KAYLEE.
Habang nanonood ako ng tv ay naaalala ko pa rin hanggang ngayon yung nakita ko. Sino kaya yung babaeng kasama ni Wonwoo? Girlfriend nya kaya yun? Hays. Baka nga may girlfriend na yun si Wonwoo. Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa sofa. Maya-maya ay narinig kong may kumakatok sa pinto. Naisip ko na baka si Felix na iyon kaya naman tumayo na ako at dumiretso na sa pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita kong hindi si Felix ang nasa harapan ko ngayon, kundi ang kaibigan kong si Wendy. Ngumiti naman sya ng malapad at niyakap ako ng mahigpit.
"GURL! I MISS YOU!"
Sabi nya at muntikan pa kami mawalan ng balanse. Natawa nalang ako at niyakap sya pabalik. Oo nga pala, nakalimutan kong bibisita pala sya ngayon. Maya-maya ay kumalas na sya sa yakap at hinawakan tong kamay ko.
"Gumanda ka!"
"Nangbola ka pa. Tara pumasok ka na sa loob."
Sabi ko at niyaya na sya sa loob ng unit ko. Ng maisara ko na yung pinto ay iginala nya yung tingin nya sa paligid.
"Wow! Kahit na ang liit lang ang ganda pa rin tignan! Magkano nga ulit rent dito?"
"Ba't ko sasabihin sayo?"
Sabi ko at binelatan sya. Napasimangot naman sya at parehas na kami naupo sa sofa sa sala.
"Kamusta naman yung–"
"Asan na yung kapitbahay mong si Wonwoo?"
Pagpuputol nya agad sa akin. Tinignan ko naman sya ng masama.
"Ako ba talaga pinunta mo dito o si Wonwoo?"
"Ikaw syempre! Palagi mo kasi syang kwinikwento!"
"Minsan lang kaya!"
Sabi ko at hinampas sya ng unan. Syempre mahina lang hindi ako bayolente na tao. Natawa naman ang gaga. Naisip ko na ikwento sa kanya yung nangyari.
"Hays. Dapat nga may lakad kami ngayon eh.."
May halong lungkot kong sabi at di naman makapaniwala yung tsura ni Wendy. Hinawakan nya ulit kamay ko at lumapit sa akin.
"Bakit? Anong nangyari?"
Tanong nya at muli ko nanaman naalala yung nakita ko kanina. Napahinga ako ng malalim dahil dun sa naalala ko.
"Kanina ko pa kasi sya hinihintay sa may labas ng unit nya pero ang tagal nyang lumabas kaya akala ko nakababa na sya. Pero nung pagbaba ko kanina nakita ko may kasama syang babae. Sana man lang sinabi nya na hindi tuloy.."
Sabi ko at kahit hanggang ngayon hindi pa rin naseseen ni Wonwoo yung message ko sa kanya kanina. Mukhang nag-eenjoy pa ata sya sa lakad nila nung babaeng kasama nya. Ba't ang bitter ko pakinggan?
"Ok lang yan, lee. Hintayin mo nalang at magpapaliwanag rin yan sayo."
"Sana.."
Sabi ko at magsasalita na sana si Wendy pero may bigla nanaman kumatok sa pinto. Sabay kaming napatingin sa pintuan.
"May bisita ka ba?"
Nagtataka nyang tanong sa akin. Si Felix na siguro yun. Tumayo na ako at dumiretso na sa pintuan. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko na si Felix na may hawak na isang cup ng paborito kong caramel macchiato.
"Hi."
Malalim nyang bati at ngumisi sa akin. Napabuntong hininga naman ako sa kanya.
"Bakit kailangan mo pang ngu–"
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.