natigilan ng makita ko amg dalawang tao na nakaupo sa hood ng isang Red Porsche na kotse. Nang tumingin ito sa gawi namin ay nagulat ako ng biglang tumakbo papunta sa akin si Cyra at niyakap ako ng sobrang higpit. Kaya napangiti nalang ako sa ginawa niya habang si Kazumi naman binihyan lang ako ng isang tipid na sinserong ngiti.
" Rainy I'm so sorry"humihikbi nang ani nito. " Sorry dahil sinisi ka namin sa nangyari. Alam naming hindi mo talaga kasalanan ang nabgyari...hhuhuhu.. Sorry Rainy. Jungmal miannhae😭" todo hikbing ani nito. Kaya di ko napigilang mapaluha pero pinahid ko agad yun nasanay kasi akong lage dapat matapang. Pero hindi ko talagang mapigilan ang emosyon ko ngayon masyadong nagagalak ang puso ko.
Akala ko hindi kami babalik sa pagiging magkakaibigan namin dahil sa dalawang taong paghihiwalay ng grupo. Pero kahit wala na ang grupo buo parin ang relasyon namin bilang magkakaibigan. Namiss ko din ang mga toh.
"Wag kang magsorry kong wala ka namang ginawang masama. Alam ko kung anong naramdaman niyo ng mawala siya sa grupo at naiintindihan ko yun. Ok?"tumango tango naman ito at pinunasan ang luha sa mga mata niya.
" Kazumi the girl of few words may sasabihin ka?"mukhang nang aasar na sabi ni Cloud.
" Tsk"asik nito at inirapan si Cloud nago tumingin sakin." Sorry"sabi nito at kahit hindi ito makatingin sakin alam kong sensero siya. Sus nahiya pa.
" Ahh... I really miss you guys"sabi ni Cloud at niyakap kaming tatlo kaya naipit talaga kami pero imbes na mainis ay nagsitawanan lang kami.
"Hey guys I wanna join too!"sigaw ni Evie na kakarating lang kaya natigilan kami. Lalapit na sana siya para yumakap.
" Tara na guys late na tayo"agad na sabi ni Cyra at nagpasiuna nang maglakad habang hila hila ang braso ko. At ganon din naman ang ginawa ng dalawa iniwan don si Evie na hindi makapaniwala sa ginawa ng mga baliw kong kaibigan
" Wow grabe!"di makapaniwalang asik nito." Mga kaibigan ko ba talaga kayo ha?!"sigaw nito at tumakbo papalapit sa amin at dahil mapang asar ang mga toh ay nagsitakbuhan din ang mga ito palayo kang Evie.
Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo na ulit ang mga taong nagparamdam sayo ng kong ano ang ibig sabihin ng tunay na kaibigan. Na kasama ko na ulit ang mga taong kaya akong pasayahin sa ano mang oras,mga taong palaging andyan sa oras na kailangan mo sila. Sila ang mga tunay na kaibigan na masasabi kong minamahal ko. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas at dahilan ng kahinaan ko.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.