18

413 15 2
                                    

KAYLEE.

Habang kumakain ako ay naririnig ko yung mga boses ng mga kaibigan ni Wonwoo. Di naman sound proof yung pader kaya rinig na rinig ko talaga. Napailing-iling nalang ako. Ng matapos akong kumain ay niligpit ko na yung pinagkainan ko at nanood ulit ng TV.

Makalipas ang ilang oras ay medyo inaantok na ako. Napahikab ako at pinatay na yung TV. Tumayo ako tsaka nag-unat bago dumiretso sa aking kwarto. Pero napatigil ako ng maalala kong hindi ko pa pala nailalabas yung basurahan ko. Dali-dali akong dumiretso sa kusina at kinuha iyon. Pumunta na ako sa may pinto at hinawakan yung knob. Pinihit ko na ito at ng mabuksan yung pinto ay natigilan naman ako ng makita ko si Wonwoo na mukhang kakatok palang.

Naramdaman ko ang pagkabilis ng tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Kaagad nya binaba kamay nya at umatras ng onti.

"Um, hi."

"Bakit?"

Tanong ko. Napansin ko naman na may hawak syang plastic at nagtaka ako ng bigla nyang inabot iyon sa akin. Naisip ko na baka cookies nanaman itong ibibigay nya at di nga ako nagkamali.

"Nagbake ulit ako kanina. At gumawa ako ng extra, para sayo.."

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata, na mas lalo naman ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ano ba meron sa cookies bakit sya bake ng bake neto? Bahagya nalang ako napangiti at dahan-dahan kinuha mula sa kamay nya yung plastic.

"Um, salamat. Teka lang, itatapon ko lang to."

"Samahan na kita!"

Sabi nya at tumango nalang ako. Ng maisara ko na yung pinto ay sabay na kaming pumunta sa labas para maitapon ko na tong basura na hawak ko.

"Um, mga kaibigan mo ba yung pumunta dito?"

Tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan palabas. Para naman di awkward no. Tumango-tango naman sya.

"Oo. May nasabi ba sila sayo?"

Tanong nya at bigla ko naman naalala yung inakala nilang girlfriend ako ni Wonwoo. Bakit naman nila naisip yun? Napailing nalang ako.

"Wala naman."

"Pagpasensyahan mo na yung mga yun. Sadyang makukulit talaga sila."

Biro nya at natawa. Bahagya naman akong natawa. Ng makalabas na kami ay inilagay ko na sa malaking bin yung basura na hawak ko. Pagtapos ay pinagpagan ko na ang aking kamay at humarap kay Wonwoo.

"Ikaw na mismo maglalabas ng basura mo dito?"

"Oo."

Matipid kong sagot at napa "oh" naman sya.

"Dun kase sa dating tinitirhan ko may mga taga-kolekta eh."

"Bakit ka nga pala lumipat?"

Tanong ko. Wala lang nacurious lang ako. Sabay na kami naglakad pabalik sa loob.

"Bukod sa malapit lang sa school natin to, ay may iba pa akong rason kung ba't ako lumipat."

"Ano yun?"

Tanong ko at bigla naman syang huminga ng malalim. Napasulyap naman ako sa kanya at nakitang nakatingin lang sya sa harap.

"Pasensya na, di ko pwedeng sabihin. Very confidential."

May halong biro nyang sabi. Tumango-tango nalang ako. Ba't ko naman kailangan alamin? Wala naman ako sa lugar para alamin yung rason nya para lumipat sya. Tsaka di naman kami magkaano-ano. Tanging magkapitbahay lang kami, yun lang. Hays. Tahimik lamang kami hanggang sa makabalik na ulit kami sa unit namin.

"Salamat sa pagsama at salamat rin sa cookies."

Sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti naman sya pabalik sa akin. At muli ko nanaman naramdaman ang pagkabilis ng tibok ng puso ko. Parehas kami nakatayo sa tapat ng pintuan ng aming unit at parehas nakatingin sa isa't isa. Sa mga oras na yun medyo nagtataka ako sa nararamdaman ko habang nakatingin sa mga mata nya.

Ako unang umiwas ng tingin at pinihit na yung knob tsaka binuksan yung pinto. Bago ako pumasok sa loob ay muli akong napatingin sa kanya. Itinaas nya yung kamay nya at kinaway-kaway iyon, senyales na nagpapaalam na sya sa akin habang may mga ngiti pa rin sa kanyang labi.

Napangiti nalang muli ako at pumasok na sa loob ng aking unit. Ng maisara ko ang pinto ay napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso. At kinakabahan ako sa naiisip ko na baka si Wonwoo na ang tinitibok nitong puso ko...







...

an: masyadong malalim HAHA. sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. hirap maging shs mga sizt! di nauubusan ng mga gawain :((

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon