37

341 12 3
                                    

KAYLEE.

Ng masabi ko na yung gusto kong orderin na kape ay binigyan ako ng number nung babae sa cashier at sinabing iseserve nalang daw yung inorder ko. Nagpasalamat na ako sa kanya at pumunta na sa pwesto namin ni Wendy.

"Namiss ko tuloy pumunta dito."

Sabi ni Wendy ng makaupo na ako sa tapat nya. Napangiti naman ako.

"Hindi ka miss nitong cafe."

May halong biro kong sabi at nagpout naman sya sa akin. Di ko na napigilan pang matawa sa kanya. Wala lang ang cute nya lang talaga pagtripan.

"Oo nga pala, musta naman buhay mo dun?"

Biglang tanong nya sa akin. Napahinga naman ako ng malalim at ipinatong ang aking baba sa kamay ko habang pinagmamasdan yung nakasabit na painting sa pader na nasa gilid lang namin.

"Ok lang naman."

"Nag-uusap ba kayo ni Wonwoo?"

Pagbanggit nya ng pangalan ni Wonwoo ay bigla kong naalala yung chat nya sa akin. Dahil dun, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Natauhan ako ng magsalita ulit si Wendy.

"Kaylee, ok ka lang?"

"May naalala lang ako. Nagkakausap naman kami kahit papaano.."

Sabi ko at saglit naman di nagsalita si Wendy. Maya-maya ay dumating na yung order namin at sinimulan ko ng inumin yung akin ng biglang magsalita si Wendy.

"Tungkol dun sa sinabi mo sa akin, nagugustuhan mo na ba talaga si Wonwoo?"

Bigla akong nabilaukan ng dahil dun sa tanong nya. Napaubo ako at agad tinakpan tong bibig ko. Nagtataka namang napatingin yung iba sa akin.

"Grabe, nabilaukan ka na agad dun?"

Natatawang sabi ni Wendy at humigop na dun sa iced coffee na binili nya. Tinignan ko sya ng masama.

"Sa lahat ba naman kase na pwede mo itanong, bakit yun pa??"

Tanong ko ng mahimasmasan na ako. Bigla naman napangisi si Wendy habang nakatingin sa akin.

"Naalala ko lang rin kasi yung chat natin. Tsaka, kanina ko pa napansin na namumula yang mga pisngi mo ng mabanggit ko pangalan ni Wonwoo!"

Sabi nya sabay turo sa pisngi ko. Nanlaki naman mga mata ko at agad ko napahawak sa pisngi ko. What the fudge? Namumula talaga tong mga pisngi ko??

"Seryoso ka?"

"Sus, oo nga. Obvious na obvious na gurl, nagugustuhan mo na nga si Wonwoo."

Sabi nya at umiling-iling. Nagugustuhan ko na nga ba talaga si Wonwoo? Fudge, hindi ko na alam. At tsaka, bakit bigla kaming napunta kay Wonwoo? Jusko.

"Hay nako. Kung ako sayo, aamin na ako."

"H-hoy! Hindi ko nagugustuhan si Wonwoo no!"

Sabi ko at binelatan nya naman ako. Para kaming mga bata eh no.

"Deny pa!"

"Hindi nga!"

Depensa ko at tinawanan nalang ako ng bruha. Maya-maya ay biglang napunta tong atensyon ko sa may pinto ng marinig kong bumukas iyon. Pagharap na pagharap ko sa may pintuan ay nanlaki nanaman mga mata ko ng makita ko yung mga kaibigan ni Wonwoo. Sabay-sabay silang pumasok sa cafe at nakuha agad nila yung mga atensyon ng mga babae dito. Ang gwagwapo kasi nyeta. Maya-maya ay bigla nalang napatingin sa akin yung isang matangkad na lalaki kaya napaiwas agad ako ng tingin. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Fudge!

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon