KAYLEE.
Ng matapos na akong kumain ng hapunan ay iniligpit ko na mga pinagkainan ko. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin si Wonwoo. Ano kaya nangyari sa kanya? Dahil ba dun sa ginawa ni Felix o ano? Napahinga ako ng malalim at dumiretso na sa sala at nanood nalang ng TV.
Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Paano ba naman ako aantukin kung hanggang ngayon naaalala ko pa rin talaga si Wonwoo. Hays.
Naisipan kong magtimpla nalang ng kape at tumambay sa rooftop. Ng makatimpla na ako ng kape ay kinuha ko na yung mug ko at lumabas na. Ng makadaan ako sa pintuan ng unit ni Wonwoo ay saglit akong natigilan at nagdadalawang isip ako kung yayayain ko ba sya o ano. Huminga ako ng malalim at lumapit sa pinto. Kakatok na sana ako pero nagulat ako ng bigla nalang bumukas yung pinto at nakita ko si Wonwoo. Maging sya ay nagulat ng makita ako.
"Kaylee? Bakit ka nasa labas? May kailangan ka ba?"
Sunod-sunod nyang tanong sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko at di alam ang sasabihin. Bigla naman syang napatingin dun sa mug na hawak ko. Kaagad naman ako nagsalita.
"Tatambay ako sa rooftop at yayayain sana kita. Pero, ok lang kung ayaw mo."
Sabi ko at bahagyang napangiti sa kanya. Napangiti rin sya at bumilis nanaman tong tibok ng puso ko.
"Sige, tambay tayo sa rooftop."
•·················•·················•
Nagdala naman ng banig si Wonwoo at inilatag iyon sa sahig. Nagtataka naman ako sa kung bakit nagdala pa sya ng banig pero sabi nya na para daw cool. Naupo na kaming dalawa dun sa banig habang pinagmamasdan yung bituin na kumikinang sa langit. Maya-maya bigla naman nagsalita si Wonwoo.
"Parang ang sarap naman matulog dito."
Sabi ni Wonwoo. Napatingin ako sa kanya at itinaas nya naman yung dalawa nyang kamay habang dinadama yung simoy ng hangin. Di ko naman maiwasan matawa dahil natatangay yung buhok nya at medyo nakikita ko na yung noo nya.
"Di bagay sa akin na kita yung noo ko, no?"
"Hoy, wala akong sinasabing ganyan."
Natatawa kong sabi at nakitawa nalang rin si Wonwoo. Pero bigla akong napatigil ng maalala ko yung itatanong ko sa kanya. Kaya naman umayos ako ng upo at huminga muna ng malalim bago magsalita.
"Oo nga pala, may gusto lang sana ako tanungin sayo.."
Panimula ko. Napasulyap naman sa akin si Wonwoo. Fudge, ang gwapo nya.
"Ano yun?"
Tanong nya. Ibinaba ko muna yung hawak kong mug sa tabi bago magsalita.
"Nagalit ka ba sa ginawa ni Felix sa akin kanina?"
Diretso kong tanong sa kanya. Napakurap naman sya at biglang napaiwas ng tingin sa akin. Dahan-dahan syang napahaplos sa kanyang batok.
"Akala ko kasi sinasaktan ka nya. Kaya ko kayo nilapitan kanina. Pasensya na, di ko sinasadyang makisingit sa usapan nyo."
Sabi ni Wonwoo ng hindi tumitingin sa akin. Napahinga naman ako ng malalim at muling napatingin sa langit.
"Hindi naman nya ako sinasaktan. Pero salamat dahil nag-aalala ka sa akin."
Pagkasabi ko nun ay muli nanaman bumilis tong tibok ng puso ko. Naramdaman kong napatingin sa akin si Wonwoo. At narinig ang malalim nyang paghinga.
"Tutal nagsabi ka na sa akin, ako naman magsasabi sayo."
Sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Napangiti naman si Wonwoo at inilagay yung dalawang braso sa magkabilang gilid nya bilang suporta sa kanya.
"Natuto na ako magbake simula nung bata pa ako. Actually, tinuruan nya ako kung pano mag-bake. At ang una nyang tinuro ay kung paano magbake ng isang cookie."
Kwento ni Wonwoo at napa "ohh" naman ako.
"Pero, kaya ko rin naman magbake ng iba. Ang pinaka-gusto ko lang ibake ay ang cookies."
Dagdag nya at natawa ng onti. Napangiti nalang ako sa kanya. Maya-maya ay muli syang napatingin sa langit.
"Pangarap ng Papa ko nun na magtayo ng isang bakery. Nangako sya sa akin na magtatayo kami ng isang bakery at dun namin ibebenta lahat ng mga binabake namin. Pero, dumating ang araw na hindi namin inaasahan."
"Anong nangyari?"
Tanong ko. Muling napatingin sa akin si Wonwoo.
"Naaksidente si Papa."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi nya. Muling napangiti si Wonwoo at umiwas na ng tingin sa akin.
"Pauwi sya galing trabaho. Nagkaroon ng gulo at nadamay yung kotseng sinasakyan ni Papa. Ng malaman kong wala na si Papa, yung pangarap namin na yun ay unti-unting nawasak."
May halong lungkot nyang sabi. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Di ko alam bakit ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya ngayon.
"Gusto kong ituloy yung pangarap ni Papa. Pag nakapagtapos na ako dito, ipapatayo ko na yung bakery na matagal na namin pinapangarap na magkaron."
Sabi nya at mas lalong kumirot tong puso ko ng makita kong may mga luha ng tumutulo mula sa mata nya. Pero kaagad nya naman iyon pinunasan at pilit pa rin syang ngumingiti. Sa mga oras na yun gusto ko syang lapitan at yakapin. Kahit yun lang ang tanging gagawin ko para mapagaan yung loob nya. Pero, may kung anong pumipigil sa akin para gawin iyon.
"Pasensya na."
Sabi nya at natawa. Di naman ako makapagsalita.
"Tara, anong oras na. May pasok pa tayo bukas."
Sabi ni Wonwoo at tumayo na. Ng makatayo na sya ay bigla nyang inilahad sa harapan ko yung palad nya. Dahan-dahan kong hinawakan kamay nya at inalalayan ako patayo. Iniligpit na ni Wonwoo yung banig pagtapos ay sabay na kami bumaba. Tahimik lamang kami habang sabay namin tinatahak yung daan pabalik sa unit namin.
Naiisip ko pa rin yung kwento ni Wonwoo at alam kong nalulungkot sya ngayon. Hays. Nakabalik na kami sa unit namin.
"Salamat sa pagyaya sa akin."
Sabi nya at ngumiti sa akin. Di pa rin ako makapagsalita at nanginginig na tong kamay ko.
"Sige na, magpapahinga na ako. Goodnight."
Sabi ni Wonwoo at tahimik pa rin akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng unit ko. Binuksan na ni Wonwoo yung pintuan ng unit nya at papasok na sana sya pero kaagad ko syang tinawag.
"Wonwoo."
Napatigil naman si Wonwoo at napatingin sa akin. Kaagad ako lumapit sa kanya.
"Baki–"
Ng makalapit ako sa kanya ay kaagad kong ibinalot tong kamay ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkagulat ni Wonwoo.
"Kaylee.."
"Alam kong masakit para sayo mawala ang Papa mo. Pero lagi mong tatandaan na kahit wala man sya sa inyong paningin ay lagi ka nyang babantayan at susuportahan kung nasan man sya ngayon..."
Halos pabulong kong sabi. Di naman kumibo si Wonwoo at maya-maya naramdaman kong niyakap nya ako pabalik.
"Salamat, Kaylee..."
At dun ko narinig ang mahina nyang paghikbi.
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.