KAYLEE.
Napabuntong hininga ako at napahaplos sa aking noo. Hanggang ngayon di ko pa rin malaman-laman kung pano ko sisimulan tong assignment na binigay ng prof namin. Napasulyap ako sa orasan at nakitang malapit ng mag 11 ng gabi. Magpupuyat nanaman ako neto.
Tumayo ako at dumiretso sa kusina para makainom ng tubig. Kanina pa nanunuyo tong lalamunan ko at sadyang tinatamad lang ako kumuha ng tubig sa ref. Uminom na ako ng tubig at ng mahimasmasan na ako ay di ko alam bakit bigla kong naalala yung nangyari kanina sa school. Di ko naman sinasadyang taasan ng boses si Wonwoo kanina. Siguro nairita lang ako dahil sa pagbanggit nya dun sa lalaking yun. Hays. Ang sama ko talaga.
Ng matapos akong uminom ay bumalik na ako sa pwesto. Napatingin ako sa may pinto at bigla akong natigilan ng makita kong may biglang naglusot ng papel dun sa maliit na butas sa ibaba ng pintuan. What the fudge? Ano yon? Napakunot naman tong noo ko at naglakad papunta sa pintuan. Lumuhod ako sa sahig at dahan-dahan kinuha yung papel at nagtatakang pinagmasdan iyon. Kanino galing to?
Pagtingin ko sa likod ay nakita kong may nakasulat dun. Kaagad ko iyon binasa:
"Pst, Kaylee. Alam kong galit ka sa akin ngayon at gusto ko lang mag-sorry kung nairita man kita kanina. Di ko sinasadyang magtanong ng magtanong sayo at sana mapatawad mo ako. Sorry talaga :( "
- W
Ng mabasa ko na iyon ay bahagya naman akong napangiti. Di ko alam bakit nacutan ako sa sinulat ni Wonwoo. Maya-maya ay may naglusot nanaman ng papel. Kinuha ko iyon at binasa kung ano man nakasulat.
"P.S. , gumawa nga pala ulit ako ng cookies. Gumawa rin ako para sayo."
- W
Automatic akong napatayo at hinawakan yung knob. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang Wonwoo na nakasuot na gray na hoodie at black sweatpants habang may hawak-hawak na isang plastic puno ng cookies. Ng magtama ang mata namin ay napangiti naman sya at pinakita yung plastic na hawak nya.
"Um, hi. Apology gift ko nga pala sayo."
Sabi nya at napakamot sa batok nya. Napansin ko na palagi nya ng ginagawa yun. Natawa ako ng marahan at kinuha na yung plastic mula sa kamay nya. Pagtapos ay muli syang nagsalita.
"Kaylee, sorry talaga kanina. Di ko talaga sinasadyang painitan yung ulo mo."
"Ok lang, ano ka ba. At sorry rin pala kung nataasan man kita ng boses.."
Sabi ko. Mas lalong napangiti si Wonwoo at biglang ginulo-gulo tong buhok ko. Naramdaman ko nanaman ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Ok lang rin. Um, may ginagawa ka ba ngayon?"
"Oo. May assignment na pinapagawa sa amin yung prof namin."
Sabi ko at tumango-tango nalang si Wonwoo.
"Ay sige, naistorbo pa kita. Babalik na ako."
"Hmm sige. Salamat pala dito."
"Walang anuman."
Sabi nya at nagulat ako ng bigla nya akong kinindatan. Dahil dun mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Fudge. Wala na syang ibang sinabi pa at bumalik na sa kwarto nya habang ako naiwan naman nakatulala.
Di ko maiwasan imaginin si Wonwoo bilang isang boyfriend. Napaka-sweet at napaka-caring nya to the point na gagawa sya ng paraan para mag-sorry sayo. In short, ang effort nya rin. At sino naman hindi kikiligin dun?
Fudge. Bakit ako kinikilig? Bwiset na kindat na yun.
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.