NAPAUNGOL si Rashid nang biglang bumukas ang ilaw sa kuwarto kung saan siya naroroon. Kakabalik lang niya sa palasyo at halos nagsisimula pa lang na magpahinga. Na-istorbo siya. Iminulat niya ang mata para sitahin ang kung sino man na pumasok. Ilang beses siyang napakurap nang makita ang asawa.
"Yaminah," Halos mapabalikwas ng kama si Rashid. Nawala ang iritasyon niya nang magsalubong ang parehong kulay berdeng mga mata nila. Napalitan ng magandang pakiramdam ang pagod niya nang makita ito. Natigilan ito. Natitigan niya ulit ito.
Rashid appreciate the rare moment his eyes can lay to her very lovely face. Naka-pusod ang kulay brown at mahabang buhok ni Yaminah kaya lalong naging libre ang mga mata niya para makita ang mukha nito. From her olive skin, pointed nose and full lips, everything was perfect. Ganoon rin ang naging tingin niya nang sandaling magkaroon rin siya ng pagkakataon para maibaba ang tingin sa katawan nito. She was tall, lean but still had the right curves.
"K-keefak?" pangungumustang wika ni Yaminah sa salitang Arabic na siyang language na ginagamit sa Saranaya. Doon natigilan si Rashid. Nagulat siya. Simula nang mamatay ang anak nila ay hindi na ito muling pumasok roon. Kasabay ng pagkawala ng anak ay ang pagkawala rin ng pakialam sa kanya ng asawa.
"Zayn," Pagod si Rashid pero ngayong nakita si Yaminah ay naging maayos ang pakiramdam niya kaya may katotohanan iyon. "Ikaw?"
"I'm good, too." Lumapit si Yaminah kay Rashid kaya mas narinig niya ang boses nito. Napakunot noo siya. Noong una, akala niya ay nag-aalinlangan lang ito na kausapin siya kaya gumagaragal ang boses nito. Pero dahil naririnig na niya ngayon nang mas malinaw, hindi pala iyon kagaya ng akala niya. Parang boses ng isang taong wala sa sarili ang naririnig niya.
"You feel not and---" Tuluyan nang nakalapit si Yaminah kay Rashid. At hindi lang ito basta nakalapit. Pinulupot rin nito ang kamay sa leeg niya!
Tila nawalan ng hangin sa paligid ni Rashid. Kasabay roon ang paglakas ang tibok ng puso at pamamawis ng kanyang mukha. How he missed the feel of Yaminah's skin next to him. Pero pinigilan niya ang damdamin nang magkahinala sa dahilan kung bakit ginawa iyon ni Yaminah. Nasagot ang pagtataka niya sa pamamagitan ng pag-amoy.
"Lasing ka, Yaminah!"
"Hmmm..." Nag-beautiful eyes pa ang asawa sa harap niya. "I miss you, Habibi..."
Napalunok si Rashid. Gumamit pa si Yaminah ng Arabian endearment kaya lalo siyang naapektuhan. Nanghihina siya. Pero naniniwala siya na dala lang ng alak ang lahat kaya nasasabi iyon ni Yaminah. Wala ito sa sarili. Hindi dapat niya inaabuso ito.
"Yaminah..."
"Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko, Rashid? Hindi mo na ba talaga ako gusto?"
Napapikit si Rashid. You don't know how much I want and yearn for you...
"Hmf. Sabagay! Mas marami nga pala na mas magandang babae sa Pilipinas---"
"Stop it, Yaminah." Putol ni Rashid. Iminulat niya ang mata.
Pinutol rin ni Yaminah ang ugnayan ng mga katawan nila. Bahagyang lumayo ito sa kanya. Sumimangot ito. "Ano lang ba ako? Just a spoiled princess who was married to a man who fancied a lot of another woman. I'm just your wife by responsibility."
"Pero iyon ang pinakamahalaga 'di ba? You are my wife. You have me. I'm all yours..."
Sinalubong ni Yaminah ang mga mata ni Rashid. "You are mine. Pero hindi lahat. Hindi ko hawak ang puso mo..."
"You---" Hindi naituloy ni Rashid ang susunod na sasabihin nang magpatuloy sa pagsasalita si Yaminah.
"Pero hindi naman iyon ang kailangan ko sa 'yo ngayon..." Hinawakan ni Yaminah ng kanang hintuturo ang labi niya. She trails his lips. "What I need is this..."
Inilapit muli ni Yaminah ang sarili, lalo na ang mukha nito. Tinawid nito ang distansya sa pagitan ng mga labi.
Nanlaki ang mata ni Rashid. Parang nagkaroon rin ng kuryente na tumakbo sa buong katawan niya sa halik ni Yaminah. Pero tanging ang puso lang ang binigyan ng kuryente ng enerhiya. Nanghihina naman ang katawan niya, lalo na ang mga tuhod niya.
Pakiramdam ni Rashid ay nakatikim rin siya ng alak sa paghalik ni Yaminah. He could literally taste it, though. Na-bother siya. The liquor tastes strong. Parang kagaya ng nararamdaman niya sa asawa ngayon...at kahit naman noon.
Nawala si Rashid sa sarili. Alam niya na mali ang tumugon siya sa halik. Lasing si Yaminah. Ginagawa lang nito iyon dahil sa espiriti ng alak. But he longed and crave for her lips and its feeling for two years now.
Hinayaan ni Rashid na pakinggan ang damdamin. After a while, they are both lost in that enchanting kiss.
BINABASA MO ANG
Rashid, The Married Playboy (COMPLETED)
RomantikIsang real life Princess si Yaminah. Pamilya niya ang ruling royal family sa Saranaya---isang maliit na bansa na kabilang sa Arabian Peninsula. Her life was exactly as people thought a princess life is: perfect. Napatunayan pa niya iyon nang makilal...