51

279 11 3
                                    

KAYLEE.

Hindi ako nakapasok ngayon dahil medyo masama pa rin tong pakiramdam ko. Ng matapos na akong kumain ng tanghalian ay uminom na ulit ako nung gamot na binili sa akin ni Wonwoo. Pagtapos ay bumalik na ulit ako sa sofa at nahiga dun. Kelan kaya mawawala tong lagnat ko?

Nanood nalang muna ako sa kung ano man ang palabas ngayon sa TV. Maya-maya ay narinig kong tumunog tong cellphone ko. Kinuha ko iyon at pagtingin ko ay nakita kong tumatawag sa akin si Wendy. Kaagad ko iyon sinagot at tinapat sa aking tenga.

"Hello?"

"Gurl! Ano musta na pakiramdam mo?"

Tanong nya at bigla naman ako napaubo. Lintek na ubo na to.

"Medyo masama pa rin pakiramdam ko kaya di na muna ako pumasok ngayon.."

"Tsk tsk. Bakit ka kasi nagpapabasa sa ulan? Hay nako ang kulit mo talaga."

Rinig kong sabi nya. At gusto ko sana ikwento sa kanya yung eksena nung isang araw pero baka magwala naman sya dahil sa sobrang kilig.

"Nga pala, nasabi mo na pala kay Wonwoo?"

"Hmm. Wala naman akong balak sabihin sa kanya tong nararamdaman ko eh.."

"Awts."

"Pero, alam mo ba, may pina-assignment sa amin na gumawa ng sulat para sa–"

Bigla naman ako natigilan ng maalala ko yung sulat na ginawa ko para kay Wonwoo. Agad ako napaupo at napatingin sa center table. At nagtaka naman ako ng makita kong wala na dun yung papel. Puta?! Asan na yung sulat?! Sa pagkakaalala ko ay dyan ko lang rin ipinatong yung sulat eh.

"Anong sulat? Gumawa ka ng sulat para kay Wonwoo?"

"Teka, nawawala yung sulat na ginawa ko."

Sabi ko at tinignan sa mga ilalim ng unan, sofa, lamesa, etc. Natignan ko na lahat ng ilalim ng mga gamit na meron ako dito at di ko pa rin namamataan yung sulat. Dumiretso ako sa kwarto ko upang kunin yung bag ko at tinignan kung nandun yung sulat. Pero halos nailabas ko na lahat ng laman ng bag ko ngunit di ko pa din nakikita yung papel na iyon. Pakshet! Saan napunta yung sulat na yun?!

"Hello? Kaylee?"

"Pasensya na, Wendy. Mamaya nalang tayo mag-usap."

Sabi ko at binaba agad yung tawag. Inikot ko na buong unit ko para lang mahanap yung sulat na ginawa ko para kay Wonwoo. Di ko pa rin talaga mahanap at mas lalo lang akong kinakabahan.

Napaupo na ulit ako sa sofa at huminga ng malalim. Saan naman mapupunta yung sulat na yun? Imposible naman na may pumasok dito at ninakaw yun–teka. Naalala ko na kahapon pumasok dito si Wonwoo. Hindi kaya....SHET!

Nanlaki naman ang aking mata at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Shet! Don't tell me kinuha iyon ni Wonwoo?!? Fudge! Fudge! Fudge! Ano na gagawin ko?! Paano pag nabasa na yun ni Wonwoo?? Kailangan ko syang mapuntahan!

•·················•·················•

5pm na at panigurado tapos na ang klase nun ni Wonwoo. Pinuntahan ko sya sa unit nya at kumatok ng ilang beses dun.

"Wonwoo? Wonwoo, please buksan mo tong pinto!"

Sabi ko. Nakailang katok na ako at hindi pa rin iyon binubuksan ni Wonwoo. Baka hindi pa sya nakakauwi? Jusko, san naman nagpunta yun?

Inilabas ko cellphone ko at tinawagan si Wonwoo. Napaubo nanaman ulit ako. Itinapat ko na sa aking tenga yung cellphone at hinintay na sagutin iyon ni Wonwoo. Nakalipas na ang ilang minuto bago sagutin ni Wonwoo ang aking tawag.

"Wonwoo!"

"..."

Di sya umimik pero alam kong naririnig nya ako. Napalunok naman ako dahil sa kaba.

"Nasan ka ngayon??"

"Andito ako sa rooftop..."

Medyo mahina na pagkakasabi ni Wonwoo. Kaagad ko ibinaba yung tawag at dumiretso sa rooftop. Ng makarating ako dun ay natigilan ako ng makita kong nakatayo dun sa dulo si Wonwoo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Huminga muna ako ng malalim bago sya lapitan.

"Wonwoo!" tawag ko at tumayo ng ilang metro palayo sa kanya. Dahan-dahan naman napalingon sa akin si Wonwoo hanggang sa magtama ang aming mata. Isinara ko ang aking kamao at humakbang papalapit sa kanya.

"M-may nakuha ka bang sulat?"

Tanong ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. I stopped walking and stood a few inches away from him. Di naman sya nagsalita at may kinuha sa bulsa nya. Ng makuha nya na iyon ay inilahad nya sa aking harapan.

"Di ko sinasadyang makuha. Akala ko galing sa mga kaibigan ko.."

Walang kaemo-emosyon nyang sabi. Dali-dali kong kinuha yung papel at mabilis na nilukot iyon. Wala na akong ibang sinabi pa at tumalikod na sa kanya. Maglalakad na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Nabasa ko na yung mga nakasulat, Kaylee."

Sabi nya at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Puta! Ano ng gagawin ko?! Di ko na pwedeng itago pa dahil, nabasa na pala ni Wonwoo. Lumingon ako sa kanya at kahit medyo naiilang na ako ay sinubukan ko pa rin tignan sya sa mga mata nya.

"L-lahat ng nabasa mo, hindi totoo.."

Pagsisinungaling ko at napahinga naman ng malalim si Wonwoo. Napayuko ako at tatalikod na sana pero nagsalita nanaman si Wonwoo.

"Hindi totoo? Bakit, Kaylee? Bakit mo kailangan magsinungaling sa akin?"

Sabi ni Wonwoo at naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso.

"A-ano ba gusto mong malaman, ha? Para sa ikakasaya mo, oo. Totoong may nararamdaman ako para sayo. At totoong nagugustuhan na kita, Wonwoo! Ayan, masaya ka na?!"

Sabi ko at muling tumingin kay Wonwoo. Naramdaman kong may namumuong luha na sa aking mga mata. Dapat hindi ko nalang ginawa yung sulat na yun. At ngayon alam na nya, di ko na alam gagawin ko. Umiwas na ako ng tingin at tumalikod na sa kanya. Maglalakad na sana ako palayo ng marinig kong nagsalita si Wonwoo.

"Sa tingin mo ba, hindi ako mahuhulog sayo?"

Literal akong natigilan at mas lalong bumilis tong tibok ng aking puso.

"Matagal na kitang nagugustuhan, Kaylee. Hindi mo lang namamalayan, matagal na akong nahulog sayo."

Maya-maya naramdaman kong hinawakan nya ang aking braso at mabilis akong pinaharap sa kanya. Ng magtama ang mga mata namin ay bigla akong nahirapan huminga. Dahan-dahan hinawakan ni Wonwoo ang aking pisngi habang nakatitig sa aking mga mata.

"Mahal kita, Kaylee."

Halos pabulong na sabi ni Wonwoo at di ko naman maiwasan magulat ng dahil dun sa sinabi nya. Dahan-dahan yumuko si Wonwoo at namalayan ko nalang na hinalikan nya ako sa aking labi.









...

an: yiiiEE HAHAHA. sorry kung corny pero sana naenjoy nyo!





NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon