Rain POV
Hanggang sa matapos ang reporting namin kanina ay palagi nang pinararamdam sakin ni Jaze na seryoso siya sa sinasabi niya. Alam kong nagtataka na ang mga kaibigan ko dahil sa gunagawa ni Jaze ay wala akong maisagot at ayaw ko silang sagutin. At napapansin ko rin ang pag-iiba ng mga kaibigan ko sa mga kaibigan ni Jaze. Hindi na sila masyadong nag-aaway at nagbubunga-ngaan. Ano kaya ang nangyari sa mga toh.
Kahit pinag-uusapan at pinagchi-chismisan na si Jaze at ako ay parang wala lang ito sa binata at tanging nasa kanya lang ang atensiyon nito at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba.
Maalaga si Jaze kahit medyo may pagka-sira at talagang hindi maiiwasan ang ugali niyang makulit at mahangin.
Nasa loob na kami ng classroom at naghihintay nalang sa subject teacher namin. Nang bigla kung naramdaman ang tawag ng kalikasan. Kaya agad akong tumayo pero nahawakan ni Jaze ang braso ko.
" Saan ka pupunta?" agad na tanong nito.
" Sa banyo" bulong ko rito. Dapat sinungitan ko ito tulad ng ginagawa ko sa ibang tao na nasasalamuha ko. Pero kapag ang lalaking ito talaga ang kasama ko ay parang nag-iibang tao ako.
" Owh. Gusto samahan kita?! Tara na" agad na sambit nito at akmang tatayo pero agad ko siyang napigilan nang hawakan ko ito sa balikat at may pwersang pinaupo ito pabalik kaya nakalikha ito ng kunting ingay. Kaya agad na nagsitinhinan ang ibang estudyante sa direksiyon namin.
" Wag kang aalis diyan ka lang" may diing utos ko rito.
Bastos na toh hanggang sa banyo pa naman. Hindi talaga mawawala sa lalaking toh ang kakulitan niya lalong-lalo na ang kaabnuyan niya.
Ngumisi lang ito. " Hehehe..Ok Rainy baby" sambit nito. At narinig ko nalang ang ilang pagsinghap ng mga kaklase ko dahil sa pagtawag nito sa endearment niya daw para sa akin.
Napailing iling nalang akong lumabas ng classroom. Mabilis
akong nagtungo ng banyo at agad pumasok sa isa sa mga cubicle.Dahil siguro toh sa talampak na apple juice na pinainom sakin ni Jaze. Tinanong niya kasi ako kanina kung anong gusto kong juice at ng sinabi kong apple juice ay bigla itong nawala at pagbalik may dala na itong limang cup ng fresh apple juice at tatlong slice ng cake. At talagang kinunsensiya pa ko na kainin ko daw yun lahat dahil marami daw ang taong walang makain ngayon kaya wag daw akong magsasayang. At hindi ko alam kong bakit napapasunod ako ng lalakingv toh at nagpapadala sa pang uuto niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya alam kong may ibang pumasok. At lalabas na a
Sana ako ng loob ng cubicle ng bigla kung marinig ang pagka-lock ng ointo ng banyo.At nang makita ko kung sino ang naglock nun tiningnan ko muna ito bago hindi pinansin at naghugas muna ng kamay. Alam ko naman kasi kong anong kailangan nito sakin.
" Talagang hindi mo lalayuan ang Jaze ko ha?!" malditang sambit ni Natalie.
Ano na naman ang kaialngan sakin ng pekeng toh?!
" Wala akong oras sa kapeke-an mo. Kaya umalis ka sa dararaanan ko!" akmang lalampasan ko na ito ng mahigpit niyang hablutin ang braso ko.
" Hindi mo ko matatakot Rain dahil alam ko kung ano at sino ka. Pero ako hindi kaya wag mo kong subukan" matalim at madiing sambit nito.
Hinablot ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. " Bakit ano bang alam mo? Kung talagang kilala mo ko, ngayon pa lang kailangan mo nang matakot. Dahil kung gusto mo kong makilala ng lubusan hindi lang takot ang kaya kong iparamdam sayo" walang emosyon pero ma awtoridad kong sambit dito sa malamig na boses.
" At wala akong pakialam kong sino ka dahil alam ko kung ano ka..." sabi ko rito at mas inilapit ang mukha ko sa mukha niya at nang-iinis na ngumisi. " you're a fake"
Biglang nagtagis ang bagang nito at mabilis akong sinugod. Medyo nagulat ako dahil sa bilis nitong kumilos at lakas ng binibitawan nitong suntok at sipa.
Ngayon talagang pinakikita muna kong sino ka talaga Natalie Moreno. Ang bait-baitan at painosenting Natalie Moreno ay para ngayong halimaw na lumalaban sakin sa loob ng banyo.
" Revealing your true self ha?!" pang-iinis kong sambit rito.
Puro ilag at tulak ang ginagawa ko sa kanya dahil kahit maaari ayokong malaman ng iba na gumagawa ako ng gulo sa loob ng school.
But she really do fight well. But not enough to beat a pro.
Hanggang sa napagod ito ay hindi man lang ako nito ako napatamaan kahit isa o pinagpawisan man lang. Habang siya pawis na pawis na at magulo na ang buhok, in other words haggard na siya.
" I think you're not just a pretender Natalie. Their is something else that your hiding" ani ko rito at pinukol ako ng masamang tinhin habang hingal na hingal sa ginawa naming laban. " At kung sino ka man? Humanda ka at kikilalanin kita at sisiguraduhin kong pagsisihan mo na nagpakilala ka pa sakin." sabi ko rito at lumabas ng banyo at pagbalik ko sa classroom ay nagsimula na ang klase. Buti nalang at hindi napansin ng subject teacher namin ang pagpasok ko.
Tinatanong ako ni Jaze kung bakit ba daw ang tagal ko magbanyo pero hindi ko ito sinagot at nag kunwaring nakikinig sa discussion guro sa harap. Pero sa totoo lang ay iniisip ko ang nangyari sa banyo kanina. Si Natalie Moreno, hindi lang ito isang simpleng malanding mapagpanggap na estudyante and in the way she moves earlier, I know thay their is something in her. Something that is similar in what I am.
Bigla nalang nawala ang pag-iisip ko nang may isang malambot na kamay ang biglang humawak sa kamay ko. And it was Jaze hands. Dapat binalikwas o inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero pinabayaan ko lang ito. Because somehow I feel distressed and relaxed. At kita sa mukha ni Jaze ang pag-alala at nagtatanong ang mga mata nito kung okay lang ba ko. Kaya sinagot ko ito.
" I'm fine at wag kang mag-alala" sambit ko rito at ngumiti ng kunti para ipakitang ayos lang ako.
" Alam mo kung ano man yang iniisip mong problema, wag kang mag-alala dahil may mga taong tutulong sayo. Ang mga kaibigan mo at ako" ani nito and give me a reassuring smile
And seeing thise smile somehow relaxed me and makes me smile either.
Nang bigla nalang sumigaw kaya agad kaming napabalik mula sa mundo namin.
" Hey you too at the back!" rinig kong sigaw ng subject teacher namin sa harap. " eskwelahan to at hindi dating place! " sigaw ulit nito. At doon ko lang napansin na nakahawak pa rin pala ang kamay ni Jaze sa kamay ko. Kaya agad ko itong inalis. " And since,both of you are not paying attention in my class then get out!" sigaw ulit nito. Halos lumuwa na ang mata nito sa pandidilat nito sa min.
At dahil masunurin akong estudyante ay agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko at isinilid sa bag ko at umalis. Medyo napatanga pa si Jaze sa akin kanina pero di kalaunan ay sumunod din.
Tsk. Nakakatamad din kaya ang makinig sa leksiyon niya. Buti nalang pinalabas ako kaya matutulog muna ako.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.