33

331 14 9
                                    

KAYLEE.

Lunch time na at mag-isa lang ako kumakain sa canteen. Tahimik lang ako kumakain ng biglang may nangalabit sa akin. Paglingon ko ay nakita ko ang nakangiti na si Wonwoo.

"Sup!"

Sabi nya at napangiti nalang ako. Nagtanong naman sya kung pwede makiupo at syempre pumayag nalang rin ako.

"Ikaw lang mag-isa?"

Tanong nya ng makaupo na sya dun sa upuan sa tapat ko. Dahan-dahan naman ako tumango at uminom ng tubig. Pagtapos ay pinunasan ko na bibig ko at nagsalita.

"Lagi naman ako mag-isa kumakain eh."

"Kung ganun, edi sabay na tayo mag-lunch araw-araw!"

Nakangiting sabi ni Wonwoo. At eto nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kalma ka lang, self. Magsasalita na sana ulit si Wonwoo ng biglang may lumapit na babae sa amin. Sabay kaming napatingin sa kanya at nakita kong nakafocus lang yung atensyon nya kay Wonwoo. Hmm.

"Hi, Wonwoo!"

Bati nung babae kay Wonwoo. Napangiti naman si Wonwoo.

"Hello, Andrea."

"Pwede ba ako makisama sa inyo?"

Tanong nya at nagulat ako ng bigla syang mapatingin sa akin. Di ko naman alam sasabihin ko kaya napangiti nalang ako tsaka tumango.

"Salamat!"

Sabi nya at mabilis na naupo sa tabi ni Wonwoo. Teka, sino sya? Magkaklase ba sila ni Wonwoo?

"Oo nga pala, hindi ko nagets yung lesson natin kanina sa Math. Pwede paturo ako?"

Tanong nung babae, na nangangalang Andrea, kay Wonwoo. Tinignan ko naman yung reaksyon ni Wonwoo at parang natatawa pa sya.

"Um, di ko rin masyado nagets eh. Pero sige, try ko ituro sayo yung iba."

Sabi naman ni Wonwoo at ngumiti ng malapad si Andrea. Di ko naman maiwasan pagmasdan yung mga kilos nya. Hmm, may gusto kaya sya kay Wonwoo? Sinimulan na turuan ni Wonwoo si Andrea at tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Baka mamaya nakalimutan nilang andito pa ako eh no. Napasulyap ako sa orasan at nakitang malapit na matapos yung lunch break namin.

Napahinga nalang ako ng malalim at tumayo na. Napatigil naman sa pagsasalita si Wonwoo at napatingala sa akin.

"Babalik ka na?"

"Oo eh, magtatime na kasi."

Sabi ko at isinukbit na yung bag ko.

"Sabay na tayo."

Sabi nya at di ko alam bakit napatingin ako kay Andrea. Nagtaka ako ng makita kong ang seryoso ng mukha nya sa akin. Anong ginawa ko?? Napangiti nalang ako ng bahagya tsaka umiling. Baka mapatay pa ako ng babaeng to.

"Wag na. Sige, mauuna na ako."

Sabi ko at tumalikod na sa kanila tsaka naglakad na palabas ng canteen. Bago ako tuluyan makalabas ng canteen ay napasulyap ulit ako sa kanila at nakitang tinuturuan na ulit ni Wonwoo si Andrea. Pero bigla nalang napatingin sa akin si Wonwoo kaya agad ako umiwas ng tingin at naglakad na palayo.

•·················•·················•

Ng matapos ang aming klase ay dumiretso na agad ako palabas ng room. Paglabas ko ay may bigla nalang tumawag sa akin. Nung una akala ko si Wonwoo iyon pero pagharap ko sa gilid ay si Felix pala. Kaagad syang lumapit sa akin.

"Kaylee.."

"Kailangan ko ng umuwi.."

Sabi ko at naglakad na palayo. Pero hinabol naman ako ni Felix at sumabay sa lakad ko.

"Kaylee, tungkol dun sa sinabi ko nung isang araw–"

"Mas mabuti ng kalimutan na natin yun, Felix."

Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Narinig ko ang malalim nyang paghinga.

"Pero Kaylee, hindi ko sinasadyang masabi iyon.."

Sabi nya. Di ko sya pinansin at maya-maya ay nagulat ako ng bigla nyang hawakan tong braso ko. Dahil dun kaagad ako humarap sa kanya.

"Feli–"

"Galit ka ba?"

Nag-aalala nyang tanong. At magsasalita na sana ako pero may bigla nalang tumawag sa akin.

"Kaylee!"

Sabay kaming napatingin sa gilid at nagulat ako ng makita si Wonwoo. Naglakad sya papalapit sa amin at nakita kong ang sama ng tingin nya kay Felix.

"Wonwoo, ano–"

Naputol sasabihin ko ng bigla nyang hinawakan tong kabilang braso ko at namalayan ko nalang na hinila nya ako papalayo kay Felix. What the heck anong nangyayari??

"Huwag mo ng lalapitan si Kaylee."

May halong pagbabanta na sabi ni Wonwoo, dahilan para nagtatakang mapatingin ako sa kanya.

"Sino ka ba, ha?"

Seryosong tugon ni Felix at ang sama na rin ng tingin nya dito kay Wonwoo. Naramdaman kong mas lalong hinigpitan ni Wonwoo ang pagkakapit nya sa aking braso.

"Wala ka ng pakialam dun. Tara na, umuwi na tayo."

Sabi ni Wonwoo. Di nya muna ako hinayaan magsalita at hinila nya ulit ako palayo at iniwan si Felix. At para naman akong aso na sumusunod sa kanyang amo sa posisyon ko ngayon.

•·················•·················•

Tahimik lang kaming dalawa ni Wonwoo hanggang sa makauwi na kami. Ng makarating na kami sa tapat ng pintuan ng unit ko ay binitawan nya na tong braso ko.

"Pasensya ka na kanina. Di ko na napigilan sarili ko.."

Sabi ni Wonwoo at napakamot sa batok nya. Para syang nahihiya na ewan at ang cute nya tignan ngayon.

"Sige na, magpahinga ka na."

"Teka–"

Bigla nalang sya tumalikod sa akin at pumunta na sa unit nya. Nakayuko lamang sya hanggang sa makapasok na sya sa unit nya. At naiwan naman akong nakatulala at medyo naguguluhan pa rin.

Anong nangyari kay Wonwoo?

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon