65

475 16 2
                                    

KAYLEE.

Nakabalik na ako sa unit ko. Ng masara ko na yung pinto ay dumiretso ako sa sala at naupo sa sofa. Isinandal ko ang aking likod at napahinga ng malalim. Maya-maya ay muli akong napatingin sa necklace na suot ko. Kakaalis lang ni Wonwoo at mukhang di ko ata kakayanin na hindi sya makita sa loob ng tatlong linggo.

Naramdaman ko nanaman na may luhang namumuo sa gilid ng aking mata. Pinigilan kong wag ito tumulo. Binitawan ko na yung necklace at naisipan na manood nalang ng TV para kahit papaano gumaan tong pakiramdam ko. Ilang linggo rin naman ako magkukulong dito sa loob ng unit ko hanggang sa magpasukan na ulit.

Habang patagal ng patagal ay naramdaman kong kumulog tong tyan ko. Bigla ko naman naalala na hindi pa pala ako kumakain ng almusal. Kaya naman tumayo ako at kumuha ng tinapay. Pero bigla akong napatigil ng makita kong may isang puting box na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Napakunot naman tong noo ko at lumapit sa lamesa. Nakita kong may isang note dun sa taas ng box at binasa yung nakasulat:

"Matagal na pala kitang
di nabibigyan ng cookies, haha.
Enjoy my love."

Di ko naman mapigilan mapangiti ng mabasa ko yung huling nakasulat. Ang corny talaga ni Wonwoo at napaka-sinungaling ko kung sinabi kong hindi ako kinilig dun. Napailing-iling nalang ako at inopen na yung box na may laman ng cookies na binake nya. Dinala ko na iyon pabalik sa sala at kinain habang nanonood ng TV.

•·················•·················•

Buong araw ay wala akong ginawa kundi manood lang ng manood ng TV. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas tres na pala ng hapon. Pagtapos ay napatingin naman ako sa may bintana at nakita ang mala-kulay ginto na sikat ng araw. Napangiti ako at naisipan na tumambay sa rooftop kaya naman pinatay ko na yung TV at dumiretso na sa labas. Ng makalabas ako ng unit ko ay dumiretso na ako sa rooftop.

Ngayon nalang ulit ako nakatambay dito sa rooftop at di ko alam bakit naaalala ko nanaman si Wonwoo. Tumayo ako sa may gilid at pinagmasdan ang kalangitan. Maya-maya ay napatingin ako sa gilid ko at di ko alam bakit naiimagine kong nakatayo si Wonwoo sa tabi ko. At sa mga oras na yun, naalala ko yung araw kung saan una ko syang niyaya tumambay dito. Puta, kakaalis palang nya at namimiss ko na agad sya.

Huminga ako ng malalim at muling binalik ang tingin sa kalangitan ng biglang magring tong cellphone ko. Kaagad ko iyon kinuha at bumilis tong tibok ng puso ko ng makita kong tumatawag sya sa akin. Kaagad ko iyon sinagot.

"Hello? Wonwoo?"

"Kaylee..."

Rinig kong sabi ni Wonwoo mula sa kabilang linya at tsaka bakit parang ang lungkot nya?

"Wonwoo, ok ka lang?"

"Ok lang ako, Kaylee."

At napangiti naman ako dun sa sinabi nya.

"Mabuti. Kamusta dyan sa byahe mo?"

"Hindi na ako tumuloy."

Nanlaki tong mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Wonwoo, hindi lang sa cellphone, maging sa likod ko. Dahil dun, binaba ko tong cellphone ko at agad napalingon. Di ko maiwasan magulat ng makita kong nakatayo ngayon sa harapan ko si Wonwoo. Binaba nya na yung tawag at di naman ako makapagsalita pa dahil sa sobrang gulat.

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon