30

359 13 1
                                    

KAYLEE.

Pinagmamasdan ko lang yung mga matataas at maraming ilaw ng mga gusali sa kalayuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagmamasdan ko lang yung mga matataas at maraming ilaw ng mga gusali sa kalayuan. Maya-maya naramdaman kong may tumayo sa tabi ko. Dahan-dahan ako napatingin sa gilid at nakita na si Wonwoo. Pinagmasdan ko lang yung gulat nyang tsura habang nakatanaw dun sa mga gusali.

"Wow. Ang ganda pala nila tignan lahat kapag gabi."

Sabi nya. Natawa naman ako at muling napatingin sa aking harapan. At sabay namin pinagmasdan yung mga matataas at di pantay na mga gusali.

"Di ko akalain na may rooftop pala to."

Rinig kong sabi ni Wonwoo. Natawa ulit ako. Wala lang ang cute lang ng pagkakasabi nya.

"Madalas ka ba tumatambay dito?"

Biglang tanong sa akin ni Wonwoo at naramdaman kong nakatingin na sya sa akin ngayon. Ngumiti naman ako tsaka tumango-tango.

"Oo naman. Lalo na kapag marami akong iniisip."

"Sabagay. Mahangin rin dito tsaka ang ganda ng view. Nakakawala ng stress at nakakagaan ng loob."

Sabi ni Wonwoo. Napasulyap ako sa kanya at nakitang nakangiti na rin sya. Di ko alam bakit ang ganda ng anggulo nya. Nagrereflect dun sa mga mata nya yung maliwanag at bilog na buwan. Tsaka ang cute rin ng buhok nya na natatangay nung hangin. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Oo nga pala,"

Bigla nyang sabi at kaagad naman ako umiwas ng tingin ng mapatingin sya ulit sa akin. Oh god, sana di nya ako nahuling nakatitig sa kanya.

"Bakit ka nga pala umiiyak nung isang araw?"

Tanong nya at bigla ko nanaman naalala yung sinabi sa akin ni Felix.

"Wala..."

"Inaway ka ba nung lalaking yun?"

Di ko naman maiwasan magulat dun sa tanong ni Wonwoo. Dahil dun, napatingin ako sa kanya hanggang sa magtama mga mata namin. Hanggang ngayon nagrereflect pa rin sa napakaganda nyang mata yung buwan. At tuluyan na akong nadistract sa mga mata nya.

"Kaylee?"

Natauhan ako ng bigla nyang iwinagayway yung kamay nya sa harapan ko.

"H-hindi naman.."

Nauutal kong sagot dun sa tanong nya. His lips formed into a thin line as he looks at me.

"Sigurado ka ba?"

"Nag-aalala ka ba sa akin?"

Pabalik kong tanong sa kanya. Sasabihin ko na sana na nagbibiro lang ako pero bigla nalang sya huminga ng malalim at tumango. Fudge!

"Oo, Kaylee."

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Parang may biglang nabara sa lalamunan ko at di ako makapagsalita.

"Lalo na nung nakita kitang umiyak, di ko maiwasan mag-alala sayo nun."

Sabi nya at muling tumingin dun sa mga gusali. Di ko akalain na mag-aalala sya sa akin. I mean, lahat naman ng tao nag-aalala kapag nakikita nilang malungkot ang mga kapwa nila. Kaya, normal lang na mag-alala sya sa akin. Hays. Muli akong napatingin sa mga gusali at naisip ko na sabihin na kay Wonwoo yung totoo. Huminga muna ako ng malalim.

"Sya si Felix."

Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. At naramdaman ko naman napasulyap sa akin si Wonwoo pero nanatili lang akong nakatingin sa mga gusali.

"Ang totoo nyan, ex boyfriend ko sya.."

Pag-amin ko at napayuko ng ulo. Sa mga oras na yun naramdaman kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko ng maalala ko nanaman yung sinabi nya sa akin. Maya-maya ay naramdaman kong ibinalot ni Wonwoo yung kamay nya sa akin. At namalayan ko nalang na niyakap nya ako. Napapikit ako at di na napigilang mapaiyak. Naramdaman kong dahan-dahan tinapik ni Wonwoo tong ulo ko habang pinapatahan ako.

"Sige, umiyak ka lang."

Bulong ni Wonwoo at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. At wala na akong nagawa kundi ang mapaiyak sa dibdib nya.

•·················•·················•

Malapit ng mag hating gabi at hanggang ngayon gising na gising pa rin ako. Nakatitig lamang ako sa pader sa gilid habang inaalala yung mga nangyari kanina. At yung pagyakap sa akin ni Wonwoo.

Dahil dun, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko for the nth time. Dahan-dahan ako napahawak sa dibdib ko at pinakinggan ang tibok ng puso ko.

At dun ko napagtanto na...si Wonwoo na ang tinitibok nitong puso ko..







...

an: ayiiee keleg. play the media for better reading. wala lang ang cute lang HAHAHA. tsaka namiss ko na scarlet heart ryeo at hanggang ngayon nag-aabang pa rin ako ng season 2 mga mamsh

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon