Jaze POV
One week na simula ang biglaang pagkawala nila ni Rain. At hanggang ngayon ay wala parin kaming balita tungkol sa kanila. Kahit ang mga teachers namin ay hinahanap na sila at dahil si Aki ang close sa kanila ay siya ang palaging hinahanapan ng mga teachers namin. Pero tulad namin ay wala rin kaming maisagot dahil lahat kami walang alam.
Isang linggo pa lang silang wala pero ramdam ko ang pagbabago ng mga kaibigan ko.
Si Azi ay hindi na masyadong nag-iingay tulad ng dati. Si E-un naman na kilala sa pagiging playboy ay wala ng makitang ka-fling na mga babae. Si Jino naman na matakaw ay palaging walang gana at si Matt naman ay biglang naging tahimik at palaging wala sa mood. At kahit ako ay ganon din ang nangyayari.
Simula kasi ng mawala sila ay parang nawalan kami ng buhay at wala na ang saya sa mga mukha namin.
Nalulungkot ako, pati na ang puso ko dahil hindi ko siya nakikita. Hindi ko ramdam na kompleto ako nitong mga nagdaang araw dahil sa pagka-miss ko sa kanya. Gusto ko na siyang makita at kahit marinig lang ang boses niya para mai san ang pangungulila ko sa kanya. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya makontak.
Kamusta ka na kaya? Maayos lang ba ang lagay mo kung asan ka man? Miss na kita, please bumalik ka na.
Kinabukasan ay ganon parin, wala pa ring Rain na palaging nakakakuha ng atensiyon ko. Ang mga mata niyang sobrang lamig pero makikita mo sa likod ng mga matang yun ang iba't ibang emosyon.
Sobrang miss ko na siya pero wala akong magagawa kundi ang maghintay.
At habang naglalakad ako papuntang kotse ko sa parking lot ay bigla akong nakaramdam nang parang may nagmamasid sakin. Pero ng tumingin ako sa paligid ay wala naman akong nakita o napansing kakaiba.
Pero ramdam ko talaga ang isang presensiya na nakamasid sakin. At hanggang sa mga sumunod na araw ay palagi kong nararamdaman ang kakaibang pakiramdam na yun. Gusto kong baliwalain ang pakiramdam ko na yun
. Pero noong isang araw ay late na kaming lumabas ng mga kaibigan ko ng school dahil nag practice kami ng basketball. At habang naglalakad ako patungo sa kotse ko ay isang bulto ng tao ang nakita ko na tila parang nakamasid lang sakin. At kita sa bulto ng katawan nito na isa iyong babae. Akmang lalapitan ko sana ito dahil sa akalang baka si Rain ang taong yun. Nang bigla akong tawagin ni Azi kaya nawala ang atensiyon ko sa bulto ng babae na mukhang nakamasid sakin sa kabilang parte ng kalsada. At nang tingnan ko ulit kung nasaan ito ay hindi ko na siya nakita. Bigla nalang itong naglaho na parang bula.Kaya nagbabasakali ako ngayon na baka makita ko ulit ang bulto ng babaeng yun. Pero wala akong nakita pero ramdam ko parin ang mga titig niya kaya nasisiguro kong nasa paligid lang siya nagbabantay at nakamasid lang samin.
At kung tama nga ang akala konh ikaw yun Rain, bakit ka nagtatago? Bakit ayaw mo kung lapitan at kausapin? Please Rain bumalik ka na masyado na kitang miss at kunting-kunti na lang talaga mababaliw na ko sa pagka-miss sayo. Kaya bumalik ka na bago pa ko mawalan ng bait at ma- mental na nang tuluyan.
Malapit na ang exam namin para sa month na ito next week na kaya medyo busy lahat ng estudyante sa pagpapasa ng mga requirements at sa pag-aaral.
Isang malakas na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako sumakay ng kotse at pumunta sa cafe malapit sa school. Ginawa kong busy ang sarili ko sa pag-aaral para makalimutan ko muna siya saglit dahil kailangan kong mag focus para sa exam.
Busy ako sa pagbabasa nang biglang may umupo sa upuan na nakaokyopa sa harapan ko. At si Natalie Moreno lang pala, mabait naman ito at gustong-gusto siya ng lahat dahil sabi nila maganda na mabait pa. Pero hindi ako komportable sa kabaitan niya at sa presensiya niya. Kaya hindi ko nalng siya pinansin at nagpanggap na hindi ko siya kilala at bumalik na lang sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.