43

290 12 1
                                    

KAYLEE.

Habang nagdidiscuss yung professor namin sa harap ay nakatanaw lamang ako sa may labas ng bintana. Maya-maya ay bigla ko nalang naisip si Wonwoo. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Umayos ako ng pagkakaupo at huminga ng malalim. Mas lalo lang akong mahuhulog sa kanya kung patuloy ko syang naiisip o iniisip.

Di ko akalain na magugustuhan ko sya. Parang isang araw lang naiisip ko na weirdo sya tapos ngayon may nararamdaman na agad ako para sa kanya. Panigurado ako mawiwirdohan yun sa oras na malaman nya. Bakit? Dahil kaibigan at kapitbahay lang ang turing nya sa akin. Hindi na hihigit dun.

Natauhan at nagitla ako ng marinig ko ang boses ng professor ko na nakatayo na pala sa harapan ko. Kaagad ako umayos ng upo at humarap sa kanya. Napansin ko rin na nakatingin na rin sa akin lahat ng kaklase ko. Puta.

"Ms. Kaylee, ano nanaman ba iniisip mo?"

Tanong ng prof namin at di naman agad ako nakapagsalita. Napabuntong hininga sya at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Tutal hindi ka nakikinig sa klase ko, maiwan ka mamayang uwian at ikaw ang mag-linis ng classroom nyo."

Sabi ng prof namin at napanganga naman ako. Narinig kong nagsitawanan yung mga kaklase ko pero kaagad naman sila sinaway ng prof namin. Napahinga nalang ulit ako ng malalim at dahan-dahan tumango.

"Sige po. Pasensya na rin po.."

Yan nalang ang tanging nasabi ko. Ng makabalik na sa harapan yung prof namin ay ipinatong ko ang aking baba sa palad ko. Self, wag mo ng isipin si Wonwoo. Wag mo na syang isipin. Wag mo na syang isipin. Wag mo na syang isip–

Napaka-imposible na hindi ko sya maisip dahil minu-minuto syang pumapasok sa utak ko. Bwiset na yan.

•·················•·················•

Bago ako makalabas ng room ay nakita ko yung mga kaklase ko na nagtatapon ng mga crumpled papers sa sahig. Tinignan ko sila at bigla nalang nila ako tinawanan.

"Sya naman maglilinis dito mamaya."

Sabi nung isa kong kaklase at sinadya nya pang lakasan boses nya. Nagsitawanan ulit sila at di na ako pumatol pa at naglakad na palabas ng room. Oo, ako maglilinis mamaya at sisiguraduhin ko na itatapon ko yan mismo sa pagmumukha nila. Jusko.

Ng makarating na ako sa canteen ay pumila na kaagad ako. Pagtapos kong bumili ng pagkain ay naghanap na agad ako ng mauupuan ko. May namataan akong bakante at kaagad na dumiretso dun bago pa ako maagawan ng iba. Ng mailapag ko na sa mesa yung tray na hawak ko ay umupo na ako sa upuan at sinimulan na agad kumain.

Ng maiangat ko ang tingin ko ay napatingin ako sa may labasan at pasukan ng canteen. Pero naramdaman ko nanaman ang pagkabilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si Wonwoo na may mga kasama. Mga kaklase nya siguro. Nagtatawanan silang lahat kaya naman hindi nya agad ako napansin. Kahit na ayaw ko sya tumingin sa kanya, di ko pa rin maiwasan tignan at pagmasdan sya.

Kahit sa malayo ang gwapo pa rin tignan ni Wonwoo. Matangkad rin sya kaya naman madali nya lang makuha ang atensyon ng mga babae. Jusko..

Bigla nalang sya napatingin sa direksyon ko. Nanlaki naman tong mga mata ko at umiwas kaagad ng tingin. Inubos ko na pagkain ko at isinukbit na ang aking bag. Di na ako nagsayang ng oras at halos patakbo ng lumabas ng canteen. Ng makalabas ako ng canteen ay dumiretso ako sa cr at tinignan ang aking sarili sa salamin. Napansin ko na medyo namumula na ang magkabilaang pisngi ko. Puta talaga Wonwoo. Ano ba tong ginagawa mo sa akin?

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon