39

295 11 12
                                    

KAYLEE.

Inaantok na akong lumabas ng unit ko. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi ng dahil dun sa iniisip ko. Ng mailock ko na yung pinto ay may narinig akong nagsalita.

"Goodmorning.."

Agad ako napatingin sa gilid at tuluyan nawala antok ko ng makita ko si Wonwoo.

Agad ako napatingin sa gilid at tuluyan nawala antok ko ng makita ko si Wonwoo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Teka, kanina pa ba sya dyan?

"Sabay na tayo."

Sabi nya at ngumiti sa akin. Nagsimulang magwala tong puso ko. Tangina, eto nanaman. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumango. At sabay na kami naglakad papunta sa elevator.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa elevator ay sinisigurado ko na may espasyo sa pagitan namin. Mukhang napansin ni Wonwoo ang kakaiba kong kilos kaya naman di nya na napigilan magtanong.

"Um, ok ka lang?"

"H-ha? Oo naman.."

Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. Bahagya nalang sya napangiti at muling napatingin sa harap. At ako naman pilit pinapakalma tong puso ko.

•·················•·················•

Ng lunch time na namin ay isinukbit ko na bag ko at lumabas na ng room. Dumiretso na agad ako sa canteen kagaya ng lagi kong ginagawa. Napansin ko naman na hindi nagpapakita ngayon sa akin si Felix. Ng makarating na ako sa canteen ay pumila na agad ako at ng makabili na ako ng pagkain ay naghanap na ako ng mauupuan.

Ng makahanap na ako ay agad ako nagtungo dun at naupo na. Saktong pag-upo ko ay nagulat ako ng biglang nay lumapit sa akin. Pagtingala ko ay si Andrea lang pala, yung nagpaturo nun kay Wonwoo.

"Hi! Pwede ako makisama sayo?"

Nakangiti nyang tanong sa akin. Napangiti nalang ako tsaka tumango. Nagpasalamat naman sya at naupo sa tabi ko. Inilapag nya na yung tray na bitbit nya sa lamesa at muling nagsalita.

"Ano nga pala pangalan mo?"

"Kaylee."

Matipid kong sagot sa kanya. Tumango-tango naman sya at sinimulan na rin kumain. Di ko pa rin maiwasan magtaka kung bakit bigla-bigla nalang sya makikisama sa akin. At di ko rin alam bakit pumayag ako na makisama sya sa akin.

"Hi Kaylee! Sana maging magkaibigan tayo. Mukhang ang friendly mo naman eh."

Sabi nya. Di ko alam kung compliment ba yun o nang-aasar sya. Pero hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa pagkain.

"Si Wonwoo ba yun?"

Bigla nyang sabi. Napatingin ako sa kanya at sinundan ko kung san sya nakatingin at nakita ko si Wonwoo na mukhang naghahanap ng mauupuan. Nagulat ako ng bigla syang tinawag ni Andrea.

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon