KAYLEE.
Ng mabuksan ko na yung pinto ay pumasok na ako. Kagaya ng lagi kong ginagawa pagkauwi ko ay hinubad ko na ang aking sapatos at tsaka sinara yung pinto. Grabe, nakakapagod tong araw na to. Ang dami kasing pinagawa ng prof namin kanina.
I lazily dragged my feet to the couch. Inalis ko na yung bag na nakasukbit sa aking balikat at padapang humiga sa sofa. Nakakapagod talaga. Paano pa kaya pag nagtratrabaho na ako? Edi mas dobleng pagod mararamdaman ko.
Maya-maya ay naramdaman kong kumulog tong tyan ko. Napabuntong hininga ako ng maalala ko na dapat pala mag-grogrocery ako pagtapos ng klase. Hay nako.
Pinilit ko sarili ko bumangon para makapag-handa na ng pagkain. Wala naman problema sa akin kung instant noodles ulit kakain ko. Basta bukas mag-grogrocery na talaga ako. Kinuha ko na sa cupboard yung noodles at niluto ito. Ng maluto na ito at ng mailagay ko na iyon sa bowl ay sisimulan ko na sana kumain pero may biglang kumatok sa pinto ko. Sa mga oras na yun ay naalala ko yung nangyari kahapon. Baka si Wonwoo nanaman?
Muli akong napabuntong hininga at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay di nga ako nagkamali ng makita ko nanaman ulit si Wonwoo. Ng magtama ang mga mata namin ay ngumiti naman sya sa akin.
"Hello!"
"Hi."
Bati ko at bahagyang ngumiti sa kanya. Napakamot naman sya sa batok nya.
"Umm, pwede patulong?"
Tanong nya at napataas naman tong isang kilay ko.
"Saan?"
"Ano kasi, ayaw bumukas nung ilaw na kinabit ko.."
Sabi nya at tumawa ng marahan. Di ko alam bakit saglit akong natulala sa kanya. Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi yung mukha nya.
"Um, ok ka lang?"
Natauhan naman ako ng marinig ko ulit syang magsalita. Umayos ako at tsaka tumango-tango.
"S-sige, tutulungan kita."
Pagkasabi ko nun ay napangiti ulit sya. Medyo nakakahawa yung ngiti nya kaya maging ako ay napangiti rin di ko alam kung bakit. Nauna na syang pumunta dun sa apartment room nya at nakasunod naman ako sa kanya.
Pagpasok namin dun sa room nya ay iginala ko ang tingin ko sa buong paligid. Meron mga papel at dyaryo na nakakalat sa sahig at meron rin mga malalaking kahon sa mga gilid. Hindi pa sya siguro nakakapag-ayos?
"Tinatamad pa kasi ako mag-ayos kaya medyo magulo pa tong tinitirhan ko, kaya pasensya na."
Sabi nya ng mapansin nyang pinagmamasdan ko yung paligid. Tumango-tango nalang ako at napatingin sa kanya.
"Ok lang. Asan ba yung ilaw?"
"Eto."
Sabi nya sabay turo dun sa isang ilaw sa may kisame.
"Kaya mo bang ayusin?"
"Oo naman. Nagkakaganto na rin minsan yung akin at tsaka natutunan ko na rin pano ayusin yung mga ganto."
Sabi ko at napa "ohh" naman sya na tila namangha dun sa sinabi ko. Di ko naman maiwasan mapangiti at maging proud sa aking sarili. I'm the best talaga. Charot.
Tumuntong na ako dun sa ladder at hinawakan naman ni Wonwoo yung magkabilang gilid para di ako mahulog. Inabot nya na sa akin yung screwdriver at sinimulan ko ng ayusin yung ilaw. Habang inaayos ko ay narinig ko syang nagsalita.
"Baka ma-kuryente ka."
Rinig kong sabi nya. Napangisi naman ako sa aking sarili. Ilang beses ko rin naman na inaayos yung mga ganto at di naman ako nakukuryente.
"Ayos lang ako."
Sabi ko. Inabot kami ng ilang minuto at ng maayos ko na ay tumingin ako sa kanya.
"Try mo na open yung switch."
"Teka, baka mahulog ka."
Sabi nya at di ko naman mapigilan matawa sa kanya.
"Sus. Hindi yan."
"Sige."
Sabi nya at dahan-dahan binitawan yung ladder. Pagtapos ay mabilis syang pumunta dun sa may light switch at pagkapindot nya ay gumana na yung ilaw.
"Ang galing mo!"
Rinig kong sabi ni Wonwoo at napailing-iling nalang ako. Dahan-dahan na ako bumaba sa ladder at kaagad naman lumapit sa akin si Wonwoo upang alalayan ako.
"Wag na, kaya ko na to."
Natatawa kong sabi sa kanya. Ng makababa na ako ay napahinga ako ng malalim at inabot na muli sa kanya yung screwdriver. Humarap ako sa kanya at pinaliwanag kung bakit hindi gumana sa una yung ilaw. Tumango-tango nalang sya at nagpasalamat sa akin.
"Salamat talaga! Di ko akalain na ang galing mo pala sa mga gantong bagay."
Pagpupuri nya at natawa nalang ulit ako kahit na wala naman nakakatawa dun sa sinabi nya. Tanga nga lang eh no.
"Basta kung kailangan mo ulit ng tulong, andun lang ako sa kabila."
"Naks! Sana all!"
Pabiro nyang sabi at parehas kami natawa. Pagtapos ay nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Medyo awkward at napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Umm, sige babalik na ako. Kakain pa kasi ako."
I said, breaking the awkward silence. He just smiled and nods his head. Napangiti nalang rin ako at tumalikod na sa kanya. Naglakad na ako papunta sa pinto at bago pa ako makalabas ng room nya ay bigla nya akong tinawag.
"Sandali!"
Napatigil naman ako at muling lumingon sa kanya. Naglakad sya papalapit sa akin at tumayo sa may harapan ko. Grabe ang tangkad nya talaga at medyo nanliliit ako.
"Ano pala pangalan mo?"
Tanong nya at muling napakamot sa batok nya. Napangiti ulit ako sa kanya.
"Kaylee."
Sabi ko at inilahad yung palad ko sa harapan nya. Mukhang nagulat sya dahil dun pero maya-maya ay napangiti ulit sya at dahan-dahan hinawakan tong kamay ko upang makipagkamay sa akin. At parang may mga kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng mahawakan nya tong kamay ko..
"Nice to meet you, Kaylee.."
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.