KAYLEE.
Mabuti nalang rin walang pinapagawang assignment sa amin kaya pwede na ako makapagpahinga. Habang nanonood ako ng paborito kong palabas, ay bigla ko naman naalala yung chat ni Wonwoo sa akin kani-kanina lang. Ano kaya yung sasabihin nya? Mukhang may sasabihin sya eh, pero di ko alam bakit bigla syang nag-offline. Hmmm.
Maya-maya ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Napatingin ako sa pinto at naisip na baka si Wendy na iyon. Di naman sinabi ng bruha na yun kung kelan nya ako bibisitahin basta sinabi nya lang na dadalawin nya ako. Kumatok nanaman kaya napatayo na ako at nagtungo sa pintuan. Hinawakan ko na yung knob at pinihit ito tsaka binuksan ang pinto.
"Bakit di mo man la—"
Natigilan ako ng mapansin kong hindi si Wendy ang nasa harapan ko ngayon, kundi mga lalaki. May apat na lalaki ngayon sa aking harapan at di ko sila kilala lahat. Natameme naman ako at di alam ang gagawin.
"Um, hi? Dito ba nakatira si Wonwoo?"
Tanong nung isang lalaki na maputi sa akin. Teka, pano nila nakilala si Wonwoo? Mga kaibigan ba ni Wonwoo to? Magsasalita na sana ako pero bigla naunahan ako nung isang lalaki.
"Sinasabi ko na nga bang may girlfriend na yun eh!"
Sabi nya na ikinagulat ko naman. Anudaw??
"G-girlfriend?"
"Girlfriend ka ni Wonwoo, diba?"
Tanong nung lalaki at humakbang papalapit sa akin. Agad naman ako napaatras. Ok una sa lahat, mga kaibigan ba ni Wonwoo tong mga to? Pangalawa, ano ba kailangan nila? At pangatlo, bakit nilang naisip na girlfriend ako ni Wonwoo?! Pota asan na ba yung lalaking yun??
"Nagkakamali kayo. Hindi ako girlfriend ni Wonwoo."
Sabi ko at di ko maiwasan magtaka ng makita ko yung mga kakaiba nilang reaksyon.
"Kung di ka girlfriend ni Wonwoo, anong ginagawa mo sa unit nya?"
Nagtatakang tanong nung lalaki na medyo singkit na mukhang hamster amputa. Napakunot naman tong noo ko ng dahil dun sa sinabi nya.
"Unit nya? Pasensya na, pero unit ko TO. Andun yung unit nya katabi nung akin."
Sabi ko sabay turo dun sa pinto sa gilid, katabi lang namin. Sabay-sabay silang napatingin dun.
"Shet! Nagkamali tayo!"
"Ikaw kasi Mingyu eh!"
Sabi nung isa at nagulat nalang ako ng bigla nyang binatukan yung matangkad na lalaki na Mingyu pala yung pangalan. Agad sya napahawak sa ulo nya.
"Anong ako?! Si Seungcheol-hyung yun eh!"
"Anong ako?? Baka tong si Hoshi sya unang naglalakad sa atin eh!"
"Aba! Ako pa talaga sinisi nyo!"
At nagsimula silang mag-sagutan samantalang nakatayo lamang ako sa may pintuan ko habang nakatingin sa kanila. Di ko alam kung sasawayin ko ba sila o ano pero di ko rin alam ba't nakakatawa silang pagmasdan ngayon. Para silang mga batang natalo sa isang laro.
"Pasensya na, miss."
Sabi nung lalaking maputi. Bahagya nalang ako napangiti sa kanya.
"Ok lang po.."
Pagkasabi ko nun ay nag-bow at ngumiti nalang sya sa akin at tinulak na paalis yung mga kasama nya na hanggang ngayon nagsasagutan pa rin. Napailing-iling nalang ako at isinara na yung pinto.
Mga kaibigan nga ni Wonwoo yun.
•·················•·················•
WONWOO.
Sa di kalayuan ay nakita ko na sila na nagtatalo-talo sa tapat pa mismo ng unit ko. Napabuntong hininga nalang ako at lumapit na sa kanila habang bitbit tong mga pinamili ko.
"Hoy. Ang iingay nyo."
Saway ko at sabay-sabay silang napatingin sa akin.
"Ano nanaman ba—"
"Nagkamali pa kami ng kinatukan. Akala namin yun yung unit mo. Eto kasi si Hoshi eh!"
Reklamo ni Mingyu. Napabuntong hininga nalang si Hoshi.
"FYI, kasalanan rin to ni Wonwoo dahil di nya sinabi anong unit nya!"
Depensa nya at lahat sila napatingin sa akin. Natawa nalang ako at napakamot sa batok ko.
"Edi sorry."
Sabi ko at kinuha na yung susi para sa pintuan ko. Nilapitan naman nila ako at pinaligiran. Bigla nalang hinawakan ni Seungcheol-hyung tong balikat ko.
"Kakilala mo ba yung nakatira dito?"
Tanong nya sabay turo dun sa pintuan ng unit ni Kaylee. Tumango naman ako at ng mabuksan ko na yung pinto ay pumasok na kami sa loob.
"Oo, sya yung sinasabi kong kapitbahay ko na si Kaylee. Bakit mo nata—"
"May boyfriend na ba sya?"
Pagpuputol sa akin ni hyung. Tinignan ko sya ng masama at kahit na mas matanda sya sa akin ay di yon makakapagpigil sa akin para batukan sya.
"Aray!"
"Ang landi mo talaga hyung."
"Landi agad? Nagtatanong lang ako eh. Tsaka nacutan ako sa kanya."
Oo nga, cute naman talaga si Kaylee. Teka ano? Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at dumiretso na sa kusina. Kaagad naman nila ako sinundan.
"Ikaw ah, don't tell me nacucutan ka rin sa kanya?"
May halong asar na tanong sa akin ni Jeonghan at sabay-sabay nila akong inasar.
"Lul. Hindi ah."
I lied. Hindi lang cute si Kaylee, ang ganda nya rin para sa akin...
...
an: yieee keleg!!
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.