KAYLEE.
Sobrang bilis nitong tibok ng puso ko habang sinusuklayan ko buhok ko. Di naman sa naeexcite ako sa lakad namin ni Wonwoo. Baka nagpapalpitate lang ako dahil nagkape ako kaninang umaga. HAHAHA. Iba't ibang scenarios ang pumapasok sa isipan ko dahilan para mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Nagyaya lang naman sya kumain bakit ba ako nagkakaganto? Akala mo naman first time niyaya eh no.
Ng matapos akong magsuklay ay saglit kong pinagmasdan ang aking sarili sa salamin sa harapan ko. Casual lang naman suot ko. Napangiti nalang ako sa aking sarili at napatingin sa orasan. Malapit ng mag 11 kaya naman kinuha ko na bag ko at lumabas na ng aking kwarto. Pagsuot ko nung black converse shoes ko ay dumiretso na ako sa may pintuan at lumabas na. Paglock ko nung pinto ay kinuha ko na cellphone ko at minessage na si Wonwoo.
•·················•·················•
JEON WONWOO
active 20m agoKaylee
heyKaylee
andito na ako sa labasKaylee
ako na magsusundo sayo. jonks!•·················•·················•
Pagkasend ko nun ay tinago ko na muli cellphone ko at hinintay syang makalabas sa unit nya. Muli akong napatingin sa relos na suot ko at nakitang saktong 11 am na.
Ilang minuto na ang nakakalipas at hanggang ngayon hindi pa din nakakalabas si Wonwoo. Bigla ko naman naalala yung chat nya kanina na matutulog pa sya ulit. Don't tell me tulog pa rin yun hanggang ngayon? Napabuntong hininga ako at nilabas muli cellphone ko para ichat sya ulit.
•·················•·················•
Kaylee
tulog ka pa ba?Kaylee
hoy gising na 11 na ohKaylee
dapat di ka na natulog ulit ahaha•·················•·················•
Ilang minuto nanaman ang nakalipas ng huling ichat ko sya. Napasulyap ako sa relos ko at nakitang mag 11:30 na. Bakit di pa sya lumalabas? May balak pa ba sya o ano? Jusko.
Bigla ko naman naisip na baka nakababa na si Wonwoo at baka dun sa lobby naghihintay. Hmm. Kaya naman dumiretso na ako sa elevator pababa. Ng makarating na ako sa lobby ay iginala ko tingin ko sa paligid ko upang hanapin si Wonwoo. Napabuntong hininga nanaman ako ng hindi ko sya mamataan. Baka nga tulog pa sya? Jusko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at pupunta na sana ulit sa elevator pero bigla akong natigilan ng may nakita akong isang pamilyar na lalaki sa may entrance. Tinignan ko maigi at di nga ako nagkamali na si Wonwoo iyon na nakabihis na. Pero may kung anong kumirot sa puso ko ng makita kong may kasama syang babae. Masaya silang nag-uusap habang nakatingin sa mata ng isa't isa. So, kinalimutan nya na yung lakad namin o nagbibiro lang sya?
Muli akong napabuntong hininga at tumalikod na sa kanila tsaka dumiretso na sa elevator.
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.