62

251 10 1
                                    

KAYLEE.

"Ba't di mo nalang kasi tanungin kung anong paborito nyang flavor ng cake?"

Pagmamaktol ni Wendy sa akin. Andito kami ngayon sa isang bakeshop at pinag-iisipan kung anong flavor ng cake ang gusto ni Wonwoo. Naisipan ko kasi na gawan sya ng "farewell party" bago sya umuwi sa kanila. And yes, sinabihan ko rin yung mga kaibigan ni Wonwoo.

"Kung tinanong ko sya edi malalaman na nya."

"Edi sabihin mo na bigla mo lang naitanong."

Sabi nya at napahinga naman ako ng malalim. Ang weird naman nun bigla-bigla ko syang ichachat para lang tanungin kung ano mas gusto nyang flavor ng cake. Edi macucurious na rin sya kung ba't ko natanong yun.

"Hays. Wag na. Pumili nalang tayo ng masarap."

Sabi ko at hinila na sya dun sa mga cakes na nakadisplay sa isang glass fridge. Hmmm. Ano kaya gusto ni Wonwoo? Chocolate? Ube? Mocha? Puta dapat pala natanong ko kanina!

May namataan ako na isang chocolate cake na maliit lang yung size. Kahit na ang simple lang, ang ganda pa rin nya tignan. Naisip ko na eto nalang ang ibili ko para kay Wonwoo.

"Akala ko ba ikaw ang may paborito sa chocolate?"

"Malay mo magustuhan ni Wonwoo diba?"

Sabi ko. Itinuro ko na dun sa babaeng nasa counter yung chocolate cake na napili ko.

"May gusto po ba kayo ipalagay sa cake?"

Tanong nung babae sa amin. Napatingin naman kami ni Wendy sa isa't isa. Tumango nalang sya at muli kong ibinalik ang tingin ko dun sa babae.

"Ah, meron po."

"Sige po, sulat nyo nalang po sa papel."

Sabi nya at inabutan ako ng isang piraso na papel at ballpen. Saglit naman ako nag-isip sa kung ano pwede ilagay. I love you nalang. Charot. Ng maisip ko na kung ano ilalagay ay isinulat ko na iyon sa papel. Pagtapos ay binigay ko na yung papel dun sa babae at sinimulan na nila designan yung cake.

"Sana all binibilan ng cake."

"Don't worry, bibilan rin kita. Pag may pera na ulit ako."

Pabiro kong sabi sa kanya at nag-pout na lamang sya. Natawa nalang ako at maya-may ay bigla nalang tumunog tong cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag na dala ko at pagbukas ko ay nakita kong tumatawag sa akin si Mingyu. Kaagad ko iyon sinagot.

"Hello?"

Sabi ko ng maitapat ko na sa aking tenga ang cellphone ko. Narinig ko ang paghinga nya.

"Kasama na namin ngayon si Wonwoo. Grabe, ang hirap nyang kumbinsihin. Tsaka muntikan ko na masabi yung tungkol dito sa plano mo."

Sabi ni Mingyu at napahaplos naman ako sa noo ko.

"Ok lang. Basta wag mo na ulit babanggitin."

"Yes, maam."

Sabi ni Mingyu at nakarinig ako ng mga tawanan. Bigla tuloy ako nacurious kung nasan sila ngayon.

"Um, san kayo ngayon?"

"Andito sa K Mall. Why?"

Literal na nanlaki tong mga mata ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Mingyu.

"Ano?! Eh andito rin kami ngayon!"

"Hala, weh??"

Nagtatakang sabi ni Mingyu. Napalingon ako kung tapos na yung cake at mabuti nalang hindi pa. Napahinga ako ng malalim at humarap na muli sa may entrance.

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon