Rain POV
Pagkasakay ko sa kotse ni Raunzel ay mataman ko siyang tinitigan, nakangisi parin ang loko kong kuya na para bang may nangyaring maganda sa kanya. Habang kanina nang kausap ko siya sa phone ay halata ang iritasyon sa boses niya. Pero anong nangyari dito at kung makangiti daig pa ang nakadaig sa lotto ang ngisi sa saya.
Nagtatanong ang mga matang nakatingin ako kang Raun at mukhang napansin niya ang pagtingin ko sa kanya dahil napabaling ito sa kin ng tingin.
" What?" painosente nitong tanong.
Hinahalungkat ko ang iniisip niya at sinusubukan siyang basahin.
Ilang segundo muna bago ko siya sinagot. " Wala naman. Kilala mo ba si Cristelle?" diretsang tanong ko rito at binaling ang tingin sa unahan.
Sumulyap muna ulit ito at tinuon ulit ang mga mata sa kalsada. " I don't know her personally. Her name is the only thing i know about her," tumingin ulit ito sakin at nagtatanong ang mga mata nito. " Why asked?" tanong ulit nito. At mukhang nalaman nito ang iniisip ko kaya bigla itong naging defensive. " Look, my dear sister Rain. Kung ano man yang iniisip mo uunahan na kita. Wala akong gusto sa babaeng yun, kung yun man ang iniisip mo. At tsaka nagiging friendly lang ako kanina"
" Bakit may sinabi ba 'ko?" sabi ko rito at nakita ko ang palihim niyang pagpakawala ng buntong hininga. Kinabahan ba siya? Isang tanong pa nga yun e. Hindi ko pa nga tinatanong sa kanya ' kung bakit mukha siyang tanga kanina na nagpapapansin kang Cristelle e?'
" Basta wag ka lang gagawa ng bagay na makakasakit sa kanya at magiging okay tayo, kuya " madiin ang pagkakasabi ko sa huling salitang sinabi ko.
Narinig ko ang mahinang paglunok nito. Alam kasi niyang seryoso ako dahil sa tinawag ko siyang kuya. Hindi na ito nagsalita at nagoatuloy nalang sa pagmamaneho papuntang bahay ni lolo.
Oo, kakakilala lang niya kang Cristelle pero naging magaan na agad ang loob niya dito. At masyado siyang mabait at palaban din para hindi ko makagaanan ng loob. Totoo kasi siya sa sarili niya walang pagpapanggap na siyang ikinagusto ko sa kaniya. Dahil sa sandaling nakasama ko siya ay napagmasdam at napag obserbahan ko siya ng maigi. Mabait siya at madaldal siya at hindi nagpapatalo sa talakan. Napansin ko yun ng may nakasagutan sila kanina sa club. Pwedeng pang debate ang bunga-nga niya sa walang humpay dada nito kanina. At napansin ko rin na she value friendship so much, kasi lahat ng gusto ng mga kaibigan niya ginagawa niya. She's good and bad in a good way. Ayaw na ayaw niyang tinatalo ang mga taong malapit sa kanya. She cant fight physically pero verbally....lahat susuko.
Namalayan ko nalang na nakarating na lala kami sa bahay o matatawag na mansiyon ni lolo. Mediterranean style ang bahay at may malaking fountain sa gitna at napapaligiran ng magagandang halaman. Maganda at malaki pero iilang tao lang naman ang nakatira dahil may sariling bahay kami ni Raunzel. Tangging mga katulong lang namin at kunting nalalapit na kamag-anak ang kasama ni lolo sa mansiyon.
" Bakit ba kasi hatinggabi pa kung magpatawag si lolo? Ano na naman bang trip toh?" sabi ko at pumasok na sa loob at nakasunod lang sakin si Raun.
" I don't know. But I think its something important, pinagmamadali tayo e. Pwede naman sanag ipagbukas nalang pero hindi nakapaghinay si lolo" ani ni Raun habang nilalaro ang susi ng kotse niya.
Diretso kaming pumunta sa study room ni Lolo. Actually ako lang pala dahil pumunta ng kusina si Raun para magtimpla ng tea na maiinom. Ayaw na kasi naming gisingin pa ang mga kasambahay dahil anong oras at dapat na silang magpahinga.
Kumatok muna ako bago pumasok at agad kong nakita si lolo seryosong nakaupo at nakatingin sa cellphone niya. Napaka-seryoso ng mukha nito at napakadilim ng aura na nakapalibot dito kaya kahit sino matatakot sa presensiya niyang yun kahit wala naman siyang ginagawa. My lolo's presence shouts death and bloody kaya ipinagtaka ko kung bakit ganon si lolo sa dis oras ng gabi. At mukhang hindi nito naoansin ang pagkatok at pagpasok ko dahil hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Nang bigla nalang itong humiyaw sa panghihinayang at sunod-sunod na nagmumura. Para siyang bata na natalo sa pustahan.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.