Rain POV
Matapos ang buong araw na klase ay mag isa lang akong umuwi dahil parehong gagawa sila ng kani-kanilang report. At dahil iba na ang mga seatmates nila ay iba na din ang mga partners nila sa report.
Pagdating ko sa bahay namin ay agad kong nakita si Raunzel sa tapat ng gate ng bahay.
" Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ko rito. Agad naman itong napatingin sa direksiyon ko ng marinig nito ang boses ko at malapad na ngumiti.
" My dear sister, how are you?" masayang sambit nito at agad na umakbay sakin. " Gutom ka na ba? Nasaan ang mga kaibigan mo? Gumaganda ka yata ah. At sumesexy ka yata kapatid may pinapasexihan ka na ba ngayon ha?" sunod-sunod na sambit nito.
At base sa inaasta nito ay alam ko na agad na may kailangan to sakin kaya nagiging mabait at malambing to sakin. Pero palagi naman talaga tong malambing sakin pero may naamoy akong iba dito.
" Wag mo kong inuuto-uto sa mga pambobola mo Raun dahil baka masapak kita pag ako ininis mo" pagbabanta ko rito pero mas ngumisi lang ito. " Anong kailangan mo?" agad na tanong ko rito at binulsan na ang gate at pinapasok sa loob ang kuya ko.
" Ano ba naman to hindi na mabiro. Ang KJ mo parin talaga kahit minsan!" sigaw nito sakin. Pero diretso lang akong umakyat sa taas para magbihis, may lakad pa kami ni Jaze mamaya. At nang maalala ko ang lakad namin ni Jaze ay hindi ko alam kung bakit pero parang nae-excite ako.
Rinig ko ang mga sigaw at reklamo ni Kuya Raunzel sa baba pero hindi ko na yun pinansin at tuloy-tuloy lang sa paghahanap ng damit na maisusuot.
Simpleng demin jeans at black GOT7 Eclipse t-shirt lang ang suot ko. Isang beses ko lang tong nasuot nang manuod ako ng concert nila dito sa Philippines. At super fan ako nila.
Pagbaba ko sa sala ay biglang bumukas ang pinto at inuluwa noin si Kuya Raunzel na may dala-dalang grocery bags.
Eto na naman po siya para na naman kong nanay kong mag-alala kong may nakakain pa ba ko dito sa bahay.
Hindi talaga ako sanay na tawagin siyang Kuya Raunzel dahil hindi naman kami magkasamang lumaki. Noong mga bata pa lang ako ay mas lumaki sa poder ng lolo ko kaysa mga magulang ko. Pero kahit hindi naman talaga kami close ay talagang sinisikap nitong mapalapit sakin at masaya ako dahil don. Kahit malamig ang pakikitubgo ko rito nanatili parin itong mabait at isip bata din paminsan-minsan.
"Ano ang mga yan?" kunot noong tanong ko rito at pinagkrus ang mga braso.
" Wag mo kong tingnan ng ganyan, utos to sakin ni Lolo na ipamili ka daw ng mga kailangan mo at dahil glutton ka, e mga pagkain na ang binili ko..hehehehe" ani nito na halata namang nagsisinungaling lang dahil sa hobby niyang napapakamot sa braso niya kapag nagsisinungaling.
" Yeah right" halata ang sarkasmo sa tono ng boses ko.
Abala ito sa pag-aayos ng mga pinamili nito sa kusina nang mapansin nito ang bihis ko.
" Sandali lang bihis na bihis ka yata ngayon. Date?" nakangising asong sabi nito. Pero hindi ko ito pinansin at naglakad na papuntang pintuan palabas ng bahay at kumaway-kaway sa kanya.
" Wala ka na don! Isara mo nalang yung pinto pag- alis mo!" sambit ko rito at diretsong sumakay sa sasakyan ko.
Sa isang cafe malapit sa school ang usapan namin ni Jaze. At nang makarating ako sa cafe ay agad kong nakita si Jaze na nakaupo sa pandalawahang table malapit sa bintana. Pinagtitinginanat pinag-uusapan na siya ng mga kababaihan doon sa loob pero parang wala lang sa lalaki ang ginagawang pagpapapansin ng mga babae sa loob sa kanya. May mga sumusubok na lumapit dito para landiin at mapansin nito pero wala snobero yata ang lalaking toh.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.