Chapter 41

3.7K 190 2
                                    

Rain POV

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko habang tinatadtad ko ng bala ang katawan ni Violet. At nang maubusan na ako ng bala ay bigla nalang akong nawalan ng lakas at napaupo nalang sa sahig habang walang tigil na umiiyak.

Nilapitan ko si Jaze at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko man lang nassabi sa kanya kung gaano ko din siya kamahal. Na kahit gaano siya kakulit at kahangin mahal ko parin siya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya dahil minahal at tinanggap noya kong ano at sino man ako.

" I'm sorry. I'm s-sorry" paulit-ulit kong hingi ng tawag sa kanya. Dahil sa ikalawang pagkakataon wala na naman akong nagawa para protektahan ang mga taong pinakamamahal ko.

Nakarinig ako ng mga yabag ng mga taong tumatakbo sa direksiyon namin. Alam kong ang mga kaibigan ko ang mga ito kaya hindi na nag abala pang lingunin sila.

Mahigpit lang akong nakayakap kang Jaze habang malakas na umiiyak.

" R-rain" rinig kong sambit ni Cloud sa pangalan ko.

Walang humpay parin akong umiiyak ng maramdaman ko ang paggalaw kamay ni Jaze na ikinagulat at ikinatigil ko

Buhay siya. Buhay siya!

Sobrang saya ang nararamdaman ko ng makita kong nilalabanan ni Jaze ang sakit at ang kamatayan. At dahil don ay nabuhayan ako ng loob at pag-asa.

" Get the car now!" sigaw ko sa kanila at agad namang tumalima ng takbo si Kale at Cyra para kumuha ng sasakyan na pagdadalhan kang Jaze sa hospital.

Kumapit kalang Jaze....dadalhin ka namin sa hospital. Panginoon alam kong isa akong makasalanang tao pero nananalangin ako sa inyo ngayon...please po iligtas niyo si Jaze sa kamatayan...please hear me God. Just this once please...

Taimtim akong nanalangin sa panginoon na iligtas niya si Jaze. Hindi ako ang klase ng taong inaasa ang lahat sa panginoon pero ngayon humingi ako ng tulong, nanalangin at pinapaubaya sa kanya ang kaligtasan ni Jaze.

Pagdating namin sa hospital ay agad kaming sinalubong ng mga doctor at nurses at agad nilang dinala si Jaze sa emergency room. At dahil critical ang kalagayan ni Jaze ay kinakailangan niyang maoperahan. At dahil malapit sa puso ang tama ng bala sa kanya kaya mas naging delikado ang kondisyon niya.

Pinipigilan ko ang maiyak at lumuha sa harap ng mga kaibigan ko. Pero hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Mabigat na ang mga mata ko at ang sakit-sakit makitang nahihirapan at nag-aagaw buhay ang taong mahal mo.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa pero hindi ko na iyon pinansin at nanatiling nakaharap sa pinto ng OR.

" Kamusta ang anak ko?" naluluhang tanong sakin ni Mrs. Endrinal. Pero walang salitang lumabas  sa bibig ko kundi hikbi at ang pamimilisbis ng luha ko. At naramdaman ko nalang ang isang napaka-init na yakap na nanggaling sa ina ni Jaze. Kaya mas lalo akong naluha.

Dahil sakin kaya ganito ang sinapit ng anak niya. Mabuting tao si Jaze at hinidi nararapat mangyari ang nga gantong bagay sa kanya. Kung hindi lang ako naging tanga at pabaya sa nangyari hindi niya sasapitin ang ganito.

" Kasalanan ko ang lahat tita" sisi ko sa sarili ko. At ramdam ko ang ginawang pag-iling-iling ni Mrs. Endrinal.

" N-no its not hija" basag na ang boses ni tita dahil sa pag-iyak.

" Hindi ko siya nailigtas. Ako sana iyon eh. Ako sana ang nasa sitwasyon niya ngayon. Ako dapat ang nasa OR ngayon at nag- aagaw buhay. Hindi dapat toh nangyayari kang Jaze tita pero ng dahil sakin oalagi nalang siyang nalalagay sa panganib. Kung hindi niya ko nakilala hindi niya raranasin ang mga toh. Kasalan ko ang lahat ang Jaze doesn't deserve all of this" pagsisi ko sa sarili ko. Patuloy ang pagtulo ng luha ko at nakayakap parin ako kang tita at inaalo ako.

" Kung hindi ka nakilala ng anak ko hindi siya magiging masaya ng sobra gaya ngayon. Dahil sa mga orad na magkasama kayo ay walang oras na hindi ko nakikitang nakangiti at puno ng saya at galak ang mga mata sa tuwing binabanggit nita ang pangalan mo. Kaya wag mong sisisihin ang sarili mo. Naikuwento na lahat ni Jaze sakin ang tungkol sayo," sambit ni tita na mrdyo ikinagulat ko. " Oo nung mga panahon na iyon natakot ako. Pero sino ba naman ako para tutulan ang kaligayahan ng anak ko. Kaya wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari dahil ginawa ni Jaze yun dahil mahal ka niya. At alam kong wala siyang pinag-sisisihan sa naging desisyon niyang tanggapin ang balang dapat sayo. Ang taong nagmamahal gagawin ang lahat sa taong minamahal nila kahit ikamatay pa nila" makahulugang sambit ni Mrs. Endrinal.

Hindi na ako umimik pa dahil alam ko sa sarili kong ako ang dapat sisihin sa mga nangyayari. Dahil sa akin nag simula lahat
-lahat ng mga masasamang nangyari ngayon sa buhay namin at ni Jaze.

***

Anim na oras ang tinagal ng operasyon kang Jaze at naging maayos naman ang ginawang operasyon sa kanya. Kaya hinihintay nalang namin ang paggising niya pero sabi ng doctor.

Nandito ako ngayon sa tabi ni Jaze hawak-hawak ang kamay niya.

Naging masaya ako dahil maging maayos ang ginawang operasyon sa kanya pero hindi sapat para makaramdam ako ng galak at kapayapaan.

" Hi Jaze" bati ko sa kanya at nagsimula na namang mamalisbis ang  mga luha ko. " tatlong araw ka nang natutulog diyan kaya gumising kana. Tinutubuan ka na ng mga buhok sa mukha oh, pumapanget ka na" pabiro kong sambit rito. " Miss na miss na kita. Ang pagiging mahangin mo ang mga ngiti at tawa mo at lahat ng kalukuhan mo" napangiti nalang ako ng mapait ng maalala ko ang mga panahong nakasama ko si Jaze. Dahil bawat segundo, minuto at oras na nakasama ko siya ay naging napakasaya ko.

" Bakit mo ba kasi ginawa yun. Nagpapaka-hero kaba?! E kung hindi ka lang din naman tanga hindi ka kaya si Superman para hindi tablan ng bala. Ang tanga mo kasi e, alam kong mahal mo ko pero hindi sapat yung dahilan para maging tanga ka at isugal ang buhay mo" pinisil ko ang mga kamay niya at hinaplos ang mukha niya gamit ang isa ko pang kamay.

" Mahal din naman kita e, sadyang takot lang ako sa magiging consequences ng pagmamahal ko sa yo. At dumating nga ang kinakatakutan ko. Kaya medyo naisip ko, tama ba na mahalin ko ang isang Jaze Zandreix Gray Endrinal? Dahil sobrang magkaiba ang mundong kinagagalawan natin" I clear my throat before speaking again to Jaze. Medyo may bumabara na kasi sa lalamunan ko dahil sa pag-iyak ko kanina pa.

" Matagal kong pinag-isipan toh. Kaya sana  maging masaya ka at mamuhay ulit tulad ng dati. Noong wala kapang Kryzel Rain Areiza na nakilala. Aalis ko pero hindi ibig sabihin non mawawala na ko sa tabi mo, hanapin mo lang ako sa puso mo kapag nami-miss mo ko. Dahil yun din ang gagawin ko. Para sa ikabubuti mo at nating dalawa ang paglayong gagawin ko. Masyadong magulo parin ang buhay na meron ako at hindi ko hahayaang muli na madamay ka na naman dahil sa buhay na mayron ako" hinihimas ko ang pisngi niya at nilapatan ng halik ang kanyang noo. " Pero pinapangako ko sayo babalik ako. At sa pagbalik ko sisiguraduhin kong maayos na ang buhay ko. At sana sa pagbalik ko, ako pa rin ang nilalaman at tinitibok ng puso mo. Mahal na mahal kita Jaze. Paalam.

A. N. Malapit na matapos kunti nalang... Thank you for reading and supporting SAGASM...Loveyouall😘

Hi nga pala sa mga Moniqueians miss you guys😘

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon