Chapter 44

4K 178 4
                                    

Rain POV

Nanlulumo akong umuwi non sa bahay pero gaya nga nang sinabi ko hindi ako susuko. Sumunod na araw ay nagplano ang mga kaibigan namin na mag beach kasama ang mga pamilya namin. Alam kong ginagawa nila toh para magkasama kami ni Jaze sa iusang lugar at para magkaroon ng pagkakataong makapag-usap.

Nakarinig kami ng busina ng sasakyan kaya nagmadali kaming bumaba ng bahay. Isang van ang dala nila kaya magkakasya talaga kaming magkakaibigan.

Pagdating namin sa labas ay agad na binuksan ni Cyra ang pinto ng van. Pero hindi ito pumasok sa loob, nakatingin lang ito at mukhang nagulat.

" Ano ba yan?! Pumasok ka na nga Cy!" iritadong sambit ni Evie rito.Kaya sinilip ni Evie ang loob at tulad ni Cyra ay nagulat din siya saglit at agad na sumama ang tingin.

" Babe bumaba ka diyan. Ayoko nang masikip dalhin natin kotse ko." utos ni Evie kang E-un. Naguguluhan pa ang binata pero bumaba rin . Nagsipasukan na sila sa loob at pareho sila ng mga reaksiyon bago sumakay. Ako ang huling sumakay at halos matulos na ko sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa dalawang taong nasa loob ng sasakyan.

Bakit magkasama sila? Kaya ba siya ganyan nalang kalamig sakin dahil may bago na siya?

" Hi Rain, long time no see. Kilala mo pa ba ko?" bati sakin ni Natalie na katabi ni Jaze sa upuan habang malapad na nakangiti. Ngiting mapang-asar.

Nang tingnan ko si Jaze ay hindi ito nakatingin sakin at hindi man lang ako sinulyapan kahit saglit.

" Hi Natalie" walang emosyong bati ko rito. " Kasama ka pala?"

" Ah yes, Ininvite kasi ako ni—" hindi ko na siya pinatapos at agad na pumasok sa loob ng van sa sa harapan nila.

" Wala akong pakialam." malamig na sambit ko rito at umupo nalang at nasa harap lang ang tingin.

Si Azi ang nagmamaneho ng van at si Cloud ang nasa harap. Nasa likod naman sina Matt, Kazumi, Jino at Cyra. Sa pangalawang upuan naman sina Jaze at Natalie.

Maganda ang mood ko kanina at excited pa ko. Pero nawala yun lahat, nawalan ako ng gana at ang sarap pilipitin ang leeg. Sobra ang ngiti ni Natalie halos mapunit na ito kakangiti niya habang walang emosyon ang mukha ni Jaze na nakatingin lang sa labas ng bintana.

Sobrang awkward sa loob at alam kong gustong magsalita ni Cloud pero mas pinili niyang manahimik na lang. Alam kong wala silang alam na kasama pala tong bruhang mapagpanggap na to dahil pati sila ay nagulat rin.

Sobrang tahimik sa loob at halos paghinga namin ay naririnig na namin. Nang bigla nalang tumunog ang phone ko.

Unregistered number ang tumawag, hindi ko na sana sasagutin pero baka importante toh ay sinagot ko na.

" Oh?! Sino toh?!" maangas na sabi ko rito. Pero agad kong nailayo sa tenga ko ang phone ko dahil sa lakas ng sigaw ng putanginang tumawag na ito.

" Rainy babyyyy!!!!! Hoy bakit hindi mo sinabi saking nakauwi ka na pala ha?! Asan ka pupuntahan kita?!" sunod na sambit nito.

" Tangina mo Kale, lakas ng boses mo!" pabulong na singhal ko rito.

Tumawa lang ito. " Hehehe...nasan ka kasi Rainy at sasalubungin pa kita ng mainit na yakap" sambit nito. Baliw talaga toh.

" Nasa van" maikling sabi ko rito

" Bakit nasa van ka?! May kumidnap ba sayo ha?! Sabihin mo ililigtas kita diyan!" gusto kong matawa dahil sa reaksiyon niya. Para siyang tanga.

" Baliw magbe-beach kami" sambit ko rito.

" Hahaha...Sama ako!" parang batang sambit nito. Kaya di ko na mapigilang matawa ng kunti. Napalingon sakin si Cloud pero di ko sila pinansin.

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon