Rain POV
Pagdating ko sa room namin ay mukhang parang tama nga ang Jaze na yun, na talagang magkakaroon ako ng mga bashers sa school na ito. Dahil puro bulungan ang naririnig ko at sa sobrang lakas nila kong mag usap ay di iyon matatawag na bulungan.
' kainis kasi ang lalaking yun eh, ang lakas ng tupak kong mang trip '
Tsk, ako gusto niya?! Alam kong maganda ako pero hindi sapat yun para gustuhin niya ko. tsk, at sa ugali kong toh may magkakagusto pa pala sa akin at duh,kakakilala ko lang sa kanya para magkaganyan sita sakin. kaya alam kong gino-good time lang ako nito.
Diretso nalang akong nagtungo sa upuan ko at hindi pinapansin ang mga kaklase kong nagtsitsismisan. Pero napahinto nalang ako bigla nang makita ko si Jaze na nakaupo sa tabing upuan ko.
Nakapatong ang baba nito sa kanyang mga kamay habang nakatingin sa direksiyon ko at ng magtama ang mga paningin namin ay agad itong ngumiti ng malapad. Na tila ba,masaya itong makita ako.
Napa- tsk nalang ako sa isip ko at umupo na sa upuan ko na katabi na ngayon ni Jaze. Hindi ko ito pinansin at isinalampak ko nalang sa tenga ko ang earphone ko at nag soundtrip nalang dahil ayokong makarinig ako nang kahit na ano sa taong katabi ko ngayon.
Inilinga-linga ko ang aking mga mata para hanapin si Cloud na siyang seatmate ko. At nakita ko itong nakaupo sa tabi ni Aki na nakangiting aso habang nakatingin sa kin.
' patay ka sakin mamaya!'
At nang lingunin ko ang taong nasa tabi ko ay nakatingin ito sa akin at dahil naka earphones ako ay hindi ko narinig ang sinabi nito. Kaya tinanong ko ito.
" Anong sabi moh?!" iritang tanong ko rito matapos kong tanggalin ang earphones ko.
" Wala!" mabilis na sagot nito na ngiting ngiti parin kaya palihim ko itong nairapan. " ang sabi ko, ang ganda mo" bigla nitong bulong sa tenga ko na siyang ikina- stiffed ng katawan ko. Bigla akong hindi makagalaw at nagpaulitulit sa pandinig ko ang sinabi niya.
' ang sabi ko, ang ganda mo'
' ang sabi ko, ang ganda mo'
' ang sabi ko, ang ganda mo'
' ang sabi ko, ang ganda mo'
Erase. Erase. Erase. iniwas ko ang atensiyon sa kanya at iyinuon nalang sa labas ng bintana ang atensiyon. Nang bigla nalang tumunog ang phone ko and it was Kale kaya sinagot ko agad ito.
" Hey, am i disturbing you right now?" tanong nito pagkasagot ko rito.
" No, hindi pa nagsisimula ang klase. Why?" tanong ko rito pabalik.
" Sino yan?" usisa nitong katabi ko na kanina pa ko kinakalabit.
" Wala kang pake!" sita ko rito na ikinanguso nito na mas ikinagwapo niya. Shocks.
" - Ok lang ba?" yun nalang ang narinig ko sinabi ni Kale dahil sa echoserang lalaking toh.
" I'm sorry Kale, what is it again?" ani ko rito.
" Sabi ko, may kinakailangan lang akong gawin kaya kayo muna ang bahala sa plano. May mga siraulo lang akong kailangang hanapin na nanakit sa kambal ko. Ok lang ba? " tanong nito.
" Ok. Say my regards to Light " sabi ko rito.
" Thanks Rain. Just give me three days at may aayusin lang ako" sabi ni Kale.
" Hmmm" sagot ko rito at binababa na ang tawag na siyang ikinadating ng guro namin kaya hindi na naapagsalita ang katabi ko na may plano sanang kulitin ako.
" Hi class, I want you to pair yourselves and make a report about the the martial law of the former President Ferdinand Marcos and the martial law of our recent president today. ok?" sambit nang aming guro at siyempre tulad ng ibang estudyante ay puro reklamo ang ginawa ng mga ito. Pero ako walang imik lang sa gilid na nakikinig.
" Shuttaapp!" sigaw ng guro namin kaya nagsitahimik ang mga kaklase ko.
" Walang magrereklamo dahil kong ayaw niyong gawin ang inaatas ko sa inyo. Mag drop nalang kayo para di naman masayang ang pera nang mga magulang niyo!" malakas na sigaw ng guro namin kaya nagsitunguan ang mga ito. " Gawin niyo nalang ka partner ang seatmates niyo para sa report na ito. Ok class dismissed." ani nito at agad a lumabas ng classroom. At hindi ko pa naman nililingon ang katabi ko ay alam kong sobra na itong nakangisi ngayon.
Hindi ko na sana ito papansinin at matutulog nalang sana ng bigla itong umupo sa harapan ko.
" Bakit?" tanong ko rito sa malumanay kong tanong rito pero bakas ang inis sa tono nun.
" So kailan natin gagawin ang report? Gusto ko kasi na magawa natin agad para wala na tayong iisipin pang iba" tanong nito at nakaguhit parin sa mukha nito ang ngiti na di mo malaman kong nang aasar ba o kung ano.
" Sabihan mo nalang ako kong kailan" walang gana kong sambit rito. Nang bigla nalang nito inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako bigla at napaayos ng upo.
" A-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong rito.
Hindi ko alam kong ano tong nangyayari sa akin pwede ko naman sana siyang sapakin ngayon dahil sa hinagawa niya pero di ko magawa kahit tulak man lang.
" Cellphone mo" ani nito na ikinataka ko kaya kinunutan ko ito ng noo. " Cellphone mo akin na, kukunin ko number mo para masabihan kita kong kailan tayo gagawa nang report" paliwanag nito kaya tango nalang ako ng tango bilang sagot at kinapa sa bulsa ko ang phone ko.
Pilit kong iniiwas ang mga mata kong tingnan siya sa mata dahil bigla nalang akong kinakabahan lalo na sa distansiyang meron kami ngayon.
Nang bigla nitong inilapit ang mukha nito sa tenga ko at bumulong. Ramdam ko ang init ng hininga noya dahil sa ginawa niya. At puta alam kong namumula na ako ngayon dahil sa ginawa niya.
" Breath baby. Baka malagutan ka ng hininga diyan. Mamahalin mo pa ko" ani nito na nagpataas sa mga balahibo ko. "Paano nalang kong hinalikan na kita baka tuluyan kanang malagutan ng hininga niyan" nakangising sambit nito na mas nagpatindig sa balahibo ko at nagpabilis sa pintig ng puso ko.
' putangina parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya...argghh!'
Hindi ko kasi namalayan na pinipigil ko pala ang hininga ko kanina. sobrang lapit niya naman kasi sino ang hindi kakabahan don?! At puta bakit ba kailangang lumapit ng ganon, amoy na amoy ko tuloy ang panglalaki nitong amoy na ang sarap sarap amoy amuyin.
Dahil sa sinabi niyang yun ay agad akong tumayo at lumabas ng classroom para matago ko ang pamumula ng pisngi ko at para mapakalma ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.
Sobrang nakakahiya yung ginawa niyang yun. Ang daming tao kanina sa classroom para gawin niya yun.
Nagpunta ako ng rooftop ng school at pagdating ko ron ay agad akong huminga ng malalim para kasi akong hindi makahinga kanina. Habang mahinang tinatampal tampal ang dibdib ko.
" Ano ba yan Rain, bakit ka nagkakaganyan dahil sa taong yun?" tanong ko sa sarili.
Hindi ito ang usual na ito tuwing may lalaking umamin sakin. Minsan lahat sila ay natatakot sakin at hindi makaya ang personalidad ko.
' Kaya kung ano man tong weird na nararamdaman ko, kailangan ko tong pigilan. Dahil magiging sagabal lang to sa lahat ng plano ko '
A/N: Thank you po sa mga nagbabasa ng story ko kahit pangit.hehehehe..Thank you po ulit, pls vote and comment lang po kayo.. Next week po ulit ako mag-a update😊
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.