KAYLEE.
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Wonwoo. It felt surreal. Kung isa man panaginip ito, ayoko ng magising pa. Dahan-dahan ng lumayo sa akin si Wonwoo at tinignan ako diretso sa aking
mata. Naramdaman ko ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso habang nakatingin kami sa isa't isa."Naalala mo ba...yung niyakap mo ako?"
Biglang tanong ni Wonwoo. Napalunok naman ako tsaka dahan-dahan tumango ng maalala ko yung araw na iyon. Yun yung araw kung saan kinomfort ko sya matapos nyang maikwento yung tungkol sa Papa nya.
"Simula nung araw na yun....palagi na kitang naiisip. Walang araw na lumipas na hindi kita naiisip..."
Sabi ni Wonwoo at biglang hinawakan tong kamay ko. Humakbang sya papalapit sa akin at isinandal ang kanyang noo sa noo ko.
"Ikaw....ikaw palang ang nagpapatibok nitong puso ko ng ganto."
Sabi ni Wonwoo at naramdaman kong may namumuo ng luha sa gilid ng aking mata. Di nagtagal, agad itong tumulo. Dahan-dahan hinawakan ni Wonwoo tong pisngi ko at pinunasan ang mga luha sa aking mata.
"Kaya nung nabasa ko yung sulat mo...dun ko napagtanto na...totoo na itong nararamdaman ko para sayo. Mahal kita, Kaylee..."
Sabi ni Wonwoo. Di ko akalain na dadarating yung gantong araw. At di ko rin akalain na, parehas kami ng nararamdaman ni Wonwoo.
"D-di ko akalain na ganun rin ang mararamdaman mo para sa akin. N-naisip ko na baka kaibigan at kapitbahay lang turing mo sa akin at baka mawirdohan ka sa oras na sinabi ko sayo."
Sabi ko at napangiti naman si Wonwoo. Dahan-dahan nyang hinawi tong buhok ko papunta sa gilid at muli akong tinignan diretso sa aking mata. He then closed the gap between us and captured my lips once again. I closed my eyes and kissed him back. He held my waist, keeping me firmly in place. And I wrapped my arms around his neck, afraid that I might lose him the moment I let him go.
•·················•·················•
3RD PERSON.
"May gusto lang sana akong sabihin sa'yo, Wonwoo.."
Sabi ni Andrea kay Wonwoo. Di naman umimik si Wonwoo at hinintay ang susunod na sasabihin ni Andrea. Napahinga naman ng malalim si Andrea bago magpatuloy.
"Gusto kita, Wonwoo.."
At ng marinig iyon ni Wonwoo, ay tanging ngiti na lamang ang binigay nya sa dalaga. Bahagya naman napangiti si Andrea at napayuko ng ulo.
"M-matagal ko ng gustong sabihin sayo, pero sadyang nahihiya lang ako.."
Dahan-dahan naman tinapik ni Wonwoo ang kanyang balikat.
"Na-appreciate ko na gusto mo ako. Pero, pasensya na Andrea."
Sabi ni Wonwoo at dahan-dahan naman napatingala sa kanya si Andrea. Tumango-tango naman ang dalaga at napangiti ng malungkot.
"H-hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo rin ako. Tsaka, alam ko naman na sya ang nilalaman ng puso mo.."
Sabi ni Andrea at di alam ni Wonwoo kung magtataka ba sya sa sinabi nya sa kung pano nalaman ni Andrea iyon.
"Alam mo?"
Tanong ni Wonwoo. Bahagya naman natawa si Andrea at tumango-tango.
"Oo. Napapansin ko kase kung pano mo sya tignan. At kung pano ka mag-react sa tuwing nakikita mo syang may kasamang iba.."
Dagdag nya at napaiwas naman ng tingin si Wonwoo. Muling natawa sa kanya si Andrea. Kahit na masakit man para sa kanya, ay idinadaan nya nalang sa tawa.
"Wag ka mag-alala. Di ko naman sasabihin sa kanya."
Napahinga ng malalim si Wonwoo at muling napatingin kay Andrea. At napangiti sya ng bahagya habang nakatingin sa dalaga.
"Salamat, Andrea."
...
an: hiiii! pasensya na talaga kung corny! T-T
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.