54

288 11 9
                                    

KAYLEE.

Tahimik lamang kaming dalawa ni Wonwoo habang sabay namin tinatahak ang daan papunta sa kung saan man kami pupunta. Wala rin akong kaide-ideya kung saan kami pupunta ni Wonwoo. Pero sabi nya naman ay babawi daw sya dun sa dapat ililibre nya ako kaso hindi natuloy.

"Gusto kita dalin dun sa kainan na kinakainan namin ng mga kaibigan ko."

Biglang sabi ni Wonwoo na parang ba naririnig nya tong iniisip ko. Napasulyap ako sa kanya tsaka bahagyang napangiti.

"Mag-eenjoy ba ako dun?"

May halong biro kong tanong sa kanya. Natawa naman sya ng marahan at napasulyap sa akin. Mas lalo akong nahuhulog kay Wonwoo sa tuwing tinitignan ko yung mga mata nya. And the way the moon's reflection displays on his eyes.

"Oo naman. Masasarap pagkain dun."

Sabi ni Wonwoo at tumango-tango nalang ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang nakarating na kami sa sinabing kainan. Medyo onti lang yung tao. But Wonwoo reassured me na masarap dito at panigurado mag-eenjoy daw ako. I just smiled and trusted him. Pumasok na kaming dalawa sa loob at naghanap na ng bakanteng pwesto. Ng makaupo na kami ay kaagad kami nilapitan nung waiter.

"Ano po order nila?"

Tanong nung waiter sa amin. Napasulyap naman sa akin si Wonwoo.

"Pili ka lang ng gusto mo. Wag ka mag-alala libre ko naman."

"Um,"

Sabi ko at di maiwasan mahiya. Natawa naman si Wonwoo sa akin. Pumili nalang ako ng mura at kahit libre nya naman to ay ayoko naman pumili ng mahal no. Ng maisabi na ni Wonwoo yung order namin ay umalis na yung waiter.

Umayos ako ng upo at di ko alam bakit naaawkwardan ako ngayon. Mukha naman napansin iyon ni Wonwoo.

"Ok ka lang, Kaylee? Gusto mo lumipat tayo ng pwesto?"

Tanong ni Wonwoo at kaagaad naman ako napailing-iling.

"Ok lang ako. Sa totoo lang, di ko akalain na aabot tayo sa ganto. I mean, kung dati lang magkapitbahay tayo pero ngayon.."

Sabi ko. Napangiti naman sa akin si Wonwoo.

"Laking pasasalamat ko na dumating ka sa buhay ko, Kaylee.."

Sabi ni Wonwoo at dahil dun naramdaman ko ang pagbilis nitong tibok ng puso ko. Shet. Napangiti naman ako at sinubukan syang tignan sa mga mata nya.

"Ako rin, Wonwoo."

He smiled genuinely. And I love the way how his eyes turned into little crescent moons the moment a smile crept up his lips. Napaka-unexpected nya, pero laking pasasalamat ko rin na nakilala at dumating sya sa buhay ko. Mamaya-maya ay dumating na yung waiter at sinerve na yung pagkain namin. Nagpasalamat na kami sa kanya at ng makaalis na yung waiter ay sinimulan na  namin kumain ni Wonwoo.

•·················•·················•

"Salamat po."

Sabi ni Wonwoo dun sa matandang ale na sa tingin ko ay yung may-ari nitong kainan na to. Napangiti sa amin yung ale at napangiti nalang rin ako sa kanya. Naglakad na kami palabas ni Wonwoo at tinahak na ang daan pauwi.

Habang naglalakad kami ay bigla-bigla nalang ako nag-burp ng wala sa oras. Kaagad ako napatakip sa bibig at narinig ko naman natawa si Wonwoo.

"Aw. Ang cute naman ng burp mo."

Natatawang sabi ni Wonwoo at naramdaman ko ang pagmula ng buong mukha ko dahil sa hiya. Medyo nasarapan kasi ako dun sa pagkain.

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon