KAYLEE.
"Ang assignment nyo ay kailangan nyong gumawa ng isang sulat para sa taong mahalaga para sa inyo. At ang nilalaman ng inyong mga sulat ay yung gusto mong sabihin, sa tao na iyong napili, na hindi mo masabi sa kanya."
Sabi ng aming prof at lahat nagsi-react pero kaagad sila pinatahimik ng prof namin. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang aming prof habang ako iniisip yung pinapagawa nyang assignment. Sulat para sa taong mahalaga para sayo.
Sobrang pre-occupied netong utak ko ni hindi ko namalayan na lunch time na pala namin. Napahinga nalang ako ng malalim at isinukbit na ang aking bag tsaka dumiretso na sa labas. Habang tinatahak ko ang daan papuntang canteen ay naiisip ko pa rin yung assignment namin hanggang sa bigla kong naalala ulit si Wonwoo. Paano kung sabihin ko na sa kanya tong nararamdaman ko? Dahil kung patuloy ko lang ililihim to, baka mas lalo akong maguluhan sa sarili ko.
Muli akong napahinga ng malalim at pag-angat ko ng tingin ay bigla akong napatigil sa paglalakad ng makita ko sila Wonwoo at Andrea na magkaharap ngayon. Mukhang may pinag-uusapan sila. Kaagad ako nagtago sa gilid upang di nila ako makita. Wala naman akong intensyon na pakinggan sila pero di ko na rin maiwasan pakinggan kung ano pinag-uusapan nila dito. Relate.
"May gusto lang sana akong sabihin sa'yo, Wonwoo.."
Rinig kong sabi ni Andrea. Dahan-dahan ako sumilip upang tignan sila. Nakita kong nakatingin lang sa kanya si Wonwoo habang si Andrea naman nakayuko lang. Huminga muna sya ng malalim at dahan-dahan napatingin kay Wonwoo.
"Gusto kita, Wonwoo.."
Nanlaki ang aking mata at kasabay nun ang pagkirot ng aking puso ng marinig ko ang sinabi nya. G-gusto nya si Wonwoo? Di ko akalain na pati si Andrea ay may nararamdaman din para kay Wonwoo. Halata na sa mga kinikilos nya pero napakabulag ko para hindi mapansin iyon.
Umiwas na ako ng tingin at hindi na sila pinakinggan pa. Mabilis na ako naglakad palayo bago pa nila ako mahuli. Di ako alam bakit bigla akong nawalan ng gana kumain. Nakayuko lamang ako habang naglalakad ng biglang hindi ko sinasadyang mabangga sa isang tao. Agad ako napatingala at nakita si Felix.
"S-sorry.."
Sabi ko at maglalakad na sana ng bigla syang magsalita.
"Ok ka lang, Kaylee?"
Tanong nya habang nakatingin ng diretso sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at huminga ng malalim.
"O-oo.."
Sabi ko at napahinga nalang ng malalim si Felix.
"Sige. Mauuna na ako.."
Sabi nya at naglakad na paalis. Muli akong napatingin sa kanya at bago pa sya mawala sa paningin ko ay tinawag ko agad sya.
"Felix.."
Sabi ko. Natigilan naman si Felix at muling napatingin sa akin.
"Bakit?"
Nagtataka nyang tanong sa akin. Ngayon ko nalang ulit sya natawag. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Pwede ba kita makausap?"
•·················•·················•
Niyaya ko si Felix dito sa rooftop. Mas okay na dito para na rin wala makarinig sa amin. Parehas kami nakatayo sa may railings habang pinagmamasdan yung mga ganap sa kalayuan. Napahinga ako ng malalim.
"Una sa lahat, gusto ko lang rin mag-sorry sayo.."
Panimula ko at naramdaman kong napatingin sa akin si Felix. Pero nanatili lang akong nakatingin sa harap.
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.