09

535 19 4
                                    

KAYLEE.

Ng sumapit ang lunch time ay lumabas na agad ako ng room. Nilabas ko cellphone ko at imemessage si Wendy dahil sabi nya i-message ko daw sya pag lunch time na namin. Magsisimula palang ako mag-type ng biglang may nakabangga sa akin. Nawalan ako ng balanse at natumba sa sahig at di ko naman maiwasan masaktan ng tumama tong pwetan ko ng malakas sa sahig.

"Aray, puta–"

Natigilan ako ng mapatingala ako at di ko naman maiwasan magulat ng makita ko si Wonwoo. What? Dito rin pala sya nag-aaral? Saglit akong natulala sa kanya at natauhan ako ng marinig ko boses nya.

"Hala, sorry!"

Sabi nya at hinawakan tong kamay ko tsaka inalalayan ako patayo. Sa mga oras na yun naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko na ikinataka ko naman. Ng makatayo na ako ay binitawan nya na tong kamay ko at muling nag-sorry.

"Sorry talaga, Kaylee. Di kita napansin.."

Sabi nya at napakamot sa batok. Tumango-tango naman ako.

"O-ok lang.."

"Dito ka rin pala nag-aaral? Bakit di mo man lang sinabi sa akin?"

Sabi nyat bahagyang napangiti sa akin. Bumilis nanaman tong tibok ng puso ko. Hala anong nangyayari? Kalma ka lang, self.

"Maglulunch ka na ba?"

"Oo. Ikaw?"

"Sakto! Maglulunch na rin ako. Sabay na kaya tayo?"

Patanong nyang sabi sa akin. Di ko pa rin akalain na dito rin pala nag-aaral si Wonwoo. Parang ngayon ko pa nga lang sya nakita dito eh. Hmm, siguro kakatransfer nya lang dito? Inalis ko muna lahat ng iniisip ko at ngumiti ulit sa kanya.

"Sige.."

•·················•·················•

"Grabe, ang gulo ng schedule ko. Di ako sanay."

Reklamo ni Wonwoo habang tinitignan nya yung schedule paper nya. Di ko naman maiwasan matawa sa kanya.

"Masanay ka na, ganto talaga dito."

"Pwede ba magpalipat ako sa section mo? Para naman kasama kita."

Sabi nya at nag-pout sa akin. Napawi naman tong ngiti ko ng maramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok nitong puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? Dahil sa di ko alam sasabihin ko ay uminom nalang ako ng tubig. Napahinga sya ng malalim at itinago na yung schedule paper nya.

"Wala kasi akong masyadong nakakausap eh kaya ang boring masyado."

Malungkot nyang sabi at tumango-tango nalang ako. Ng makainom na ako ng tubig ay pinunasan ko na tong bibig ko.

"Wag ka malungkot. Malay mo may makakausap ka na rin nyan paglipas ng araw."

"Hmm. Sana.."

Sabi nya at uminom rin ng tubig. Matapos nun ay nagkwento pa sya sa akin tungkol sa mga ganap sa classroom nila. Nasabi nya rin sa akin na sya daw yung binoto ng mga kaklase nya bilang "escort". Syempre, pogi tong si Wonwoo eh kaya naman sya ang binoto na escort. Maya-maya ay tumunog na ulit yung bell, senyales na oras na ulit para sa klase. Sabay na kami tumayo ni Wonwoo at naglakad na palabas ng canteen.

"Sige, dito na daan ko. Kita nalang tayo mamaya!"

"Sige."

Sabi ko at nagpaalam na sa kanya. Bago ako maglakad ay nagulat ako ng biglang humakbang papalapit sa akin si Wonwoo. Natigilan naman ako at akala kung anong gagawin nya pero tinapik-tapik nya lang pala tong ulo ko.

"See you!"

Nakangiti nyang sabi at naglakad na palayo. Ng mawala na sya sa paningin ko ay naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. What the fudge? Anong nangyayari sa akin? Napailing-iling nalang ako at maglalakad na sana ng may biglang tumawag sa akin.

"Kaylee."

Agad ako napaharap sa gilid at nung una ay akala ko si Wonwoo yun. Pero napawi tong ngiti ko ng makita ko nanaman yung lalaking yun. Lumapit sya sa akin at napahinga naman ako ng malalim.

"Ano nanaman kailangan mo sa akin, Felix?"




...

an: yesss it's bby felix from straykids! new character!

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon