00

1.2K 31 8
                                    

KAYLEE.

Napabuntong hininga ako at muling pinindot ang 'backspace' button ng aking laptop. Ilang oras na ang nakakalipas at hanggang ngayon di ko pa rin alam ang ilalagay ko sa reflection paper na pinapagawa ng prof namin.

Napahaplos ako sa aking noo at napatingin sa orasan. Malapit na palang mag-alas otso at naalala ko na hindi pa pala ako kumakain ng hapunan. Kaya siguro walang laman tong utak ko.

Kaya naman tumayo ako at dumiretso sa kusina upang makapaghanda ng pagkain. At sana naman gumana na tong utak ko no. Naghanap ako ng pagkain at tanging instant noodles lang ang meron ako. Nakakatamad kasi mag-grocery eh kahit na may pera ka naman. Napabuntong hininga nalang ulit ako at naisipan na yun nalang ang kainin ko. Mas okay na to kesa naman mamatay ako sa gutom dito.

Habang hinihintay kong maluto yung noodles ay nakarinig ako ng kalabog mula dun sa kabilang kwarto. Anong meron? May kumalabog nanaman kaya lumapit ako sa may pader at itinapat yung tenga ko dun. Nakakapagtaka dahil ilang buwan ng walang nakatira dun sa kwarto katabi nitong tinitirhan ko. At di ko naman kilala kung sino yung dating nakatira dyan dahil di naman ako masyado lumalabas dito sa apartment room ko. Baka may bagong lumipat?

Napahinga nalang ako ng malalim at bumalik na sa kusina. Ng maluto na yung noodles ay nilagay ko na yun sa isang bowl. Binitbit ko na yung bowl at bumalik na sa pwesto ko kanina.

Saglit akong napatingin dun sa blankong page sa laptop screen ko. Nakakainis na hanggang ngayon wala pa rin akong sagot. Hays bahala na. Kakain na sana ako ng noodles ng biglang may kumatok sa pinto, dahilan para matigilan ako.

Napalingon ako sa may pinto at nagtaka sa kung sino man yung kumakatok ngayon. Sa pagkakaalam ko, next week pa ako bibisitahin ng kaibigan ko eh. Di ko nalang iyon pinansin at naisip na baka may nangtritrip nanaman sa akin pero maya-maya ay may kumatok nanaman. Tsk. Sino ba kasi yon??

Tumayo ulit ako at dumiretso sa may pinto. Naku, kung may nangtritrip nanaman sa akin, maglalagay na ako sa susunod ng bomba sa pinto ko. Hinawakan ko na yung knob at pinihit ito. Ng mabuksan ko na ang pinto ay bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki na naka-black na hoodie. Dahan-dahan ako napatingala hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Teka, parang ngayon ko palang sya nakita dito?

"Sino ka?"

"Hi. Ako si Wonwoo."

Pagpapakilala nya at ngumiti sa akin. Wonwoo?

"Ako yung bago at gwapo mong kapitbahay."

Dagdag nya. At di naman ako makapagsalita. Tama ba yung narinig ko? Sya yung bagong lumipat dun sa kwarto katabi nung akin?? Maya-maya ay nagulat naman ako ng bigla nya akong inabutan ng isang plastic container na may laman ng cookies.

"Ako nagbake nyan. Sabi kasi sa akin na mag-hi ako sa kapitbahay ko at bigyan daw sila ng cookies."

Sabi nya at hanggang ngayon di pa rin ako makapagsalita. Ok una sa lahat, sinong nagsabi nun sa kanya? Napakamot naman ako sa ulo ko at dahan-dahan kinuha mula sa kamay nya yung cookies. Bahagya akong ngumiti sa kanya.

"Salamat..?"

"Walang anuman! Sige, kailangan ko pa ayusin gamit ko! Nice to meet you at sana maenjoy mo yung cookies!"

Nakangiti nyang sabi at umalis na. Ng makaalis na sya ay muli akong napatingin dun sa cookies na binake nya kuno. Bakit ganun? Mukha syang bad boy pero ang friendly nya.

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon