Jaze POV
Kinakabahan ako at ang lakas ng tibik ng puso ko sa bawat katagang binibitawan ko. Pero seryoso ako, gagawin ko ang lahat para kay Rain, hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko kaya susugal ako. Wala akong pakialam talo man o panalo ang importante sinubukan ko at hindi ako naging duwag na harapin ang nararamdaman kong toh para sa kanya.
" I'm very persisyent Rainy baby at wala kang magagawa kundi ang gustuhin din ako" matapos kong sabihin yun ay aalis na sana ako sa rooftop para hayaan siyang mag isip. Nang bigla itong magsalita.
" Masama akong tao. Tatanggapin mo parin ba ako?" biglang sambit nito kaya natigilan ako ay hinarap siya.
" Lahat tayo nakakagawa ng masama kaya hindi sapat yun para hindi kita gustuhin. Kaya wag ka nang gumawa ng kahit na anong rason para ayawan kita dahil gugustuhin at gugustuhin parin kita kahit gano ka pa kasamang tao" ani ko rito . " At gagawin ko ang lahat mapasakin kalang" sabi ko rito at naglakad na naman ulit nasa pintuan na ko palabas ng rooftop ng magsalita na naman ito ulit.
" Sige hahayaan kita" ani nito kaya agad akong napalingon sa kanya at masayang nilapitan soya at hinawakan ang balikat niya para kompirmahing tama nga ang narinig ko.
" Seryoso ka?!" pangungumpirma ko rito at tumango ito bilang sagot at hundi ko maiwasang mapahiyaw ng yes sabay suntok sa hangin sa sobrang saya.
" At wala kang kailangang gawin, ipakita mo lang na seryoso ka at ibibigay ko sayo ang sagot ko sa pagbalik ko"ani nito.
" Pagbalik mo? Bakit saan ka pupunta? Ano ba naman yan hindi pa nga tayo iiwan mo na agad ako. Baka makahanap ka nh iba don sa pupuntahan mo, ipagpalit mo ko" pagmamaktol nito. At ang sarap kusutin ng pisngi niya sa kakyutan niya.
" Ipagpalit? Bakit tayo ba?!" pang aasar ko rito.
" Hehehe...hindi pa pero malapit na kaya wag kang mangangaliwa ha?!" nakangising sambit ko rito at pi-nat ang ulo niya.
This is the start and i will grab this opportunity to make this girl fall for me hard and fast.
" So okay lang ba na ipaalam ko sa iba na nililigawan na kita?" hindi mawala ang ngiting tanong ko rito.
" No" agad na pagtutol nito na ikinapawi ng mga ngiti ko.
" Bakit hindi pwede?" medyo naguguluhan kong tanong rito. " Kailangan alam ng iba Rain para hangga't maaga mababakuran na kita baka maagaw ka pa ng iba!" medyo naiinis kong sambit rito. Bakit ayaw niya kasing ipaalam ikinahihiya niya ba ko?! Sa gwapo kong toh! Walang dapat ikahiya lahat ipinagmamalaki mula ulo hanggang paa!
" Tsk. Hindi muna ko kailanggan pang bakuran dahil kahit walang bakod wala akong ibang papasukin sa mundo ko. Dahil nakapagbitiw na ko ng salita sa isang tao na hahayaan kong makapasok sa mundo ko. At ikaw yun kaya wag kang praning" ani nito habang nakatinggin ng diretso sa mga mata ko.
Putcha...kinikilig ako!!! Bakit ang galing magpakilig ng babaeng toh.
" Oh ano okay ka na?" tanong nito ng hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Kaya bilang sagot ngumiti lang ako ng pagkalakilaki at tinanguan ito.
" Yes Rainy baby" masayang sambit ko rito sabay saludo sa kanya.
Matapos ng napag usapan namin sa rooftop ay diretso na kaming pumunta sa classroom para sa susunod na klase. At habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan ang mag imagine na para kaming mag syota na hinahatid ng boyfriend ang girlfriend nito sa classroom para ipaalam sa lahat na sa kanya lang siya.
Hahahaha...para akong babae nito kong makapag-imagine.
At nang makapasok kami ng room ay lahat napatingin sa amin ng makitang magkasabay kami ni Rain at para akong nanalo sa lotto sa sobrang lawak ng ngiti.
At nang tingnan ko ang mga kaibigan ko ay nagtatanong ang mga mukha nito pero painosente akong nagtatanong din ang mukha pabalik sa mga ito at nakangusing umupo sa tabi ni Rain.
Dumukwang ako palapit dito at kita ko ang gulat sa mga mata nito na agad din nitong pinawi. Kaya di ko mapigilan ang mapangiti pa ng todo atleast ngayon alam ko na na may epekto pala sa kanya ang presensiya ko.
Bwahhahahaha....kahit anong galing magtago ng mga mata mo nang iba't ibang emosyon. Lalo na ng kilig mo pero hindi nakakapagsisinungaling yang mga pisngi mong namumula sa kilig na hatid ko.
" A- anong ginagawa mo?" hindi mapigilang pagkautal na ani nito.
Mahina akong natawa at mahinang pinitik ang noo nito na ikinagusot ng noo nito.
" Your blushing Rainy baby" ani ko rito. Napakurap-kurap pa ito sandali bago umayos ng upo. Mahina nalang akong natawa dahil sa reaksiyon niya. Damn she looks so cute when blushing.
" I'll pick you up later. What's your address?" tanong ko rito habang nasa harap ang mga mata dahil dumating na ang teacher namin.
" At bakit mo naman na tanong?" salubong ang kilay na tanong nito pabalik.
" Ahmm..ahmm..gagawa tayo ng PPT Presentation pa-para sa report natin?" sambit ko rito pero parang patanong yata ang pagkasabi ko kaya tumaas ang kilay nito na parang di ito naniniwala. " And of course, date na rin" sabi ko rito.
" Tsk. Hindi mo na ako kailangang sunduin magkita nalang tayo" sambit nito.
Tsk, bakit ba ayaw niya kung ibang babae gusto ang hinahatid sundo ng boyfriend nila pero siya hindi.
" Wag kang mag-iisip ng kahit na ano diyan. Ayaw kong sunduin mo ko dahil nasa iisang bahay lang kami ng mga kaibigan ko at tatatadtadin na naman ako nila ng tanong kapag nakita ka nila. Lalo nang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong nila" mahaba nitong paliwanag. Nakita yata nito ang disappointment sa mukha ko kanina nang tanggihan niya ang alok kong sunduin siya kaya ito nagpaliwanag.
" Edi sabihin mong boyfriend mo ko" suhestiyon ko rito.
" Bakit, sinagot na ba kita?" pang aasar nitong tanong.
"Hindi pa. Pero malapit na, inadvance ko lang don din naman ang punta natin e" sabi ko rito sabay kindat sa kanya.
And i can't help myself from smiling ng maisip ko na magiging girlfriend ko ang isang Kryzel Rain Areiza a cool-cold gangster.
Pero hindi ko sasabihin rito na alam ko na isa siyang gangster gusto ko siya mismo ang magsabi dahil its her story to tell kaya hindi ako manghihimasok.
I don't care if she's bad or a gangster, I still want her. She may be a gangster but she's mine to keep.
-Happy reading😘
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.