KAYLEE.
Nakaupo lamang ako sa may sofa habang busy yung karamihan sa may kusina habang kinakain yung bagong bili nilang cake, since nahulog yung unang cake na binili namin ni Wendy. Mamaya-maya naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Dahan-dahan ako napatingin sa gilid at nakita si Wonwoo.
"Oh, para sayo."
Sabi ni Wonwoo sabay abot nung isang plato na may cake. Bahagya naman akong napangiti sa kanya at nagpasalamat sa kanya. Kinuha ko na yung cake na binigay nya at pansamantalang nilapag muna iyon sa center table. Pagtapos ay napahinga ako ng malalim. Bigla naman hinawakan ni Wonwoo tong kamay ko.
"Hey, ok ka lang?"
Tanong nya. Muli akong napatingin sa kanya. Napangiti muli ako tsaka dahan-dahan tumango.
"Oo naman.."
Mahinahon kong sabi. Ang totoo nyan, medyo nanghinayang ako dun sa cake na pinaghandaan namin. Pero di naman ako nagalit sa kanila. Tsaka di naman nila sinasadyang matabig yun. Isa-isa silang nagsorry sa akin at di ko akalain na nag-effort pa sila bumili ulit.
"Iniisip mo ba na hindi ako masaya ngayon?"
Tanong nya at di naman ako nakapagsalita. Bahagya syang natawa at ginulo-gulo tong buhok ko.
"Baliw. Masaya naman ako kahit papaano at kahit na nahulog yung cake. Bukod sa andito silang lahat, sapat na rin sa akin na andito ka."
Sabi ni Wonwoo at hinawi tong buhok ko sa gilid. Naramdaman ko naman ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Punyeta talaga. Di ko na napigilan pang mapangiti. Napangiti rin si Wonwoo at niyakap ako.
"Mahal na mahal kita, Kaylee. Tandaan mo yan."
Rinig kong sabi ni Wonwoo at naramdaman kong hinalikan nya yung ibabaw ng aking ulo. Muli akong napangiti at isinandal ang aking ulo sa may leeg nya.
"Mahal na mahal rin kita, Wonwoo."
Sabi ko. Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa bigla nila kaming tinawag para magpicture. Sabay na kami tumayo ni Wonwoo papunta sa kusina.
"Dito kayong dalawa sa gitna!"
Sabi ni Jeonghan at hinila kaming dalawa ni Wonwoo papunta sa gitna. Ng makapwesto na kami sa gitna ay tumabi na sila agad sa amin. Nasa gilid ko naman si Wendy na ipinulupot yung kamay sa aking braso. Di ko naman maiwasan mapangisi sa kanya dahil kanina ko pa napapansin na magkausap sila ni Mingyu. Dahil dun ay bahagya ko syang siniko. Kaagad naman napunta yung atensyon nya sa akin.
"Bakit?"
"Ikaw ha. Ano meron sa inyo ni Mingyu?"
Pabiro kong tanong at bigla naman namula yung magkabilaang pisngi nya. Di ko naman maiwasan matawa sa kaibigan ko.
"B-baliw ka ba? Malamang wala!"
Depensa nya at napailing-iling nalang ako sa kanya. Pumunta na si Jeonghan dun sa may camera na dala nya. Pinindot nya na yung timer at ng magsimula na iyon magcountdown ay mabilis syang tumakbo sa kinatatayuan nya sa gilid.
"Okay guys! 1..2..3...SMILE!"
At sabay-sabay kaming napangiti kasabay nun ang pagkuha ng litrato ng camera ni Jeonghan. Bigla naman napaungol si Hoshi.
"Ulit! Nakapikit ako!"
Pagmamaktol nya at tinignan namin sya lahat ng masama.
"May mata ka pala?"
Biro ni Dokyeom sa kanya at tinignan naman sya ng masama ni Hoshi.
"Puta ka! Sapak gusto mo?!"
•·················•·················•
BINABASA MO ANG
NEXTDOOR.
Random" sino ka? " " ako yung bago at gwapo mong kapitbahay. " + svt series #2 + photo used for the cover is from tumblr. ctto.