13

483 17 3
                                    

KAYLEE.

"Grabe, lakas ng ulan."

Sabi ni Wonwoo ng makapasok na kami sa loob ng school. Isinara nya na yung payong nya at sinimulan ko ng punasan yung braso kong nabasa ng onti dahil sa ulan.

"Tulungan na kita, Kaylee."

Rinig kong sabi ni Wonwoo at nagulat naman ako ng bigla nyang hinawakan tong braso ko. Di ko alam bakit parang may mga kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng dumikit palad nya sa aking braso. Sa mga oras na yun naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa akin? Napalunok naman ako bago magsalita.

"K-kaya ko na to."

Nauutal kong sabi at dahan-dahan inilayo yung braso ko. Napakamot nalang sa batok si Wonwoo tsaka tumango.

"Um, sige."

And after that there was an awkward silence. Di ko alam bakit ramdam ko pa rin yung palad nya sa braso ko. At mas lalong di ko alam bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko ngayon.

•·················•·················•

Tulala lang akong buong klase at di ko namalayan na lunch time na pala namin. Napahinga nalang ako ng malalim at isinukbit na bag ko tsaka naglakad na palabas ng room.

Ng makalabas na ako ng room ay nagulat ako ng biglang dumating si Felix sa harapan ko. Ngumisi sya sa akin at napabuntong hininga nalang ako sa kanya.

"Ano nanaman ba?"

"Sabay na tayong maglunch."

Sabi nya. Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. Sabay kaming napatingin sa gilid at nakita si Wonwoo.

"Kaylee! Sabay na ta– um, naistorbo ko ba kayo?"

Sabi nya ng makalapit na sya sa amin. Napatingin naman sya sa akin at kay Felix. Napansin kong biglang sumeryoso yung mukha ni Felix ng makita nya si Wonwoo.

"Hindi naman."

Sabi ko. Ngumiti nalang si Wonwoo.

"Kung ganun, edi–"

"Mauuna na ako."

Pagpuputol ni Felix sa kanya. Tinignan ko sya at sobrang sama ng tingin nya kay Wonwoo. Anong problema nya? Inayos nya yung pagkakasukbit ng bag nya sa balikat at naglakad na palayo. Napahinga nalang ako ng malalim tsaka napailing-iling.

"Sino sya?"

Tanong naman ni Wonwoo. At nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi.

"Sya si Felix.."

"Felix?"

Huminga naman ako ng malalim tsaka tumango.

"Kaibigan mo?"

"Hindi."

Tipid kong sagot at nagsimula ng maglakad papunta sa canteen. Kaagad naman sumunod sa akin si Wonwoo at di pa rin tumigil kakatanong sa akin.

"Eh, ano mo sya?"

"Basta. Di mo na kailangan malaman."

Sabi ko ng di tumitingin sa kanya. Hindi pa rin tumigil si Wonwoo.

"Kaylee, bakit–"

"Pwede ba, Wonwoo?! Wag mo na akong tanungin tungkol sa kanya!"

Di ko na napigilan pang mapasigaw. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Mukha naman nagulat sya dahil sa biglaang pagsigaw ko.

"Sya yung taong pilit kong kinakalimutan! O yan, masaya ka na?! Wag mo na akong tatanungin tungkol sa kanya pwede?!"

May halong galit kong sabi. Nakatingin lamang sa akin si Wonwoo at magsasalita na sana sya pero di ko na sya pinakinggan pa at mabilis na naglakad palayo. Dahil dun nawalan tuloy ako ng gana kumain.



...

an: hi mga mamsir :]


NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon