49

271 6 0
                                    

KAYLEE.

"Kaylee..."

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may tumatapik-tapik sa aking pisngi. Dahan-dahan ko iminulat mata ko at ng luminaw na ang aking paningin ay nakita ko na si Wonwoo.

"Tara, uminom ka na ng gamot.."

Mahinahon na sabi ni Wonwoo. Dahan-dahan naman ako umupo at kaagad naman ako inalalayan ni Wonwoo. Di ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa sofa.

"Pasensya na pala kung nakapasok ako ng hindi kumakatok."

Sabi ni Wonwoo at inabot na sa akin yung gamot na binili nya. Saglit akong napatitig dun sa gamot na hawak nya.

"B-bakit mo ginagawa to?"

Tanong ko at nagtataka namang napatingin sa akin si Wonwoo.

"Um, an–"

"I mean, di mo na ako kailangan tulungan at alagaan. Kaya ko na sarili ko."

Sabi ko at tinignan sya diretso sa kanyang mata. Dahan-dahan naman napawi yung ngiti ni Wonwoo. Saglit nyang inilapag yung gamot na binili nya sa lamesa at napahinga ng malalim.

"Kaylee, nag-aalala ako sayo. Kaya ko to ginaga–"

"Oo, Wonwoo. Nag-aalala ka sa akin, bilang kaibigan."

Sabi ko at napakurap naman sa akin si Wonwoo. Sa mga oras na yun naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Kaylee–"

"D-di mo na kailangan gawin ito sa akin at di mo na ako kailangan alalahanin. Kaya ko na sarili ko, Wonwoo. Dahil kung patuloy mong pinapakita na nag-aalala ka sa akin baka mas lalo akong–"

Agad ako natigilan. Hindi pwede. Hindi pwede malaman ni Wonwoo. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at napayuko ng ulo. Dahan-dahan ko isinara tong kamao ko.

"Sige. Aalis na ako kapag nainom mo na yang gamot mo."

Rinig kong sabi ni Wonwoo at inabot muli sa akin yung gamot at isang baso ng tubig. Napalunok naman ako at dahan-dahan kinuha yung gamot at ng makain ko iyon ay dali-dali akong uminom ng tubig. Ng maiabot ko na yung baso ay narinig ko ang malalim nyang paghinga.

"Magpahinga ka na. Sige, babalik na ako."

May halong lungkot na sabi ni Wonwoo. Hanggang ngayon nakayuko pa rin ako ng ulo at maya-maya naramdaman ko ng tumayo si Wonwoo. At ng marinig ko ang pagsara ng pintuan ko ay huminga ako ng malalim at sumandal sa sofa.

Napahaplos ako sa aking noo habang inaalala yung mga nasabi ko sa kanya. Ano ng nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganto?

•·················•·················•

Hating gabi na at hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung mga nasabi ko kay Wonwoo at medyo pinagsisihan ko na sinabihan ko sya ng ganun. Wala naman syang ginagawang masama at tumutulong lang sya sa akin. At napaka-selfish ko para magsabi ng kung ano-ano sa kanya. His only intention was to help me.

Naisipan ko naman na puntahan sya at humingi ng tawad sa nasabi ko kanina kaya naman tumayo na ako at dumiretso sa pintuan. Ng makalabas ako ng unit ko ay naglakad na ako papunta sa pintuan ng unit ni Wonwoo.

Ng makatayo ako sa tapat ng pintuan nya ay nagdadalawang isip ako kung kakatok na ba ako o ano. Baka mamaya kasi natutulog na si Wonwoo. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahan kumatok sa unit nya.

"Wonwoo?"

Tawag ko pagtapos kong kumatok ng tatlong beses sa pintuan nya. Naghintay ako na buksan nya yung pinto pero ilang segundo na ang lumipas at di pa rin nya binubuksan ang pinto. Hmm, baka natutulog na nga.

Napahinga nalang ako ng malalim at naglakad na pabalik sa unit ko..

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon