38

283 10 4
                                    

KAYLEE.

Maghahating gabi na at hanggang ngayon gising na gising pa rin ako. Nakatitig lamang ako sa kisame habang inaalala yung nangyari kanina. Kung saan hinawakan ni Wonwoo tong braso ko sa may elevator para di ako mahulog.

Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam bakit sa tuwing naiisip o naaalala ko si Wonwoo ay lagi nalang nagwawala tong puso ko. Araw-araw na nangyayari sa akin to eh at mas lalo na akong naguguluhan sa nararamdaman ko.

Sa totoo lang, kakaiba si Wonwoo sa lahat ng lalaki na nakilala ko. Sya yung tipong pag alam nyang galit yung isang tao ay gagawa sya ng paraan para mag-sorry. Katulad na lamang nung hindi ko sinasadyang magalit sa kanya nung tinatanong nya ako tungkol kay Felix. At kinagabihan nun nagbigay sya ng cookies at isang note na nagsasabing "I'm sorry". Sya yung tipo na nag-aalala sa mga kapwa nya, kakilala nya man o hindi, kaibigan nya man o hindi.

Napaupo ako at napahawak sa dibdib ko at hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Sa mga oras na yun naalala ko yung unang pag-uusap namin. Kung saan bagong lipat palang sya dito...

"Sino ka?"

"Hi. Ako si Wonwoo."

"Ako yung bago at gwapo mong kapitbahay."

"Ako nagbake nyan. Sabi kasi sa akin na mag-hi ako sa kapitbahay ko at bigyan daw sila ng cookies."

Akala ko nga weirdo sya eh pero akala ko lang yun. Mabait na tao si Wonwoo. Parang sya yung mga dream boy na pinapangarap ng mga babae. Napaka-perfect nya rin. At kahit medyo may pagkasungit yung mukha nya, ang cute nyang tignan. Mula sa mga singkit nyang mata at sa mga nakakahawa nyang ngiti at tawa...

Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Napapikit ako at tinakpan ang aking mukha. Tuluyan na ako natamaan sa kanya. Di ko akalain na nagugustuhan ko na si Wonwoo..




...

an: yiieyy!




NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon