KAYLEE.
Sabay namin tinatahak ang daan papuntang school. At dahil mag-aala sais palang ng umaga ay medyo tahimik pa ang paligid. Sobrang tahimik na ang tanging naririnig ko lang ay ang mga yapak ng paa namin sa sahig na medyo nabasa ng ulan kanina.
"Kumain ka na ba ng almusal?"
Biglang tanong sa akin ni Wonwoo. Napakapit naman ako sa bag na nakasukbit sa aking balikat.
"Nag-gatas lang ako."
Pagkasabi ko nun ay nagtaka nalang ako ng biglang napatigil sa paglalakad si Wonwoo. Napatigil rin ako at tinignan sya.
"Bakit?"
Nagtataka kong tanong. Hindi sya nagsalita at nagulat nalang ako ng bigla nyang hinawakan tong braso ko. Bago pa ako nakapag-react ay bigla nya nalang ako hinila sa kung saan.
"S-san tay–"
"Bibilan lang kita ng tinapay."
Rinig kong sabi ni Wonwoo at hinila ako sa isang bakeshop. Ng makarating na kami dun ay binitawan nya na tong braso ko at bumili na. Agad ako lumapit sa kanya.
"Hindi na kailangan. Okay na sa akin yung–"
Naputol sasabihin ko ng bigla syang humarap sa akin. Ngumiti naman sya at inabot na sa akin yung tinapay na binili nya para sa akin. Napakurap naman ako at dahan-dahan kinuha yung tinapay mula sa kamay nya.
"Pero–"
"Wag ka mag-alala bumili ako ng para sa akin. Di pa kasi ako nag-aalmusal."
Sabi ni Wonwoo at kumagat na dun sa tinapay. Napatingin ako dun sa tinapay na hawak ko at bigla-bigla nalang kumulog tong tyan ko. Napahinga nalang ako ng malalim.
"Salamat.."
Sabi ko at dahan-dahan ng kumagat dun sa tinapay. Nakatayo lamang kami sa may bakeshop habang kinakain yung binili nyang tinapay ng bigla-biglang bumuhos yung ulan. Sabay kami napaatras sa bubong ng bakeshop para di kami mabasa.
"Naku, may mga payong ba kayong dala?"
Biglang tanong nung ale na may ari ng bakeshop sa amin. Tumango naman si Wonwoo tsaka napangiti dun sa ale.
"Opo."
Sabi ni Wonwoo at kinuha na sa bag nya yung payong. Kukunin ko na sana yung akin pero napatigil ako ng maalala kong naiwan ko iyon sa aking unit. Puta. Inopen na ni Wonwoo yung payong at itinapat na sa ibabaw ng ulo nya. Bigla naman syang napatingin sa akin.
"Oh? Wala kang payong?"
"Nakalimutan ko kasi.."
Sabi ko at bahagyang napakamot sa batok ko. Natawa naman si Wonwoo at biglang inilahad yung palad nya sa aking harapan. Sa mga oras na yun naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
"Tara."
Sabi ni Wonwoo habang nakatingin ng diretso sa aking mata, na mas lalo naman ikinabilis ng tibok ng puso ko. Napalunok ako at dahan-dahan hinawakan yung kamay nya. At parang may mga kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng mahawakan ko ang kamay nya. Dahil dun, tuluyan ng nawala tong antok ko. Nakisilong na ako sa payong nya at bago kami umalis ay nagpaalam na si Wonwoo dun sa ale.
"Mauuna na ho kami!"
"Sige, mag-iingat kayong dalawa."
Sabi nung ale at ngumiti sa amin. Napangiti nalang ako at sabay na kaming naglakad ni Wonwoo. Kahit na medyo malaki tong payong ni Wonwoo ay nababasa pa rin ng onti tong balikat ko pero di ko nalang iyon pinansin. Nakatingin lamang ako sa dinadaanan namin ng bigla nalang ako inakbayan ni Wonwoo. At mas lalong nagwala tong puso ko ng bigla nya akong inilapit sa kanya. Putaaa..
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.