58

250 9 0
                                    

KAYLEE.

Malapit ng mag 11 ng gabi at hanggang ngayon hindi pa din nakakauwi si Wonwoo. San naman kaya sila gumala ng mga kaibigan nya at bakit hanggang ngayon wala pa sila? Hays.

Ilang beses na rin pabalik-balik sa akin yung landlord at sinasabi ko nalang na pauwi na si Wonwoo para di nya na muna isara yung gate.

Napahikab ako at bahagyang niyakap ang aking sarili dahil medyo nilalamig na rin ako ng dahil sa simoy ng hangin.

Isinandal ko ang aking ulo sa pader sa gilid at medyo inaantok na rin ako. Pabagsak na ang aking mata pero mamaya-maya may naaninag akong tao sa di kalayuan. Napaayos ako ng upo at tinignan mabuti kung si Wonwoo na iyon. At di nga ako nagkamali na sya iyon.

"Kaylee!"

Tawag nya at tumakbo papalapit sa akin. Bahagya naman akong napangiti at tumayo na. Ng makalapit na sa akin si Wonwoo ay magsasalita na sana ako pero bigla nya nalang ako niyakap.

"Sorry Kaylee. Sorry kung ngayon lang ako nakauwi. Medyo natagalan kami at di ko namalayan anong oras na."

Rinig kong paliwanag ni Wonwoo. Napahinga nalang ako ng malalim at niyakap sya pabalik. Maya-maya ay kumalas na sya sa yakap at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Di mo na dapat ako hinintay dito sa labas.."

"Ok lang. Tsaka, ayaw rin kita masaraduhan ng gate."

Sabi ko. Napangiti naman si Wonwoo at ginulo-gulo tong buhok ko.

"Ikaw talaga. Nag-aa–"

"Mga iho at iha, papasok na ba kayo sa loob o ano?"

Sabay kaming napalingon at nakita yung landlord. Dahil dun kaagad na kami pumasok ni Wonwoo. Ng makapasok na kami ay nagpasalamat ako sa kanya tsaka nag-sorry na rin.

"Pasensya na po talaga."

"Ok lang sa akin. Tsaka ikaw iho, agahan mo na pag-uwi mo. Hindi yung pinaghintay mo pa sya dyan ng matagal."

Sabi nya at napailing-iling kay Wonwoo. Napakamot nalang sa ulo si Wonwoo at nagsorry na rin. Ng makapagpaalam na kami sa kanya ay dumiretso na kami sa taas. At ng makarating na kami sa aming unit ay muli akong humarap kay Wonwoo.

"Sige, goodnight na–"

"Teka, pwedeng dyan muna ako sa unit mo?"

Tanong nya. Natawa naman ako sa kanya.

"Bakit?"

"Makikitambay lang ako."

Sabi nya. Binuksan ko na yung pinto ng aking unit.

"Sus. Sabihin mo lang na natatakot ka mag-isa."

"Uy hindi ah. Sige, ganyan ka na sa akin. Ayaw mo na ako makasama."

Pagmamaktol nya. Kaagad ko syang hinawakan sa braso nya at hinila na papasok sa loob ng unit ko.

"Para ka namang batang nagtatampo. Oh ayan na, pumayag na ako."

Sabi ko at natawa nalang sya sa akin. Dumiretso sya sa sala at naupo dun sa sofa ko.

"Tara nood tayo ng TV."

Sabi nya at akmang kukunin yung remote na nakapatong sa center table pero kaagad ko syang pinigilan.

"Wag na anong oras na. Tsaka baka nakakalimutan mong may exams pa tayo bukas."

Paalala ko sa kanya. Bigla naman syang napangisi sa akin.

"Alam ko no. Nagreview kaya ako kanina nung kasama ko sila Jeonghan."

Pagmamayabang nya at napailing-iling nalang ako sa kanya.

"Sus, edi wow."

Pabiro kong sabi. Muli syang natawa at humiga sa sofa ko. Tinignan nya naman ako. At mamaya-maya ay bigla syang napangiti sa akin. Di ko naman maiwasan magtaka sa kung bakit bigla-bigla syang ngumingiti ng ganyan sa akin.

"Bakit ka nakangiti??"

"Wala. Ang ganda mo lang kasi tsaka bagay sayo yung necklace."

Sabi ni Wonwoo at kaagad naman ako napatingin dun sa necklace na binigay nya sa akin. Dahil dun, naramdaman ko ang pagkabilis ng tibok ng aking puso.

"Anong oras na nakuha mo pang mang-bola sa akin. Bolero ka talaga."

"Baliw bagay nga sayo. Pero syempre, mas bagay tayo."

Sabi nya at mula sa kinakatayuan ko ay kitang-kita ko ang pagkindat nya sa akin. Puta lasing ba sya?

"Lasing ka no?"

"Baliw hindi."

Natatawa nyang sabi at bigla naman syang napahikab. Umayos sya sa pagkakahiga at napatingin sa kisame.

"Pwede dito muna ako matulog?"

"Hmm. Sigurado ka bang nakalock yung unit mo?"

Tanong ko at isang tango lang ang binigay nya sa akin. Napahinga ako ng malalim at naisipan na kumuha ng tubig kaya naman dumiretso muna ako saglit sa kusina upang kumuha ng tubig. Ng makakuha na ako ng tubig ay bumalik na ulit ako sa sala.

"Oo nga pala, kelan pala–"

Natigilan ako ng makita kong nakapikit na mga mata ni Wonwoo at natutulog na. Ano ba ginawa nila bakit parang pagod na pagod sya? Hays. Napahinga nalang ako ng malalim at inilapag sa center table yung baso na may laman ng tubig. Pagtapos ay naupo ako sa sahig katabi ng sofa, kung saan natutulog na ngayon si Wonwoo. Saglit kong pinagmasdan ang mukha nya. Di ko akalain na ang cute tignan ni Wonwoo kapag natutulog sya. Dahil dun ay napangiti ako at itinaas ang aking kamay tsaka dahan-dahan hinawi yung buhok nya.

Tumayo na ako at didiretso na sana sa kwarto pero bigla nalang hinawakan ni Wonwoo tong braso ko at hinila ako pahiga sa tabi nya. Ng makahiga ako sa tabi nya ay kaagad nyang ibinalot kamay nya sa akin.

Napatitig naman ako sa mukha nya at bahagya nya naman idinilat mata nya. Napangiti sya at hinalikan ako sa noo. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Goodnight, Kaylee..."

Halos pabulong nyang sabi. Di ko naman mapigilan mapangiti sa kanya.

"Goodnight, Wonwoo.."

Pinikit na muli ni Wonwoo yung mata nya at isinandal ang kanyang ulo sa akin. Isinandal ko ang aking ulo sa may dibdib nya at ipinikit na rin ang aking mata para makatulog na rin.

At dito na kami sa sofa natulog.






...

an: wassup! pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakapag-update huhu! sana naenjoy nyo to at konting push nalang matatapos na rin to whoop whoop! HAHAHAHA

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon