KAYLEE.
Habang sineset up namin yung surprise para kay Wonwoo ay narinig kong tumunog cellphone ko. Itinali ko na muna yung lobo na inaayos ko bago ito kunin. Pagtingin ko ay nakita kong tumatawag sa akin si Mingyu. Kaagad ko ito sinagot.
"Hello?"
"Yow, pauwi na kami."
Sabi nya at bigla naman bumilis tong tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Ano?? Di pa kami tapos mag-ayos!"
"Hala weh?! Malapit na kami!"
Sabi nya at bigla naman ako nagpanic. Jusko onti palang yung lobo na nasasabit namin.
"Hays. Tatapusin na namin to."
"Noted."
Pagtapos ay binaba ko na yung tawag. Napatingin ako kay Wendy na hinahanda na yung cake sa lamesa.
"Oh asan na daw sila?"
"Malapit na daw sila kaya kailangan na natin matapos to!"
•·················•·················•
WONWOO.
Sabay-sabay na kami bumaba sa van ni Seungcheol hyung ng maipark nya na to sa gilid ng apartment building. Nilabas ko cellphone ko at tinignan kung nagtext ba si Kaylee sa akin pero napasimangot ako ng makita kong wala syang text o kahit tawag man lang. Asan na kaya sya? Napabuntong hininga nalang ako at humarap na sa kanila.
"Salamat sa paglibre nyo, guys. Sige, aakyat na ak–"
"TEKA!"
Naputol sasabihin ko ng bigla nalang ako pigilan ni Mingyu. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.
"May problema ba?"
"Ah, eh, ano kasi, pwede samahan mo kami sa rooftop?"
Tanong nya at ngumiti ng pilit sa akin. Kanina ko pa napapansin yang mga kakaibang kilos nya. Hindi lang sya, maging sila hyung. Napahinga ako ng malalim at krinus ang aking braso.
"May balak ba kayong sabihin sa akin anong nangyayari?"
Tanong ko at tinignan si Mingyu ng seryoso. Di naman agad sya nakapagsalita at napakamot pa sa batok. Napabuntong hininga naman ako at lumingon kayla Seungcheol hyung.
"Kayo, bakit ayaw–"
Natigilan ako ng makita kong bigla silang nawala. Anak ng, san sila nagpunta?! Lumapit naman sa akin si Mingyu at bigla akong tinulak papasok sa loob.
"Teka, ano bang nangyayari?? Asan sila hyung??"
"Baka nandun sila sa rooftop!"
Rinig kong sabi ni Mingyu. Pag sila wala sa rooftop, di na ako magdadalawang isip ihampas tong sapatos ko sa ulo nya.
•·················•·················•
KAYLEE.
Parehas kami nagitla at natigilan ni Wendy ng makarinig kami ng katok mula sa pinto. Napatingin kami sa isa't isa at naisip na baka andito na sila Wonwoo. Kaagad kong tinago yung mga gamit namin at inayos ang aking sarili. Si Wendy naman pumwesto na sa gilid.
Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa pinto. Hinawakan ko na yung knob at pagpihit ko nito ay isang ngiti ang namuo sa aking labi.
"SURPRI–"
Natigilan ako ng makita kong hindi si Wonwoo ang kaharap ko ngayon kundi yung mga kaibigan nya. Kaagad silang pumasok lahat ng di man lang nagpaliwanag kung nasan si Wonwoo.
"Bakit kayo lang? Asan na si–"
"Andun sila sa rooftop ni Mingyu at pababa na sila ngayon. Umayos na tayo!"
Sabi ni Jeonghan at nagets ko naman agad kaya tumango ako at pumwesto na kaming lahat.
"Uy teka, natatakpan mo yung cak–"
"SHH! Ayan na!"
Pagsaway ni Jeonghan kay Hoshi. Narinig na namin bumukas yung pinto. Dahan-dahan bumukas yung pinto at nakita na namin si Wonwoo. Ng makita ko sya ay di ko na napigilang ngumiti.
Sisigaw na sana kaming lahat ng "surprise" pero bigla nalang kaming nagulat ng biglang pumutok yung isang lobo. Dahil sa sobrang gulat ay nag-galawan sila at bigla nalang nasanggi yung lamesa, kung nasan yung cake.
At sabay-sabay nanlaki mga mata namin ng mahulog yung napaka-gandang cake sa sahig.
JUSKO NAMAN!
...
an: hENLOOO I'M BACK! SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAGUPDATE!
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.