Ako pala dapat ang matatamaan ng baseball na iyon pero sinalo ni Kyla ang palo.
" Kyla?! Kyla?! Hoy Gumising ka?! Ano ba?!"sunod sunod kong pukaw dito at nagsismula ng pumatak ang mga luha ko.
"H-hoy!"nanghihinang tawag ni Kyla sakin." Wa-wag ka ngang umiyak,mas pumapanget k-ka!"nanghihinang biro nito. Pero di ko magawang matawa sa biro niya ngayon dahil mas nangingibabaw ang pag aalala ko sa kanya. Nawala na din yung mga lalaking umatake sa amin kaya kami nalang ang nandito."Hoy umayos ka nga! Kumapit kalang malapit na sila,madadala kana sa ospital"iyak pa rin ng iyak kong ani dito.
"R-rainy"tawag ulit nito sa pangalan ko." Ka-kahit anong mangyari wa-wag mong sisisihin a-ang sarili mo"ani nito
"Wag kanang magsalita ....please.."pagmamakaawa ko rito
Alam ko kong anong sasabihin niya. Pero kasalanan ko parin kaya nangyari sa kanya toh, kung naging maingat lang sana ako."Di mo kasalanan...okay. Pagsinisi mo ang sarili mo patay ka sakin!"biro na naman nito. Pero heto ako iyak lang kayang gawin." Mahal na mahal ko kayo at ang eclipse, kaya protektahan mo sila ah"bilin nito at bigla nalang nawalan ng malay.
* END OF THE FLASHBACK *
Jaze POV
Pagpasok ko ng room , as usual nagtitilian na naman ang mga kaklase na para ba namang hindi kami magkaklase para umakto sila na parang ngayon lang nila kami nakita.
" Kyahhhhh!!!Jaze ang gwapo gwapo mo!"
" Wahhhh...Jino akin ka nalang please!!
" E-un ang gwapo mo talaga!!
"Azi mas gwapo ka at cute pa! Ayiehhh!"
" Matt marry me! Kyah...!"
Yun lang naman ang paulit ulit nilang tinitili. Hindi ba sila nagsasawa? Kasi ako sawang sawa na. Hindi naman nila kailangang sabihin araw araw sakin yun, kasi matagal ko na namang alam.
"Ah?! Bakit wala pa dito grupo nila ni Evie?"agad na tanong ni E-un nang mapansing wala pa sila. Kaya naman agad kaming napatingin sa mga upuan nila at wala nga maski isa kanila.
" Ano kayang nangyari bakit wala pa sila dito? Malapit na magsimula ang klase oh"sabi naman ni Kiel.
" Tanungin kaya natin kapatid mo Azi?"suhestiyon naman ni Jino
" Bakit kailangan mo pa kong tanongin?! Edi tanungin mo na lang!"sigaw ni Kiel. Bigla yatang uminit ang ulo ng loko,problema nito.
" Hindi mo kailangang sumigaw"sigaw pabalik naman ni Jino. At ahad na lumapit kang Aki na busy sa cellphone nito.
" Aki asan yung mga kaibigan mo?"ahad na tanong ni E-un kang Aki. Hindi ito agad na sumagot at may ipinagpipindot muna sa phone niya bago niya kami tiningnan.
" Aabsent daw sila ngayon may pupuntahan daw silang lima"sagot naman agad nito.
" Saan ba daw ang lakad nila?"tanong din naman ni Kiel sa kapatid.
" Ayy!! Ewan ko! Wagmo kong kausapin ang panget mo!"sigaw ni Aki at nag walk out. Hindi talaga magkasundo ang dalawang toh,palaging nagbabangayan at nagsisigawan akala mo naman ang lalayo ng kausap.
' Ano kayang nagyari? Bakit kaya sila wala ngayon? ' isip ko.
Bigla nalang akong natigil sa pag iisip ng may biglang bumangga sa king babae. Muntikan na siyang matumba buti nalang at nasalo ko agad. At nung tinitigan ko ang babae ay halatang bago lang siya dito dahil ngayon ko lang siya nakita. Maganda siya at mukhang inosente.
'Pero mas maganda at misteryoso si Rain' isip ko na alam kong ikinangiti ko.
Dahil medyo nangangalay na ko at parang walang balak umalis sa bisig ko itong babae na titig na titig lang sa kagwapuhan ko. Kaya ako na ang bumitaw sa hawak.
" Ok kalang"tanong ko rito. Pero hindi pa man ito nakakasagot ay nagsalita na naman ako. Mukha naman kasi siyang ok eh. " Sa susunod kasi miss tumingin ka sa dinadaanan mo ok?" sabi ko at umalis agad. Gusto ko mang hanapin at alamin kong nasaan sila Rain ngayon,hindi ko naman alam kong paano at saan.
" Sorry hindi ko sinasadya"sabi nung babaeng nakabangga ko kaya napatingin ako sa gawi nito.
"No Nathalie wag kang magsorry"agad din namang sabi ni Aki at tiningnan ako ng masama. " Hoy Jaze ikaw na nga ang nakabangga sana nagsorry ka man lang!!" sigaw nito sakin naikinagulat ko kaya napatiklop agad ako.
"Sorry"sabi ko nalang sa babae. Ang sama talaga kasi makatingin ni Aki. Ayoko pang mamatay noh, ibang klase kaya magalit toh. Sisinghalan niya pa sana ako buti nalang at dumating na ang teacher namin. Kaya save by the bell tuloy ako.
At tulad ng inaasahan nagtanong ang teacher namin kung bakit wala ang lima na sinagot naman ni Aki.
"Ma'am wala daw po si Ms. Valle kasi may pinuntahan daw,family matter daw po. Si Ms. Areiza naman po may sinundo sa airport Raunzel yata po ang pangalan non"patuloy ni Aki.
At sino naman ang Raunzel na yun ah,boyfriend niya ba at talagang nag absent pa siya para sa kanya.
" Damn. I really feel annoyed right now"bulong ko sa sarili.
"Si Ms. Saito naman po dumating daw ang parents niya galing Japan, kaya di siya makakapasok. Si Ms. Choi naman po may Photoshoot daw kaya aabsent siya. Si Ms. Monteverde naman was sick kaya absent"sabi ni Aki.
E bakit iba ang sabi niya sa amin kanina. Sabi niya may lakad silang lima, e bakit iba iba ang rason ng lakad nila. Hmm.. May hindi sinasabi tong si Aki sa amin.
At nung matapos ang klase agad na naglagay si Aki ng headphone sa ulo niya,paraan niya yun para makaiwas sa usapan. Kaya alam kong may tinatago siya.
Lumabas muna ako ng room para pumunta sa cafeteria ng school para bumili ng maiinom. At nang papalabas nako cafeteria ay nakita ko yung babaeng nakabangga ko kanina sa may pintuan na halatang may hinihintay. At nung tignan ko ang paligid ng cafeteria ay wala pa namang katao-tao sa loob kasi oras na ng klase. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla nalang hawakan nito ang braso ko.
" Bakit?"tanong ko rito at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
" Ah-ah...kasi..."nahihiyang ani nito. Isa kaya toh sa mga fans ko, ganito kasi sila umakto kapag kinakausap ko. Tsk, nauutal sa kagwapuhan ko.
" Gusto ko sanang magsorry"sabi nito pero di ko na napakinggan ang iba pang sinabi nito ng makatanggap ako ng text galing kang Kiel.
From : Azikiel
Dre nandito na yung lima,bilisan mo may bangas isa kanila.
Kaya agad akong tumakbo sa room at iniwan ang babaeng yun don. Wala na akong pake kahit mag mukha akong bastos sa kanya. Kailangan ko siyang makita.
Mabilis akong nakarating sa room at pagdating agad na nagtinginan sakin ang ibang mga estudyante. Pero iba ang nakakuha ng atensiyon ko, parang tila biglang huminto ang mundo ko at siya nalang ang nakikita ko. Ano ba tong nararamdaman ko ayaw ko nito dahil delikado silang tao. Pero di ko mapigilan dahil yun ang gusto ng puso ko.
Bigla nalang sumikdo ang puso ko ng tumingin siya sa gawi ko. Babatiin ko sana siya nang may isang boses akong narinig sa likod ko at tawag ang pangalan niya. Akala ko sa akin siya nakatingin hindi pala
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.