Jaze POV
Matapos yung eksena nila ni Rain at nung lalaki na dumating kanina ay nagdulot ng mga bulong bulungan at chismisan sa klase namin.
" Hala sino kaya yung guy na yun?! Ang gwapo niya ha!"malakas na sabi nung isa sa mga kaklase ko.
" Siguro boyfriend yun ni Rain"sabi nung isa na naman sa mga kaklase ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng inis sa lalaking yun kanina.
" Tsk, ano naman kong gwapo siya mas gwapo pa rin ako noh!"inis na sigaw ng isip ko.
" Aki asan sila Rain?"tanong class president namin kang Aki na kararating lang.
" Nasa clinic ginagamot si Aki, lumabas muna ako sandali kasi naiwan ko ang phone ko"sabi nito at kinuha ang phone sa upuan niya. Na agad naman nagsilapitan ang mga kaklase namin kang Aki at itinatanong ng mga ito kong ano raw ni Rain yung lalaki kanina.
Hindi ko pinahalatang nakikinig ako sa usapan nila at nagpanggap lang na nagdadrawing kahit di naman ako marunong. Pero yung tenga ko sa tingin ko para ng tenga sa baboy kung manghagap ng chismis.
Pero wala namang alam si Aki tungkol sa lalaking yun. Kaya walang napala ang kaklase ko. At dahil walang klase sa susunod na subject ay nagsipuntahan ang mga kaklase ko sa labas ng clinic at nakiusyuso ron.
Wala talaga akong balak na pumunta ron pero namimilit tong si Azikiel kaya sumama nalang kaming lima.
At pagdating namin dun ay nakita naming lumabas na yung apat na kaibigan ni Rain na sina Cloud, Cyra, Evie at Kazumi pati yung nurse sa clinic lumabas din. Hinintay kong lumabas si Rain pero walang Rain ang lumabas.
" Asan na yun? Bakit di parin siya lumalabas?"di ko mapigilang di magtanong. Pero buti nalang mahina lang kaya di nila narinig.
Aish...ano naman kayang pinag iusapan nila sa loob at kailangan pa talaga nilang palabasin ang mga tao sa loob. Kainis baka king anong gawin ng taong yun kay Rain sa loob.
Pero ilang sandali lang ay bigla kaming nakarinig ng pagtaas ng boses sa loob. Pero hindi klaro ang naririnig namin dahil nag iingay na tong mga chismosa sa labas. Bwesit ang iingay kasi eh.
At ilqng sandali lang ay lumabas na si Rain at kita mo sa mga mata niya ang galit nito. Ngayon ko lang siya makitang galit na galit kaya medyo nakakatakot siyang titigan at ang aura nitong kahit anong kaya nitong pumatay ng tao.
" Ano kayang nangyari sa loob at ganon nalang ang galit ni Rain?"tanong ni Jino.
" Mukhang nag aaway sila. Sa tingin ko mag jowa talaga sila"rinig kong sabi nung mga babae sa unahan namin. Bali nasa likod kasi kami kaya di nila kami agad nakita.
" Oo nga. Kasi alam mo kanina nakita kong hinawakan nung lalaki yung mukha nung babae kanina don sa garden. Para silang magki kiss pero biglang dumating yung mga kaibigan ng babae kaya di natuloy"kwento pa nung isa.At bigla na naman akong nakaramdam ng galit at inis dahil sa narinig ko. Parang gusto kong manapak ngayon ng tao sa sobrang inis na nararamdan ko ngayon sa loob ko.
Walang pasabi akong umalis sa lugar na yun at agad na pumunta sa rooftop ng school. Gusto ko munang magpahangin at pakalmahin ang sarili ko ron. Tinatawag ako ng mga kaibigan ko pero di ako nakinig at patuloy lang sa paglakad.
Gusto ko munang ikalma ang sarili dahil kahit anong oras ngayon parang makakapanakit ako ng tao.
Pagdating ko sa rooftop ay isang malalim at malakas na hinga ang pinakawalan ko habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ko. Sa tuwing naiisip ko na magkasama sina Rain at ang lalaking yun ngayon parang gusto kong manakit ng tao at nakakaramdam.
"Aish...ang torpe mo kasi e, ayaw pang umamin!"inis kong sabi sa sarili ko. Nanatili muna ako ng mga ilang minuto sa rooftop at nung akmang aalis na ko ay bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Rain.
Ilang sandali kaming nagkatitigan at grabe para akong malulunod sa mga titig niya. Pero agad din naman siyang nag iwas ng tingin at naglakad papunta sa may edge nang rooftop.
Plano ko ng umalis kanina pero dahil nandito siya .....hehehehe..di to muna ako.
Magbe bente minuto na kami dito pero di parin siya nagsasalita. Hindi nya nga man nga lang niya ko pinapansin dito.
'Ano ba yan dinadaga na naman ting dibdib ko sa kanya....magsalita ka gagu!'sigaw ng isip ko.
Nang bigla nalang itong may hinugot sa kanyang bulsa. Isa itong lighter at isang.....sigarilyo!
"Ho-hoy! Bakit meron ka niyan bawal yan ah!"suway ko rito. Bwesit talagang nautal pa ko!
Pero tiningnan lang niya ko. Sa wakas tumingin din!
" Wala kang pakialam!"sabi nito. The way siya magsalita kanina ay talagang nakakasindak.
Pero hindi ako magpapatalo. Apo ako ng nagmamay ari ng eskwelahang ito kaya dapat lang na umayos siya. Na sa school ko siya at bawal yang ginagawa niya.
"Hoy ikaw?!" ma awtoridad kong tawag rito. " Hindi nararapat sa isang estudyante ang manigarilyo sa school at lumabag ka ron. Kaya dapat--"
Hindi niya na ko pinatapos sa sermon ko at pinukol niya ko ng usang masamang tingin.
"Bakit? Isusumbong mo ko?!"maangas niting tanong.
" O-oo! I mean hindi!"sabi ko at napakamot nalang sa batok ko dahil sa pinagsasabi ko.
" Tsk!"singhal nito at humithit ulit ng sigarilyo. Dahil ayaw niyang tumigil ako na mismo ang kumuha ng sigarilyo sa kanya.
" Ano ba?!"asik nito.
" Hoy ikaw! Kung magsalita ka para di mo ko kilala ah. Baka nakakalimutan mong kaya kitang ipa kick out sa school na to kung gugustuhin ko"pananakot ko rito. Alam kong medyo natakot siya sa sinabi ko kasi bigla siyang natigilan sa paghithit ng sigarilyo niya." Pero di ko gagawin yun di naman ako mababaw na tao"pagbawi ko sa sinabi ko.
Baka di pa ko kausapin nito pagnagkataon.
Natahimik na naman kami i mean ako lang pala.
" Pwede bang magtanong?"tanong ko rito.
" Nagtatanong ka na diba?!" pabalang nitong sagot.
" Ah-ha...hehehe... Oo nga"napakamot nalang ako sa batok dahil sa katangahan ko.
Ano ba yan ang hirap naman nitong kausapin ang taray eh..
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.