Rain POV
Matapos ang bakasyon naming iyon sa beach house nila Azi ay masaya akong umuwi kasama si Jaze at ang mga kaibigan ko. Matapos ang mga masasamang nangyari sa amin ni Jaze nung mga nakaraan araw ay nagiging maayos na ngayon.
Narito kami ngayon sa mansion ng lolo ko dahil may inihanda itong salo-salo para sa pragtanggap daw ulit ni Jaze sakin sa buhay niya at ang pagbabagong buhay ko raw daw. Alam kong medyo OA lang ang lolo ko, dahil ang dami niyang alam. Pero pinabayaan ko na. Buti nga hindi nagpaparty yun e. Buti nalsang hindi umandar ang ka weirduhan ng lolo ko.
Sa hapag kainan ay naging masaya ang pagsasalo-salo namin lahat. Dahil narin sa maiingay na kaibigan namin at ang pa bagets kong lolo at siraulo kong kuya. Kaya puro tawa ang naririnig namin.
Biglang naging seryoso ang lahat ng ikuwento ni lolo ang naging buhay ko simula ng mamatay ang parents ko. Ayaw ko sanang marinig pa ang sasabihin ng lolo ko dahil malulungkot lang ako. Pero sa isang banda ay gusto kong marinig ito ni Jaze, dahil gusto kong mas makilala niya pa ko ng lubos sa ikukwento ni lolo.
" Naging mahirap para sa kanya ang naging buhay ng mga apo ko simula ng mamatay ang mama at papa nila. Pero mas naging mahirap iyon kay Rain dahil hindi niya agad iyon matanggap. Sobrang naging masakit yun sa aming lahat dahil biglaan ang nangyari sa kanila. At dahil sa kagustuhan ni Rain na maprotektahan ang mga mahal niya sa buhay ay nagsanay siya kung paano makipaglaban sa napaka-murang-edad. Twelve years old lang siya noon nang matuto siyang humawak ng baril at makipaglaban. Hindi pa gaano kalakas pero sapat na para maprotektahan ang sarili at mapatumba ang mga kalaban. Ayaw namin siyang payagan noon pero sabi niya. ' Lolo hayaan niyo kung matutong lumaban para maipagtanggol ko kayo ni kuya sa mga bad guys. Ayoko po kayong mawala tulad nila mama at papa.'Masyado niya kasing dinamdam ang pagkawala ng mga magulang niya. At dahil mahal namin siya ay hinayaan namin siya sa gusto niya. At para narin mabaling sa ibang bagay ang atensyon niya. At nung mga nag 15 years old na siya ay sumali siya sa organisasyon na kinabibilangan ko. Kasama ang mga kaibigan niyang naging kasama niya sa pag-iinsayo noon" mataman na tiningnan ni lolo ang mga kaibigan ko at nginitian. " Nagpapasalamat ako sa kanila dahil nagkaroon ng mga tunay na kaibigan ang apo. Masayahin naman talaga yan dati e, madaldal at palabiro" bumuntong hininga ang lolo.
" Pero dahil sakin naging malamig ang pakikitungo niya na sa lahat. Hindi na ngumingiti at hindi na nagbibiro, seryoso lang ito palagi at laging mainit ang ulo. Dahil iyon sa pagkawala ng isa sa mga kaibigan niya dati. Hindi ko kasi siya nabantayan at naprotektahan non. Minsan sinisisi ko ang sarili ko kung hindi ko sana siya sinali sana buhay pa ang kaibigan niya at baka maayos at hindi magulo ang buhay niya. At dahil sa nangyaring iyon muli na naman siyang nawalan ng taong minamahal" sambit ng lolo ko at mahihimigan sa boses niya ang sobrang lungkot at pagsisisi.
" It's not your fault, you know that? It's my choice to be part of the palace. At hindi mo rin kasalanan na namatay si Kyla. Dahil alam natin pareho na ako ang dahilan ng nangyari sa kanya. Kaya wag na wag mong sisisihin ang sarili mo dahil wala kang ginawang masama" sambit ko rito at nginitian lang ako nito pero hindi umabot sa mga mata nito ang ngitu niyang iyon.
" Kaya hijo, sana lagi mong intindihin ang ugali niyang apo ko. Alam kong hindi kagandahan ang ugali niyan" sabi nito ng bumaling ito kang Jaze. Maiinis na sana ako dahil sa sinabi niya pero. " Pero marunong magmahal yan. At pagnagmahal yan todo at hindi na nagtitira sa sarili yan. Kaya wag mo nang pakawalan ha?"
" Makakaasa po kayo lolo hehehe... Mahal ko po yang apo niyong di kagandahan ang ugali" sambit ni Jaze kaya masama ko itong tinignan. Pero nginisihan lang ako ng loko sabay peace. " Pero mahal ko po yan at mahal din ako niyan. Patay na patay nga yan sakin, isipin niyo ho lolo hinabol-habol pa ko niyan nung nakaraan. Hayy...ang hirap itong gwapo ka at habulin e" sabi ni Jaze kaya natawa ang lolo sa kakulitan at kadaldalan niya.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.