50

253 8 4
                                    

WONWOO.

Nakabalik na ako sa unit ni Kaylee. Pinunasan ko muna ang pawis na namuo sa aking noo bago kumatok sa pintuan ng unit ni Kaylee. Pero ilang minuto na ang nakakalipas at hanggang ngayon hindi nya pa rin ako pinagbubuksan. Di ko naman maiwasan mag-alala sa baka kung ano ng nangyari sa kanya kaya naman kumatok ulit ako sa pinto.

"Kaylee?"

Tawag ko. Napahawak naman ako dun sa knob at akala ko nakalock iyon pero nagtaka ako ng mapansin kong nakabukas iyon. Dahan-dahan ko iyon pinihit at sumilip sa loob. Iginala ko tingin ko sa paligid at namataan ko agad si Kaylee na natutulog sa sofa. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ano na nangyari sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng unit nya at dahan-dahan sinara ang pinto. Naglakad na ako papalapit sa kanya at lumuhod sa may tapat nya. Saglit kong pinagmasdan ang mukha nya at bahagya akong napangiti dahil ang cute nya palang tignan pag natutulog. Itinaas ko kamay ko at dahan-dahan tinapik ang kanyang pisngi.

"Kaylee.."

Sabi ko at napakunot naman yung noo nya at inalis yung kamay ko. Di ko naman mapigilan matawa. Bago ko sya gisingin ulit ay inihanda ko muna yung gamot nya at kumuha ng tubig sa ref. Ng makabalik na ako ay may napansin naman akong isang papel na nakapatong sa center table nya. Tinignan ko maigi yung papel at nagtaka ako ng makita kong nakasulat yung pangalan ko dun.

Ano to? Galing kaya kayla Seungcheol hyung to? Baka nagkamali nanaman ng bigay yung mga yun.

Napailing-iling nalang ako ng maalala ko yung apat na kupal na yun at kinuha yung papel. Itinago ko na iyon sa bulsa ng aking pantalon at muling ginising si Kaylee.

•·················•·················•

Nakaupo lamang ako sa may gilid ng aking bintana habang pinagmamasdan yung bilog na buwan sa kalangitan. Inaalala ko lang yung mga nasabi sa akin kanina ni Kaylee. Ano kaya ibig nyang sabihin? May nagawa ba ako sa kanya? Hmm. Gusto ko man tanungin kung may nagawa ba ako pero baka mamaya magalit sya lalo sa akin at ayokong mangyari iyon.

Napahinga nalang ako ng malalim at isinuksok ang aking kamay sa bulsa. At natigilan naman ako ng may makapa akong papel. Kinuha ko iyon at kaagad inilabas. Saglit ko pinagmasdan yung papel. Oo nga pala, nakuha ko nga pala to sa unit ni Kaylee. Pero, may pangalan ko eh. Baka sa akin to o baka galing nanaman to kayla hyung.

Binuklat ko yung papel mula sa pagkakatupi at binasa kung ano man ang nakasulat.





...

an: oofff

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon