46

266 9 0
                                    



Dear Wonwoo,

Um, hi! Di ko alam pano ko to sisimulan. Sa totoo lang, nahihiya akong sabihin sayo ng harap-harapan eh. Kinakabahan ako na baka mawirdohan ka sa akin sa oras na masabi ko..

Una sa lahat, gusto ko lang magpasalamat sayo. Salamat dun sa mga cookies na binake at binibigay mo sa akin. 'wag ka mag-alala kinakain ko naman lahat yun. Salamat rin pala sa pag-alala mo sa akin bilang kaibigan.

Sa totoo lang, kakaiba ka sa mga lalaking nakilala ko. Napaka-bait mong tao, Wonwoo. Nag-eeffort kang tumulong sa iba at sobrang na-appreciate ko iyon.

Pasensya na pala kung biglang nag-iba ang pakikitungo ko sayo. Ang totoo nyan kasi...nagugustuhan na kita Wonwoo.

Napaka-bait at napaka-buti mong tao. Mula sa mga magaganda mong mata at mga nakakahawa mong ngiti at tawa. Sobrang thankful ko rin na nakilala kita. Nakakatawa kasi nung una akala ko weirdo ka hahaha.

Pero anyways, yun lang naman ang gusto kong sabihin. Totoong may nararamdaman ako para sayo. At kaya umiiwas ako sayo ay dahil natatakot ako na baka marinig mo tong tibok ng aking puso. Kaya, pasensya na rin.

Di ko naman hinihiling na magustuhan mo rin ako. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko dahil kung patuloy ko lang ililihim to sayo, ewan ko nalang.

Salamat ng marami, Wonwoo. Hindi mo man namamalayan, pero sobrang thankful talaga ako sa lahat ng bagay na ginawa mo para sa akin..

Sincerely,
Kaylee









...

an: aweee! sorry kung medyo corny huhu

NEXTDOOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon